抖阴社区

Chapter 21

53 6 0
                                    

Chapter 21





"You're good to go, Mr. Villasanta," sabi ng nurse habang inaabot sa akin ang discharge papers. "Just make sure to properly rest, and no strenuous activities for the next week."

I gently nodded.

I was still feeling lightheaded pero ayos na daw sabi ng doctor. Iwasan ko daw muna ang madalas na pagpupuyat at paggawa ng mga mabibigat na bagay. I mean... di naman maiwasan mapagod dahil daming deadlines sa school. I wonder if I will end up again in the hospital in the near future for not following the doctor's instructions.

I picked up my phone from the table, waiting for Prita. Weird... sabi ko sa kanya ay sunduin ako sa sa ospital, e. I'll just wait, knowing her baka na stuck sa traffic. But the good thing is I will finally go home. Three days at the hospital—sobrang nakakaumay na. Walang lasa 'yung mga food rations sa ospital. Nakakadepress pa!

"Julian!"

Napalingon ako sa boses ni Mateo na papasok ng kwarto. Pero bago pa siya makapasok nang tuluyan, may sumingit.

"Good morning," bati ni  Raphael, hawak ang isang paper bag. "I brought you some clothes. I figured you might need fresh ones."

Napatingin ako sa damit ko—hospital gown pa rin nga pala. Shit. I almost let myself go out nang naka hospital gown lang. Buti na lang... ayoko magdagdadag ng bagong ikasisira ng dignidad ko.

"Thanks," I said as I get the bag from him. "Pero may dala rin akong extra clothes sa bag ko."

"Oh," napakamot ng ulo si Raphael.

"Saka dapat ako nagdala niyan eh," singit ni Mateo, halata ang inis sa boses. "Ako naman lagi ang—"

"Pasikat," Raphael retorted before Mateo could even finish his sentence.

"Oops," isang malakas na boses ang pumasok sa kwarto. Si Prita, nakatayo sa may pinto, nakataas ang kilay. "Boys pwedeng tumabi kayo? May wheelchair dito."

God, thanks! Akala ko mag-aaway na naman ang dalawa. Sakto ang dating ni Prita. Agad namang tumabi sina Mateo at Raphael. Pumasok si Prita, pushing a wheelchair.

"Hospital policy," she said while crossing her arms. "Now, baks, magbihis ka na para makauwi ka na."

I quickly went to CR. Napatingin ako sa dala kong damit—fuck, pang-alis pala ang dala ko. I had no choice but to wear Raphael clothes, though medyo malaki sa akin 'yung damit nya ay bumagay naman. Lumabas ako ng CR at nakita ko naman ang ngisi ni Raphael nung mapansin nyang suot ko 'yung damit na dinala niya.

"I can drive you home," Mateo and Raphael suddenly said in unison.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Napatingin din sila sa isa't isa. Parehas nagtaas ng kilay at kumunot ang noo ng dalawa na para bang may competition kung kanino ako sasama pauwi.

"I have my car outside," sabi ni Raphael.

"Well, ako rin," sagot ni Mateo. "At mas kilala ko si Julian kaya—"

"I can drive you home safely," Raphael said, cutting Mateo off.

Tangina! Nag uumpisa na naman ang dalawang 'to. Wala talaga silang pinipilang lugar para mag-away. Di pa ako nakakauwi pero parang pagod na ulit ako.

"Actually..." I said. "Kay Prita na lang ako sasabay."

Napatigil silang pareho.

"Ha?" tanong ni Mateo.

"Kay Prita ako sasabay," I repeated. "Kailangan ko ng peace and quiet, at sigurado akong 'di ko makukuha 'yon sa inyo."

"Tara na, baks."

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now