抖阴社区

Chapter 5

69 9 0
                                    

Chapter 5


Alam mo 'yung feeling na kapag may nagawa kang nakakahiya, paulit-ulit iyong nagre-replay sa utak mo? Na tipong napapa-face palm ka na lang sa katangahan mo? Sabi sa akin ni Prita, meron daw akong 'main character syndrome.' Hindi naman daw sa akin umiikot ang buhay ng ibang tao. Iyong nakakahiyang nagawa ko, ako lang naman daw nakakaalala. Masyado raw maraming iniisip iyong ibang tao para pagsayangan pa ako ng oras.

Epal din Prita e, but she got a point.

Pota, sobrang nakakahiya talaga!

Napaka straightforward niya. Sinabi niya pa talaga sa harap ko na inistalk ko ang LinkedIn profile niya. Akala ko mabait na siya sa akin, bakit hindi na lang siya nag patay malisya. Nakakainis tuloy! Oo kasalanan ko pero dapat inisip niya rin ang feelings ko.

"Don't sweat it," he said. "It's not like you're committing a crime."

I didn't reply. Mula elevator hanggang sa makarating kami sa school ay hindi na ako nagsalita pa. Baka may masabi na naman akong nakakahiyang bagay. Tuwing kasama ko sa si Raphael, kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko. Unti-unting nababawasan ang dignidad sa katawan ko.

Mas pinili ko na lamang na tahimik na mag ayos ng documents sa loob ng office ni Raphael. Tahimik din siyang nagtitipa sa kanyang laptop. Tama nga si Prita, may main character syndrome nga ako. Para namang walang pakialam si Raphael kung inistalk ko siya. Ako lang yung affected sa nangyari.

Mga 7 AM ay natapos na ako sa aking ginagawa. Finally, hindi pa naman ako late sa first subject. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kay Raphael, mukha akong kalmado pero sa loob, nagwawala na ang isip ko.

"Professor," bulong ko na halos ako na lang ata ang nakarinig sa sinabi ko. "Tapos na po ako."

Saglit siyang tumigil sa pagta-type at tumingin sa akin. "Thanks. I'll treat you to coffee next time," sabi niya.

I just nodded. Nagmamadali akong lumabas ng office nang tawagin nya ulit ako. Ano na naman kailangan niya. Pagod na nga ako, e. 'Di pa nagstart iyong klase, haggard na ako.

"Julian."

"Yes, prof?" I asked.

"Sabay ka ulit pauwi?" he asked again.

***

Buong klase ay para na namang lumilipad ang utak ko. Lecheng Raphael na 'yan! Hindi ko maintindihan bakit kailangang sumabay ulit ako sa kanya mamaya. Good samaritan ba siya? Sabagay, pangalan palang anghel na.

"Villasanta."

Fuck.

Ang dami daming diniscuss ni Professor Andahon pero walang pumasok miski isa sa utak ko. Natawag pa sa recitation. Just my luck! I was praying in my mind na sana kayanin ng stock knowledge ko. Ayokong bumagsak sa klase niya, notorious pa naman siya sa pagbabasak ng mga estudyante.

"Yes, sir?" tanong ko.

"What are atoms?"

Shit.

Hindi ko alam ang sagot. Para na akong mahihimatay sa kaba. Pinipilit kong isipin ang sagot, wala talaga akong maisip. Lecheng Raphael 'yan. Kasalanan niya 'to. If he only acted that nothing happened, edi sana nakapag focus ako sa pakikinig.

"I don't know, sir," I answered.

"Sit down."

Agad akong umupo. Ramdam ko yung pagkapahiya dahil di ko nasagot 'yung tanong. Pangalawang kahihiyan ko na ngayon araw. Bakit ba ang malas malas ko ngayon? Wala naman akong ginawang kasalanan.

Pagkatapos ng chemistry ay dali dali akong lumabas ng classroom, hila hila si Prita. Nakarating kami sa canteen. Kailangang kong kumain para mabawasan pagkabadtrip ko. Buti na lamang ay hindi crowded at nakabili agad ako. Umupo kami sa may bandang dulo, para walang istorbo.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yung nangyari sa chemistry kanina. Nagbasa naman ako, di ko nga lang naalala. Sumabay pa si Raphael, pati isip ko ininvade niya na!

