抖阴社区

Chapter 13

43 7 0
                                    

Chapter 13





Ilang ang araw ng ang lumipas pero nasa utak ko pa rin 'yung nangyari sa amin ni Raphael. That was my first kiss that he stole! I couldn't believe na siya ang unang maakakahalik sa akin–not that I'm complaining but it was wrong in all levels. Professor siya at student ako. Imbes na mag-review ako dahil malapit na ang midterms ay ito ang iniisip ko ngayon.

Isa pa si Mateo! Sabi ko sa kaniya ay 'wag muna akong guluhin unless hindi pa tapos ang midterms ko. Buti na lang ay sumunod siya, I can't handle another guy na paglaanan ng oras–kay Raphael pa lang ay preoccupied na ang isip ko.

Nandito ako ngayon sa Taza coffee. Iyong coffee shop na pinuntahan namin ni Raphael. Dala dala ko 'yung laptop ko at mga handouts para magreview. Umorder lang ako ng isang americano with two shots–sapat na para magising ako magdamag at matapos lahat ng aaralin ko.

Parang may sa maligno ata si Raphael at naramdaman niya atang nasa coffee shop ako mag-isa dahil nagmessage siya sa akin. Tinurn off ko na din 'yung location ko sa ig para di niya malaman kung nasaan ako.

'Kailan mo gusto mag start mag-patutor? Free ako today.'

I was tempted to reply right away but I stopped myself midway. Sabi niya ay ipagluluto ko daw siya! Di naman ako masarap mag-luto, e! 'Yung lugaw nga na niluto ko nung nagkasakit siya ay 'di ko alam kung masarap o hindi.

'Di ako maalam magluto. Wala akong pambayad sa tutor.' message ko sa kanya.

'By the way, is your lips still swollen?' reply niya.

Instead of sending him a message, I took a photo of my lips and I send it to him. Nakita ko pa na nagreact siya doon ng heart reaction. Shit! Kinikilig ba ako sa pag-react niya ng puso? Sa sobrang hiya ay inunsent ko iyon.

Pagkatapos ay nag-airplane mode muna ako at baka di ko mapagilan sarili ko na makipag-usap sa kaniya! My god! Ganito ko na ba talaga siya kagusto? Okay... I'm slowly coming to terms with my feelings about him tapos siya naman–ah, ewan! Tsaka ko na lang iisipin pag natapos ang midterms.

Ilang oras din akong nakapagreview ng walang istorbo. But I'm still struggling sa chemistry... Para akong baliw na kinakausap iyong sarili ko sa pag mememorize ng mga scientific terms.

"Julian."

Wait–am I hallucinating? Am I hearing voices now sa sobrang pagkakape? Baka nasobrahan naman ako sa pagre-review kaya baka pati boses ni Raphael ay naririnig ko na... Napalingon naman ako sa may pintuan ng coffee shop.

"...the fuck," sabi ko at nakita ko si Raphael na nakatayo sa pinto ng coffee shop. Lumapit siya sa akin at may dala dala rin siyang laptop. Binababa niya iyong gamit niya sa table ko tapos pumunta sa counter para umorder ng kape.

Pinanood ko lang siya maglakad papunta sa counter. Unbelievable! Is this too much of a coincidence? I swear parang mas madalas ko pang makita si Raphael kesa kay Prita.

Bumalik siya ng may dalang kape at umupo sa may tapat ko.

"What are you doing here?" tanong ko. "How did you find me?"

He was taking the coffee's lid off and then looked at me. "'Di ka nag-rereply. I couldn't even call you so I figured you would be here."

Kinuha ko iyong phone ko para tignan kung naiwan ko bang open yung location pero nakapatay parin iyon. Nakita niya naman 'yung ginawa ko at bahagyang tumawa. I'm starting to hate his laugh... it's making my heart flutter!

"Let's just say I know you enough to know that you're here..." he said.

I frowned. "Shut up!"

"What?" tanong niya ulit.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now