Chapter 4
Sa sobrang hiya ko ay napatakbo ako ng mabilis papasok ng bus na huminto. Bakit kailangan nya akong ayain sumabay sa kanya? 'Di naman kami close. He's my Professor kaya. Kaya lang naman ako sumabay sa kanya last time ay dahil di ko pa sya kilala before.
Nagbasa lang ako ng PolGov buong byahe at baka tanungin na naman ako ni Raphael bukas. Mukhang mahilig siyang magpa-recitation. The traffic was not that heavy kaya maaga akong nakauwi. Pagbaba ko ng bus hanggang sa makarating ako sa tapat ng unit ko ay wala akong nakitang Raphael. I don't know if he was stuck in traffic, sana ganun na nga!
Nagluto lang ako ng instant noodles for dinner. I also drink coke... Sinabi ko sa sarili ko na mag a-abstain na ako sa soda at instant foods, na minsan na lang ako iimom at kakain ng unhealthy foods but I can't help myself—I'm always tempted.
Habang kumakain ay bigla namang nagvibrate ang aking cellphone. Istorbo naman, oh. Di ko yun pinansin pero patuloy pa rin sa pagtunog yung notification sound.
5 new messages received.
Apat sa mga text ay galing kay Prita. Nagchat siya—nagtatanong kung may sagot na ako sa mga assignment. Isinend ko sa email iyong sheet ko na may lamang sagot. Nilagyan ko ng restriction para siya lang ang makakapagbukas dahil baka ipagkalat niya pa.
Binuksan ko yung huling message pero galing sa unknown number.
'Hey. Are you free tomorrow?'
Kumunot ang noo ko sa text na yun. Unknown number ang nakalagay. Hindi kaya may secret admirer ako? E saan nya naman nakuha number ko. Weird. Nag-type naman ako at nag-reply sa message.
'Who's this?'
Wala pang isang minuto ay nakareceive agad ako ng reply. Ang bilis magreply, a. Halatang nag-aantay ng message ko.
'My bad. I forgot to introduce myself. This is Raphael. I need some help with class documents tomorrow. Please let me know if you can go with me a bit early to school. Reply ASAP.'
Nanlaki ang aking mga mata at napakunot noo ako. Punyeta naman! Si Raphael pala. Akala ko naman may secret admirer na ako...
Epal talaga 'to sa buhay ko. As soon as I get the chance ay mag-qquit na talaga ako as a student assistant. Ayoko siyang makita at makasama palagi. Baka magkasakit pa ako ng highblood dahil sa kaniya.
I'm always telling myself na hindi ako people pleaser, pero hindi ko napigilan ang sarili ko na replyan siya in a span of a minute. Kahit labag sa kalooban ko, wala akong nagawa kung hindi ang umo-o sa kanya.
'Ok sir. No problem.'
Naghihintay ako ng ilang minuto pero di na siya nagreply. Ang kapal talaga ng mukha. Ang demanding niya tapos ako pa ang ni-last chat. Buti na lang 'di nya ako sa messenger chinat dahil ayoko ma seenzone at baka ikamatay ko pa!
Dahil sa badtrip ay bumaba ako ng condo at nagpunta sa 7/11 para bumili ng ice cream. Ice cream lang ang aking stress reliever. Di ako makatulog kapag badtrip. Kailangang kong kumain ng ice cream!
Habang namimili ako ng ice cream kung chocolate or strawberry flavor ay may biglang may nagsalita sa aking likuran.
"If I were you I'd go for the chocolate one."
I know this voice! Napatingin ako sa likod ko. Si Raphael... Bakit ba kung nasaan ako ay bigla na lang syang sumusulpot? Kabute ba siya?!
"Raphael—I mean sir?" gulat kong tanong. I was not expecting to see him here.
"You can call me Raphael outside school premises," he said, strolling the frozen food section.
Umiling naman ako. "Hala, sir. Sure ka?"

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...