抖阴社区

Chapter 3

73 11 2
                                    

Chapter 3

I spent the remaining of my weekends sleeping and watching modern family. Iniwasan kong lumabas ng condo dahil baka makita ko na naman si Raphael. Mahirap na—mag-kapitbahay lang kami.

Kumpleto na naman groceries ko at may pagkain na ako. May internet din. Kaya ko sigurong tumagal ng one month nang di lumalabas ng aking condo as long as may supply ako ng food at di mawawalan ng internet.

Weekend passed. Monday na naman. Gumising ako ng 5 AM para mag prepare. Mabilis akong gumayak para maaga din ang dating ko sa school. Rush Hour pa naman 'pag ganito kaaga. Agawan ng pwesto sa bus tapos ang mahal pa ng grab. Sa grab na ata mauubos ang allowance ko 'pag nagkataon.

Nakarating ako ng school nang maaga. Nakahinga ako nang maluwag kasi 'di ko nakita si Raphael paglabas ko ng aking unit kanina. Anyway, ayokong isipin 'yung ungas na iyon at baka masira lang ang araw ko.

"Julian, good morning!" bati sa akin ni Prita.

"Wow. Aga mo ngayon ah," gulat na sabi ko.

"Ngayon daw papasok yung bagong professor natin."

"Ha?"

"Gaga! 'Yung papalit daw kay Professor Lim."

Ngumiti na lamang ako. "Ah," sabi ko para matapos na ang usapan. Ang daldal kasi ni Prita. Walang tigil ang bibig.

"Good morning, Class."

Napatingin naman ang buong klase kay Professor Lim. Naglalakad at may kasunod itong lalaki sa likod. Unti-unting nanglaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang lalaking iyon.

Tangina!

Nanaginip ba ako?

Raphael?!

He's our demo teacher? Wait—akala ko ba law student siya? Bakit nandito siya? Andami kong tanong sa isip pero bigla yung nawala nang umimik si Raphael.

Ngumiti siya at tumingin sa buong klase. "I'm Raphael Yapchengco. I was a law student and I will be your temporary PolGov Professor."

Everyone in the class was looking at him. First time niyong makakita ng gwapo? Kulang na lang lumuwa ang mata nila sa kilig. Lalo na si Prita. Pakurot-kurot pa sa aking tagiliran. Kala mo ay kiti-kiti sa kanal.

Nagtama ang aming paningin ni Raphael. Saglit lang siyang tumitig at nag-iwas din ng tingin. 'Yan na naman yung mukha niyang walang expression. Bato ba ako sa paningin niya?

Pagkatapos kaming ihabilin ni Professor Lim ay nagsimula nang mag-discuss si Raphael. Infairness. Ang galing niyang magturo. Iyong mga nakasulat sa syllabus ay na-explain nya ng maayos. Madaling ma-gets 'yung explanation at madaling maintindihan. Mas magaling pa siya kay Professor Lim.

After niyang mag-discuss ay nilabas niya ang mga index card at nagsimulang balasahin ito. Wala akong kaba na nararamdaman dahil nakinig at naintindihan ko naman ang kanyang mga itinuro. Pero nang tumingin siya sa akin ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Shit!

Malas talaga! Unang balasa ay ako pa ang nabunot. Malas talaga ang dala ni Raphael sa akin.

He's still looking at me. "Villasanta... Can you recite the 1987 Constitution Preamble?" he asked.

"P-preamble, sir?" nauutal kong tanong. Bwisit na kaba 'to. Saulo ko naman yung Preamble pero name-mentalblock ako sa mga tingin niya.

"Yes, please," he said, still looking at me, waiting for an answer.

Nilunok ko ang laway ko ng ilang beses at nag umpisang mag-recite. "We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God," pagre-recite ko hanggang sa matapos ako.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now