Chapter 16
Sabi nila it is not in the stars to hold our destiny but in ourselves pero bakit sa dinami dami pa ng lugar na pwede kong makita si Mateo ay sa sarili pa nilang bahay? Was fate playing games with me? Ang dami-dami namang bahay sa oakplace, bakit sa bahay pa talaga ni Mateo ako dinala para mag-aral? It's like my life are full of surprises and coincidences.
I want to leave if I could pero nakakahiya naman sa mga kagrupo ko especially kay Shaira. I would just pretend na 'di ko nakikita o nararamdaman si Mateo. Oo magpapanggap na lang ako na multo siya sa paningin ko.
Shaira raised an eyebrow at us, clearly confused sa sinabi ng kapatid niya. "Wait—siya 'yung crush mo?"
Halos mabitawan ko iyong mga hawak kong notes at 'yung laptop ko. My god! Magkapatid nga sila! Parehas walang preno ang bibig. Taena! Buti na lang wala si Prita dito kung hindi baka todo asar na rin 'yun sa akin.
Mateo smirked before taking a sip from his glass. "Yup, my dearest sister. He's my LOML."
Napakunot 'yung noo ko sa sinabi niya. Ano raw? LOML? Bago niya na naman ka cornyhan at pauso? Ano ba siya highschool student na nastuck sa jeje phase?
"What?" I asked.
He finally looked at me. "Love Of My Life," he answered.
What the fuck?! Hindi ba siya nahihiya? Right in front of our classmates, talaga?! This guy–I don't know what to do with him. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kanya–at kay Raphael.
Napansin kong nagkatinginan ang mga kaklase namin, as if silently gossiping about whatever was happening between us. Great. Just what I needed—more complications.
"Okay, okay, balik na tayo sa pagrereview, guys," sabi ni Shaira, halatang gulong gulo na rin sa nangyayari. "Matt, kung wala kang gagawin dito, maybe you should—"
"Relax, Shai," singit ni Mateo habang nakangisi. "I'm just making conversation. Besides, baka gusto kong sumali sa study session niyo."
Napairap ako. "Mateo, hindi ka naman enrolled sa course namin."
"Doesn't mean I can't help. I was a valedictorian, you know."
Ramdam ko 'yung pagyayabang sa boses niya. Ano naman kung valedictorian siya, di ko naman tinatanong?
Before I could respond, my phone vibrated on the table. I glanced at it.
'Raphael papansin is calling.'
Oh, Just my luck. Tangina.
Nagisisi ako na hindi ako nag-airplane mode. Bakit ba natawag siya?! Ano na naman kailangan niya? Sa stress yata sa mga lalaki ako unang mamamatay hindi sa stress sa pag-aaral. Binabawi ko na Lord, ayoko na ng mahabang buhok.
"What?"
"Where are you?" he quickly asked, his voice low but demanding.
"Bakit?" irap kong tanong, making sure no one was paying too much attention to me. Si Mateo naman, nakatingin sa akin na para bang gustong marinig kung sino ang kausap ko.
"I went to your condo. Wala ka."
Napatigil ako. What the hell was he doing at my place?
"Nag-aaral ako," sagot ko, hoping he'd drop the conversation.
"Saan?"
"Bakit kailangan mong malaman?" I responded. "Nanay ba kita?"
Narinig kong huminga siya nang malalim sa kabilang linya, halatang frustrated. "Just tell me where you are, Julian."

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...