抖阴社区

Chapter 2

88 11 0
                                    

Chapter 2

Mabilis akong tumakbo pagka baba ng bus. Biglang bumuhos ang ulan. 'Pag naulanan ako ay panigurado na magkakasakit ako. Hirap magkasakit ngayon, mahal ng gamot. Buti pa gamot mahal. Sana all.

"Wait–" sigaw ko sa taong kakapasok lang sa elevator. Ang hassle mag-intay sa akyat babang elevator. Baka mamaya marami pa akong makasabay. Magsasara na sana 'yung elevator ng i-pinasok ko ang kamay ko sa pinto ng elevator para muli itong magbukas.

"Salamat naman at nakaabot," hinihingal kong bulong sa aking sarili. Napatingin ako sa elavator button at nakita ko na naka-press na yung floor 11. Nice. Bumuntong-hininga ako tumingin sa aking katabi.

"Are you following me?"

Napaawang ang aking mga labi sa nakita. Shit. Siya 'yung lalaki kanina. Ano daw? Kung sinsundan ko daw sya? Kapal ng mukha. Oo gwapo sya pero 'di naman ako stalker. Di naman siya artista, mukhang artista lang.

Nagtaas ako ng kilay. "Excuse me?" tanong ko sa kanya. "Hoy hindi kita sinusundan. FYI, dito din ako nakatira. Baka ikaw d'yan ang sumusunod sa akin."

"As if," pasinghal niyang sabi.

Sinamaan ko sya ng tingin. Ang sungit naman, mukhang masama ugali. 'Di ko ugaling mang-judge ng tao. Sabi nga nila 'Don't judge the book by its cover,' pero mukhang masama talaga ugali nya. Mukha lang ang gwapo sa kanya, pero sa ugali? Ekis na ekis.

"Edi wow," pabulong kong sabi.

"I heard that," he said, looking at the opposite side of the elevator. "Rude-ass."

"Kapal mo ikaw nga dyan 'yung rude. Nag-sorry na nga ako, galit pa. At pinagsarahan pa ako ng elevator kahit narinig na akong sumigaw ng wait," nilakasan ko yung boses ko para marinig nya. Tutal kami lang naman dalawa yung tao sa elevator. Kala nya porket gwapo siya ay palalagpasin ko yung ugali niya. Hell no.

He finally looked at me. "You sound like a kid throwing tantrums," sabi niya sabay labas ng elevator.

Sumunod naman ako kasi magka-floor kami. Binilisan ko ang paglalakad dahil at inunahan siya. Ayokong isipin nya na I was following him. May pagka-mayabang pa naman sya.

"Magkatabing unit lang tayo?" tanong ko sa kanya nang makita ko syang nagbubukas ng pintuan.

Malas. Mukhang magkikita kami nang madalas. Siya pala yung bagong lipat. Tagal na dyan walang nakatira. Almost a year na din.

"Ganyan ka ba makipag-usap sa mas nakakatanda sayo?" he asked, raising his brows.

"Respect is earned not given," I replied.

'Di na siya umimik at nagpatuloy sa pag-pindot ng passcode niya sa kanyang unit. "Hoy!" tawag ko sa kanya.

"What?"

Inabot ko sa kanya yung ID niya na napulot ko kanina sa bus. 'Di naman ako masamang tao para hindi ibalik sa kanya iyon. I hate how he treated me but it doesn't mean na magiging masama na ako sa kanya. I mean, I did answered him in sarcasm earlier pero kasalanan niya iyon. Masyado kasi siyang masungit.

"Thanks," he said as he entered his unit and closed the door.

Naiwan akong mag-isa dun sa labas ng unit niya na nakatanga. 'Di man lang ako binigyan ng chance na makasagot ng you're welcome. Kakainis. Naiinis talaga ako sa kanya.

Pumasok na rin ako sa aking unit at agad na humiga. Grabe 'yung pagod ko. Araw- araw na lang akong pagod. 'Di ko namalayan sa sobrang pagod ay nakatulog na ako. Nagising na lang ako ng may nag ring ng doorbell. Ano ba 'yan! Panira ng tulog.

Agad akong bumangon at nagtungo sa pintuan. I grabbed the doorknob and opened it. Patingin-tingin ako sa kaliwa't kanan para makita kung sino yung nag ring ng doorbell.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now