Chapter 14
"Julian–"
Halos mapa-talon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyong boses ni Prita. Hinhintay ko matapos sa pagkulo iyong niluluto kong pancit canton. Midnight snacks namin dalawa. Nandito ako sa kanila dahil nagpapatulong siya sa chemistry. Buti na lang ay may natutunan ako sa lecture ni Raphael kaya ang lakas ng loob ko na turuan si Prita.
"Tangina mo bakla! Kita nang nagluluto 'yung tao e!" sigaw ko nang makarecover ako sa gulat. Kasi naman busy ako sa pag pas-surf sa reddit. Umaasa pa rin na malilinawagan sa mga kilos ni Raphael. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa kahit parang alam ko naman kung anong sagot sa tanong ko.
Pero hindi ako sure!
Baka naman assuming lang ako?
Pero may friends ba na naghalikan? Sabi sa reddit 'tropa time' tawag doon. Hindi naman kami tropa. 'Di ko nga rin sure kung friends kami. Ang sigurado ko lang ay magkapitbahay kami.
Ewan ko ba!
Sa dinami-dami pa ng oras kung kailan ako mag-o-overthink, ngayong review session pa! Feeling ko talaga ay pinaglalaruan lang ako ni Raphael.
"May baked mac sa ref, bakla. Puro ka instant noodles," sabi ni Prita sa akin.
"Nahihiya ako magkalkal sa ref niyo," sabi ko na lang kahit kita ko naman. Ayokong kumuha ng pagkain sa ref nila nang hindi nagpapaalam, nakakahiya.
Tumawa naman siya. "Kaya ba nagbaon ka ng pancit canton?" tanong niya.
"Judger ka! Masarap kaya 'to!"
"Wala naman akong sinabing hindi!"
Patapos na din kami magreview ni Prita kaya naisipan kong magluto. Walang pumapasok sa utak ko kapag gutom. Naglabas naman ng carbonara si Prita kanina pero mabilis akong naumay kaya gutom na naman.
"Nga pala bakla," sabi niya. "Baliw ka na ba sa kanya?"
Binitawan ko 'yung sandok at takang tumingin sa kaniya. "Sino?"
"Bakla! Eme ka! Samantalang nung nakaraan lang ay nagtatanong ka pa sa akin–"
"Saka ko na sasabihin sa'yo after midterms," I quickly said, cutting her off.
Pagkatapos kong kumain ay nag diretso ako sa kwarto. May sariling kwarto si Prita at nandito naman ako sa guest room nila. Pagbukas ko ng instagram ay nagtingin-tingin lang ako ng mga stories. Nakita ko naman yung icon ni Mateo at may rainbow circle dun. Pag click ko ay nakita ko iyong story niya. Picture lang ng emergency room tapos may caption na 'tired. Sana kausapin na ako ng happy pill ko.' Almost one week na pala kaming 'di nag-uusap.
Nagreply ako. 'Sino naman 'yan?'
Takte. Ang bilis mag seen. Naka favorite ba ako sa kanya?
'Juliannnnn.'
'Oh? Namiss mo ako?'
'Kala ko nalimutan mo na ako, e.'
'Busy lang.' tapos pinicturan ko iyong mga nirereview ko at sinend sa kanya.
Nagsend din siya ng selfie niya habang naka sandal sa swivel chair sa may nurse station.
'Wala kayong pasyente?'
'Meron... ako.'
'Ano?'
'Inadmit ko na sarili ko dahil baliw na baliw na ako sa'yo.'
'Tumanga! Ang corny amputa.'
'Ouch. Sinaktan mo na naman ako Ju.'
Napakunot naman ako noo ko sa chat niya.

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...