抖阴社区

Chapter 20

53 7 0
                                    

Chapter 20





My head was pounding like crazy when I woke up. I'm trying to get up pero tangina, sobrang nahihilo ako. Alak pa more! Buti na lang may lakas pa ako para pumunta ng kitchen at uminom ng tubig. Tangina, never again.

Napapikit ulit ako, trying to remember kung anong nangyari kagabi. Lalong sumasakit ang ulo ko nang maalala ko ang mga nangyari kagabi—si Prita na hinalo 'yung ice cream sa alak, pagsayaw namin sa dancing queen habang yakap yakap ang bote ng alak, at—

Oh, my god!

Bigla akong bumangon pero napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. Hindi ko na ulit to gagawin, I swear! Lord, tanggalin mo lang hangover ko, hinding hindi na ulit ako mag-iinom.

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ko nang tuluyan kong maalala kung anong 'yung last kong ginawa bago ako nag blackout.

Tumawag ako kay Mateo...

Mateo!

'Mateo, help me to forget Raphael.'

Fuck!

Getting drunk is one thing—but doing embarrassing things while drunk is absolutely the worst. Ang tanga ko! It's just a drunk call pero knowing Mateo, sigurado ako paulit-ulit nyang ipapaala sa akin 'yun! Taena ayoko na magpakita sa kanya! Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader ng paulit-ulit.

I grabbed my phone agad para tingnan kung may reply ba si Mateo or worse... kung may ginawa pa akong mas nakakahiya. Tangina, please lang sana wala akong nagawa pang mas nakaka ubos ng dignidad!

Pagbukas ko ng phone, isang notification agad ang bumungad.

NoMattNovember

'G? Tara tambay ka dito sa ospital, papahilot kita sa rehab department namin.'

I dropped my phone on my bed. "Fuck, Julian, anong ginawa mo?!" sigaw ko habang nakahawak sa noo.

As if on cue, may isa pang notification.

'Joke lang, Ju. Ikaw talaga. Pahinga ka dyan, wag mo masyado isipin si prof.'

Napahinga ako nang malalim. At least hindi niya pinaalala 'yung ginawa ko kagabi. I was ready to defend my life if he decided to bring that up—buti na lang at hindi.

***

A week passed, so I decided to just focus on my studies. Since midterms ended, sobrang dami ko nang backlog. I needed to catch up before finals. Kala ko after midterms I could finally catch a breather but here I am again... kayanin ko pa kaya pag nag college?

Within that week ay iniiwasan ko si Raphael. Hindi naman siya nangungulit, and honestly, thankful ako dun. Even in the school he acts professional, para bang back to square one kami na hindi magkakilala. Tama nga siguro 'yung sinabi niyang bibigyan niya ako ng space. At least, kahit papaano, he's keeping his word.

Si Mateo naman, still doing the same thing. He still sent me memes, random updates—walang palya as if boyfriend na nag-uupdate sa jowa. Pero hindi niya naman ako kinukulit magreply, and I appreciated that.

Si Shaira at Prita naman ay busy din sa, we barely had time to hang out. Busy kami sa kanya kanya naming thesis. Magkakaiba kami ng grupo—thank god kung magkakasama kaming tatlo baka sabay sabay din kaming babagsak.

But no matter how hard I try not to think about Raphael, kahit anong aral ko, hindi ko pa rin maiwasan isipin siya paminsan-minsan. Lalo na 'pag mag-isa ako at wala na akong ibang distraction.

But I need some time to think.... ayoko na muna. Kailangan ko munang mag-focus.

Another week passed, and I was back to my usual routine—study, eat, study, konting tulog, then study ulit. Para akong robot, but I needed to do this. Kaso, alam mo 'yung feeling na parang 'di mo na namamalayan na pagod ka na pala? Para na akong robot na paulit-ulit ang ginagawa...

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now