抖阴社区

Chapter 15

45 7 0
                                    

Chapter 15





Pagbalik ko sa unit ko, diretso ako sa kama at napabagsak ng higa. Tangina. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, pero hindi sa kilig—kundi sa frustration. Bakit ba hindi niya kayang sagutin ng diretso? Kung ayaw niya sa akin, sabihin na lang niya! Hindi yung ganito—paulit-ulit siyang gumagawa ng mga bagay na hindi naman dapat ginagawa ng magkaibigan, tapos pag tinanong, sasabihin niya confused siya?

Dapat pala hindi ko na lang sinunod 'yung nag advise sa reddit na tanungin ko daw iyong mismong tao. Pahamak!

I closed my eyes, trying to clear my thoughts. Pero kahit anong pilit kong wag isipin, he's still there—pilit ginugulo ang isip ko. Pati sa pagtulog ko ay siya pa rin?!

Tangina mo, Raphael!

I woke up feeling distracted. Mula sa condo hanggang sa school ay para akong nakalutang–daig ko pa ang nakashabu. Kahit noong nasa klase ako, wala akong maintindihan. Paano ba naman, tuwing pipikit ako–si Raphael ang nasa isip ko. Grabe ganito na ba ako kabaliw sa kanya?! Pag ako bumagsak sa midterms ay siya ang sisihin ko!

Since may vacant ulit kami ay dumiretso ako sa library para mag-aral. Kasi, hello? May midterms pa ako at wala akong balak bumagsak dahil lang sa isang lalaki. Ang mahal mahal kaya ng tuition at wala sa plano ko ang mabokya dahil lang sa gagong 'yun.

Pagpasok ko naman ng library ay si Raphael agad ang nakita ko–anong ginagawa niya dito? Usually lagi lang naman siyang nasa office. Nakaupo siya sa isang mesa malapit sa may pirmahan ng logbooks. He looks so serious looking at his laptop tapos hawak iyong ballpen habang may binabasa.

Tangina talaga! Gusto ko siyang iwasan dahil 'di parin ako makarecover sa nangyari kagabi. So, I kept walking in silence hoping that he wouldn't notice me. Muntik na akong madapa ng biglang magvibrate ang phone ko.

'Raphael papansin is calling'

Shit! Nakita niya ako? Nagdahan-dahan pa akong maglakad tapos napansin niya pala ako. Gaano ba ka-sharp ang senses niya na focus siya sa pagbabasa pero nakita niya pa din ako?

Tumingin ako sa kanya. To my surprise, nakatingin rin siya sa akin, nakalagay 'yung phone sa tenga as if he was waiting for me to pick up. I fought the urge to answer the call but as a marupok person–sinagot ko pa rin.

"What?" I said nonchalantly. Ayokong makita niya ako ng parang affected na affected sa kanya. I wouldn't give him that satisfaction knowing na may pagka gago pa naman siya.

"Dito ka," sagot niya.

Dinikit ko lalong 'yung phone ko sa tenga ko para 'di marinig ng mga tao 'yung pinaguusapan namin. Mahirap na–nasa school kami, baka maissue.

"Gago ka ba?" singhal ko. "Nasa school tayo!"

I heard him chuckle from the other line. Naiinis ako sa kaniya. Bakit parang ako lang yung affected sa nangyari kagabi? He's really pissing me off! I swear, kuhang kuha niya 'yung inis ko.

"What?" balik tanong niya. Napalingon ulit ako sa may table niya at nakita ko siyang hawak hawak parin 'yung phone niya habang nakatingin sa laptop niya. Wow. Multitasking? Bilib na talaga ako gagong 'to. "It's not like we're doing something wrong, student assistant kita, diba?"

How shameles! Pakapal ng pakapal ang mukha ni Raphael. Sa aming dalawa dapat ako lang 'yung makapal ang mukha pero nahawa na ata siya sa akin. Sa sobrang inis ko ay pinagbabaan ko siya ng tawag. I also put my phone on airplane mode para walang istorbo.

Pagkaupo ko sa dulong table ay nilabas ko iyong gamit ko saka laptop. Nag–start na ulit ako magreview, so far hindi na ako nahihirapan lalo na chemistry–thanks to a certain someone. I was so immersed sa pagrereview ng biglang may naglapag ng coffee sa table.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now