Chapter 1
Julian Cyril Villasanta
"Uy, good mood ba si Professor Lim ngayon?"
Hindi ako nakasagot agad dahil hindi rin naman ako sigurado. Nung huli kong sinabi na good mood si Professor, bigla siyang na-bad mood tapos sa akin nagalit kasi 'di raw ako nagsasabi ng totoo. E malay ko ba? 'Di ko naman hawak ang mood ni Professor. Siya 'tong pala-absent, malamang magagalit sadya si Professor.
"Di ko sigurado... Tignan mo na lang."
Napa-simangot sya. "Wala man lang bang clue?"
I just shrugged. "Di ko talaga alam," sabi ko na bahagyang tumawa. Aba, mahirap na. Mamaya e kasalanan ko na naman. Nanahimik ako tapos biglang kasalanan ko na naman.
Dahil kailangan niya yata talagang maka-usap si Professor, pumasok pa rin siya sa office. Bahala siya d'yan. Paliwanag niya kung bakit isang linggo siyang absent. Tapos na naman ako sa pinapa-gawa ni Prof kaya nagreview na lang ako para sa next subject. Student assistant ako ni Professor Lim, malaking extra-curricular points ang makukuha ko dito para makatulong sa grades ko.
Kung papipiliin lang talaga ako, ayoko talagang mag student assistant. Nung grade 11, kaya pa.
Ngayong grade 12? Parang ikamamatay ko na lang talaga.
Parang bigla na lang akong bubulagta sa kalsada sa sobrang pagod.
Graduating na ako at gusto ko with flying colors para maging proud sa akin parents ko. Kahit wala na sila. Pinipilit ko na lang talagang isiksik sa utak ko lahat ng pinag-aaralan namin, pero minsan wala talaga akong maintindihan. Tuwing may klase, para bang nasa ibang dimensyon ako at wala akong maintindihan sa mga tinuturo sa amin. Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwang tainga.
Ewan ko ba.
Lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko na konting gapang pa.
At least kahit gumagapang ka, 'di stagnant. Kung pwede lang kumembot para mas madali, ginawa ko na.
Tamihik akong nagbabasa ng sa PolGov nang makabalik sa classroom. Biglang lumapit sa akin si Prita. Napatingin ako sa kanya.
"Bad mood?" I asked.
"May kausap," she answered.
"Oh? Sino?" nagtatakang tanong ko dahil wala naman akong maalala na pumasok sa office ni Professor. Kanina pa ako doon... Weird naman.
"Bagong Demo Teacher pero 'di ko alam ang pangalan," sagot niya.
"Narinig mo ba pinag-uusapan?"
Mariin siyang tumango. "Siya daw papalit kay Professor Lim habang naka LOA. Ang gwapo beh! Buti naman naisipan ni Prof mag-leave, kung nagkataon baka mapaanak siya sa stress sa klase natin," tatawa-tawang sabi niya.
"Baliw! Ano kinalaman ng pagiging gwapo sa pagtuturo?" takang tanong ko sa kanya.
"Malamang nakaka-inspired kaya mag-aral kapag gwapo ang professor. Tsaka sawa na ako sa mukha ni Professor Lim no! Baka mamaya ako na maging kamukha ng anak nya."
'Di ko naman mapigilan mapatawa sa sinabi niyang iyon. Kahit kailan talaga 'di nauubusan ng kalokohan sa katawan si Prita. Si Prita lang ang close ko dito sa klase. Pareho kaming bakla pero siya ay ladlad o lantad na lantad talaga. Crossdresser at nag-lalagay sya ng make-up at kung anu-anong kolorete sa mukha. Ako naman, bakla pero mukha pa rin lalaki. Nagkakagusto sa kapwa lalaki pero 'di ko sinasabi. Nakakatakot kayang majudge ng ibang tao.
Dami pa namang judger d'yan sa paligid. Akala mo kung sinong mga perfect.
"Legit ang gwapo talaga!" dagdag ni Prita. "Alamin mo naman ang pangalan tapos sabihin mo sa akin."
"Bakit? E sa Monday naman start na siya, makikilala mo rin naman. Excited ka?" natatawa kong tanong.
"Gaga absent ulit ako sa Monday."
