Chapter 22
Nag-umpisa na ako mag-impake ng mga damit ko pag uwi ng condo. Three days lang kami sa batangas pero halos lahat ng damit ko sa closet ay gusto ng ilagay sa maleta. I'm not sure kung excited ba ako o kinakabahan kase for three days ay makakasama ko si Raphael. That might be quite short but too long para maraming mangyari unexpected.
When I was done packing my clothes and things, I received a notification from my IG. It was from Mateo.
'May fieldtrip daw kayo?'
'Yup. For three days...'
'Pwedeng sumama?'
'Baliw ka ba? Hindi ka naman estudyante'
'Are you asking cuz you really don't know? Yes baliw ako sa'yo, just in case you didn't know it yet.'
'Tangina ka talaga!'
'Talaga naman.'
Sineen ko lang 'yung message niya pero after a few minutes ay nagmessage ulit siya. Kung dati naiinis ako pag nangungulit siya, ngayon ay parang nasanay na ata ako. It's like his presence has already become part of my life...
'Ingat. 'Wag kang dumikit kay prof, ha.'
'Bakit? Selos ka?' reply ko sa kanya.
'I'm not. Confident ako na ako ang pipiliin mo.'
'Ulol.'
After I sent him a message ay pinatay ko na ang phone ko saka humiga. Nakatingin lang ako sa ceiling hoping na dadalawin ako ng antok but my thoughts kept me awake. I'm overthinking things that might happen in the next three days. Sa amin ni Raphael? Magiging ayos na ba kaming dalawa? Sa kaiisip ay 'di ko napansin na past midnight na. 4AM ang calling time pero hindi pa ako natutulog. Baka sa bus na lang ako matulog para paggising ko ay nasa Batangas na.
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig kong mag-ring ang phone ko. Fuck. 3:45 AM na? Nakatulog pala ako! Pagcheck ko ng phone ay puro missed call at text galing kay Prita at Shaira—tinatanong kung nasaan na daw ako.
Baka maiwanan ako. Shit.
I quickly grabbed my suitcase at bag tapos dumiretso pababa ng condo. I was about to book a grab nang makita ko 'yung familiar na sasakyan sa harap ko.
"Get in. Late ka na."
Napalingon ako at nakita kong nakababa 'yung right window ng car ni Raphael at nakatingin sa akin. I want to decline but ayoko naman maiwan so I took the offer at nagmadaling pumasok sa kanyang kotse. I sat on the passenger seat at madaling sinuot iyong seatbelt.
"You hungry?" he asked as he turned on the engine.
"Hindi naman."
"You sure? We can go to drive thru and buy some coffee and a meal."
"Okay lang," sagot ko. "Baka malate tayo lalo."
Umiling naman siya. "Nah, it's fine. They can't leave without me."
Napakunot naman ang noo ko. I mean gutom na ako... pero para bumili pa ng pagkain kahit na madaming nag hihintay sa bus ay parang ang kapal naman ng mukha ko. Saka kahit na siya ang designated guardian namin sa bus ay ang unfair sa iba na maagang dumating tapos dadating ako ng late na may dala pang pagkain. Baka magalit lang sila.
I shook my head. "Okay lang talaga... nagkape ako bago umalis," sabi ko kahit na ang totoo ay hindi naman at gutom na talaga ako.
I saw from the rearview mirror na may tinawagan si Raphael at kinausap. After a while, ibinababa niya na 'yung tawag at lumingon sa akin. Napakunot ulit ang noo ko at tumingin din sa kanya.

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...