Maya maya lang ay may natanaw kong papasok si Raphael sa canteen. Nagtakip ako ng bag para 'di niya ako makita.

"Prita!" tawag ko. "Itago mo ako, bilis!"

"Bakit?" tanong niya.

"Basta!"

Huli na dahil nakita na ako ni Raphael. Papunta na siya sa aming table. Wala na akong nagawa. Binababa ko na iyong hawak kong bag at nag pretend na busy sa pagkain ng ice cream.

"Hey," tawag niya.

Nag-act akong nagulat sa pagtawag niya. "Professor," sagot ko.

"I heard about what happened," he said. Bakas ang pag aalala sa kanyang mukha.

"Alin, sir?" I asked.

"Chemistry," he quickly replied.

Nagpapalit- palit ang tingin ni Prita sa akin at kay Raphael. Bakas sa mukha ni bakla ang pagkagulat. 'Di niya siguro inexpect na pupuntahan kami ni sir sa aming table. Alam kong marami siyang tanong, tingin niya palang parang najudge niya na agad ako.

"Wala 'yun sir," sabi ko.

"Is it my fault?" he asked.

Natigilan ako.

Bakit niya naman naisip na kasalanan niya. I mean, oo kasalanan niya. Pero 'di naman siya yung tipo ng tao na pupunta lang ng canteen para mag sorry. Ang corny kaya... I could still bounce back. May quizzes pa at projects, mahahabol ko pa ang grades.

"No, sir," sagot ko sa kanya. "Ang assuming mo naman."

Tangina. Nalimutan kong nasa school kami. Slip of the tongue. Could he blame me? Punta-punta pa kasi siya dito, e. Tuwing nandyan sya, lagi na lang akong nagkakamali o minamalas. I fought the urge na tanungin kung may balat ba siya sa pwet!

Raphael just laughed. "Good to know," he said.

After umalis ni Raphael ay niyugyog- yugyog ako ni Prita. "Ano yun, bakla?" tanong niya.

Nakapamewang naman siya, nag aantay ng sagot ko. Hot seat na naman ako. Hindi ko din alam—'di ko naman hawak isip ni Raphael. Gusto kong sabihin na kay Raphael siya magtanong. Hindi naman ako manghuhula.

"Ewan ko," I said.

"E, bakit parang close na close kayo?" she asked. Di pa nakuntento si Prita, tumabi pa sa akin. Chismosa talaga 'to. Hindi ako titigilan nito hanggat 'di nakukuha ang gusto niya. Nagkwento ako mula sa nangyari sa bus hanggang sa nangyari kahapon, hindi ko sinama iyong mga nakakahiyang nangyari. Aasarin niya lang ako lalo if i spill everything.

"Hoy bakla ka!" sigaw niya. "Ang landi landi mo!"

"Hindi ako bingi para sigawan," sabi ko.

"Gaga! Ikaw na, magkapitbahay kayo tapos lagi mo siyang nakikita. Kapag ikaw na fall."

"Hindi yun ganon."

"Wag ako anteh."

"Galit ako sa kanya."

Tumawa naman si Prita. "Akala ko man-hater ka kaya ka NBSB," sabi niya nang may pang-aasar.

"Excuse me?" I said. "Raphael-hater ako."

Natapos ang araw na miski anino ni Raphael ay hindi ko na nakita ulit. May meeting daw lahat ng professors sa faculty. Buti na lang, at least nagka-oras pa ako para magbasa-basa at magreview.

Pagkatapos ng buong klase ay nagmamadali akong lumabas ng school. Tumigil ako saglit sa parking lot para tingnan kung nandun ang sasakyan ni Raphael. Nadoon pa. Hindi pa ata tapos meeting nila. Tumunog naman ang message notification sa phone ko.

From: Raphael papansin

'Can you wait? Hindi pa tapos meeting. I could still drive you if you wait.'

Bakit ko naman siya hihintayin? Ano siya chicks? It's not as if I'm looking forward na makasabay siya. I decided not to wait—I don't want to be dependent on him. Mabuti na din siguro 'to. Sign na para iwasan ko talaga siya.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now