Napa-taas ako ng kilay. "Lagot ka talaga. Dami mo ng absent. Kapag ikaw bumagsak," pananakot ko sa kanya.
"Edi magti-tinda na lang ako ng proven at fishball sa labas ng school."
Nagkibit-balikat na lang ako. Bahala sya grades niya naman 'yun. Kahit na magkaibigan kami ay hindi ko tino-tolerate ang kanyang katamaran.
Natapos ang buong maghapon na pahikab-hikab lang ako sa klase. Lahat kase nang mga itinuro ngayon e na advanced read ko na. Basahin ko na lang ulit 'pag malapit na midterms.
Bumaba ako ng building at dali-daling nakikipag-unahan palabas ng school. 'Wag sanang maabutan ng rush hour. Mahirap na at baka maunahan ako sa bus at mag-hintay na naman ako ng isa pang oras para sa kasunod.
"Yes, madami pang space," bulong ko sa sarili ko nang maka-akyat ako sa bus. Agad hinanap ng mata ko ang window seat—paborito kong pwesto. Ewan, ang comfortable kase sa window seat. Tipong naka-headset tapos 12:51 'yong kanta, at sabay tingin sa bintana. Parang nasa music video lang.
Isinandal ko ang kanan kong braso sa bintana at pinagmasdan ang mga tao sa bus stop. Deserve! Ang bagal-bagal niyo kasi e. Nakaramdam ako ng antok at maya-maya lamang ay nagkusa nang pumikit ang aking mga mata. Naalimpungatan ako ng may kamay na tumulak sa mukha ko.
Nagising ako at napamura sa aking isip. 'Shit.' Nakalagpas na ata ako sa aking condo. Mukat- mukat ako na tumingin sa labas ng bintana para silipin kung nakalagpas na talaga ako. Nagpakawala ako nang malakas na buntong hininga nang makita ko na heavy traffic pala. Salamat naman at hindi pa ako lumagpas...
Medyo madilim na ang paligid. Tinignan ko ang oras sa aking phone pero 'pag minamalas nga naman. Lowbat na ako... Kahit nahihiya ay tumingin ako sa aking katabi para magtanong kung anong oras na.
Para akong na hypnotize nang mapatitig ako sa mukha ng katabi kong lalaki. Kitang-kita ko ang kanyang manipis at kulay pulang labi. Makapal na kilay at matangos nyang ilong. Alam mo iyong parang mga nasa K-drama? Ganun ang itsura nya. Kulang na lang e maglaway ako sa pagkaka-titig sa kanya.
Narinig ko ang marahan niyang pagtikhim. Napaiwas naman agad ako ng tingin. Puta! Ano ba yan? Nakakahiya! Gusto ko na lang lumubog sa lupa at maglaho bigla.
"Do you need something?" tanong niya bigla.
Parang nagbuhol dila ko at 'di makapagsalita. "A-ah anong oras na?"
"6:00 PM."
"S-salamat," sagot ko na medyo na-uutal pa rin.
Tumingin lang siya sa akin at bumalik ng tingin sa unahan.
"Nalawayan mo 'yung damit ko kanina," biglang sabi niya.
"Ha?"
"Bingi ka ba?"
"Ang sabi ko nalawayan mo 'yung damit ko kanina. I even let you sleep on my shoulder tapos nilawayan mo pa," pag-uulit nya na para bang ang tanga tanga ko sa paningin nya. Napatingin ako sa may bandang braso nya at nakita kong may parang maliit na mapa doon—mapa ng laway ko.
Nakakahiya nalawayan ko nga talaga sya sa damit. Tangina! Ayokong tumingin sa kanya baka bigla nya na lang akong sapakin.
"Sorry, e kase–"
"Tsk," lumingon siya sa akin at tumingin sa aking mga mata. "Stop making excuses. Just say you're sorry and we're good," sabi nya pa sabay tayo at lakad papuntang unahan.
"Gwapo na sana kaso ang sungit!" napalakas kong sabi at nakita ko naman na lumingon pa siya sa akin pero walang ekspresyon ang kanyang mukha.
Nasa bus stop na pala kami. Hindi ako nakipag-unahan sa pagbaba, baka maipit pa ako. Tatayo na sana ako nang may nakita akong ID sa tabi ko.
Raphael C. Yapchengco
College of Law

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...