Chapter 11
I felt so drained nang matapos yung class namin. Naka-upo at nakikinig lang naman kami, pero feeling ko talaga binugbog ako. Laging ganoon ang pakiramdam ko sa school–hindi lang mentally drained, physically tired rin. Para na akong lantang gulay.
"Teh, kaya mo pa?" Prita asked me.
I shook my head. "Kapag bigla na lang akong bumagsak, pakidala na lang ako sa ER," I replied.
"Ang OA, ha!" sabi niya tsaka nag retouch ng kaniyang make up. Buti pa 'to si Prita ay pa easy easy lang sa klase. Hindi ko kayang mag petiks kasi dito nakasalalay kung makakagraduate ako o hindi. Pag siya bumagsak, may sasalo. Pag ako, may sasalo pero nakakahiya kay tita.
Natapos maglagay ng make up si Prita. "Sige baks, later na lang, ha!" she said and then kissed my cheeks bago siya lumabas.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa office ni Raphael.
Speak of the devil. After nung dinner namin ay parang nag 360 degree ikot si sa Raphael sa akin. Naging sobrang bait niya na sa akin. 'Di ko maiwasang magtaka kase baka may ulterior motives pala siya. Hindi lang ako sanay na magkasundo kami.
"Hey," tawag sa akin ni Raphael after kong pumasok ng office niya.
"Hi, sir!" sagot ko.
Tumango naman siya. Sobrang busy din nga mga professors ngayon dahil nagawa sila ng midterms examination. Speaking of midterms, naalala ko na sabi ni Raphael na pwede daw ako magtanong sa kaniya if may hindi ako alam. I mean... hindi naman ako magtatanong ng sagot sa exams. Magpapa-tutor ako sa kaniya ng mga pointers. Ang talino niya kaya, sayang naman kung hindi niya gagamitin para tumulong sa mga nangangailangan... na gaya ko.
"Pwede ba ako magpa-tutor?" bigla kong sabi. Kinapalan ko na ang mukha ko. Tutal siya naman ang kusang nag offer, i-ggrab ko na.
"Tutor? Really?" takang tanong niya.
"Yes, kung pwede sana," sabi ko. "Hindi ko naman itatanong 'yung sagot sa exams."
He flipped his fingers and looked at me. He tilted his head to the other side na para bang nag-iisip siya.
"What do I get if I help you out?" he asked me.
"You get to spend time with me," proud na sabi ko.
He chuckled. "If I know, excuse mo lang 'yung tutor pero gusto mo talaga akong makasama," he said.
Tanginang 'to! Ang yabang!
Nanglaki mata ko sa sinabi niya. Ako pa talaga binaliktad niya? Mukha ba akong may hidden agenda? Hindi ko napigilan ang pamumula ng mukha ko. How can he be so shameless?
"You're full of yourself," sabi ko.
"Nah, I just know my worth."
I just stared at him in silence.
I heard him chuckle again. "So, what would it be?" he asked.
"Why do I feel na may masama kang balak?" pabalik tanong ko sa kaniya.
He raised his brows. "You're making me look like I coerced you into this," he said. "When in fact, you're the one who needs my help."
"Kala ko ba mabait ka na sa akin?"
"Well, this is different. You're asking for a favor," he chuckled again. He's enjoying this, halata sa tono ng pagsasalita niya. "I should get something out of this."
Umirap ako. Ano bang pwede kong ibigay kapalit nang pagtuturo niya? Ibenta ko na ba sarili ko sa kaniya?
"Ano bang gusto mo?" tanong ko.

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...