Chapter 10
"Hoy bakla! Hindi mo ako sinipot kagabi," tawag ni Prita nang makita niya akong nakaupo sa library. Tahimik akong nagbabasa at inaaral iyong mga notes ko dahil malapit na ang midterms. Kailangan kong mag double effort kung gusto kong maipasa ang exams. Ayos naman recits at projects ko kaso... di 'yun sapat para maging honor student. Taena talaga! Ang hirap mag-aral.
Nakalimutan ko na may lakad pala kami ni Prita. Hindi ko na siya namessage dahil sa sobrang occupied ko kay Raphael kagabi. Ang hirap pala mag-alaga ng may sakit. Sa susunod ay sisingilin ko si Raphael–bayad sa pag-aalaga ko sa kanya.
"What?" I asked nang nakita ko na naka-kunot iyong noo ni Prita. Bigla niyang itinuro iyong mga mata ko. Napatingin naman ako sa salamin na dala ko tapos nakita ko na sobrang laki ng eyebags ko.
Naalala ko na 2 am na nga pala ako nakabalik sa condo unit ko dahil gusto ko masigurado na okay na si Raphael, na hindi na siya mabibinat. Kung hindi pa ako pinaalis ni Raphael ay baka dun na ako natulog sa condo niya. Tangina! Almost 4 hours lang pala ang tulog ko. Napa-hawak naman ako sa noo ko. God. Magkakasakit pa ata ako.
"Okay ka lang?" Prita asked.
I nodded kahit hindi. "Napuyat lang ako sa pag-rereview," I said.
Bahagyang tumawa si Prita. "Wag ako, bakla," taas kilay niyang sabi. "Alam ko kapag may hindi ka sinasabi sa akin."
Umiling-iling naman ako. Ano sasabihin ko sa kanya? Na magdamag kong inalagaan at binantayan si Raphael kaya ako napuyat. Tapos ano? Kukulitin niya ako na ikwento lahat. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo ay mangungulit lang siya hanggang sa hindi na ako maka-focus sa pagrereview. I don't want to lie but sometimes... it's the easiest way.
"Kiffy mo! Bumooking ka lang, e," tawa tawang sabi ni Prita.
"Gaga!"
"Pero promise mo, ah?" tanong niya. "Kapag may lovelife ka na, magkwento sa akin, ah?"
Tumango ako. "Oo naman."
"Promise yan, ha?"
Tumango ulit ako. "Oo nga! Tangina ang kulit neto," singhal ko sa kanya.
Tumawa naman siya ng sobrang lakas. Siraulo talaga. Nagalit 'yung teacher na bantay sa library tapos pinalabas si Prita. Ang lakas kasi ng boses, kala mo palagi sa kabilang bundok ang kausap. Nakapag review naman ako ng maayos dahil wala nang nangungulit sa akin.
Natapos ang maghapon na puro review lang ako since marami namang kaming vacant subjects. Nang makauwi ako ay puro review parin ang ginagawa ko. Mag-gabi na ata nung matapos akong mag review at nakapag desisyon na magpahinga. I checked my phone kung may nag message ba. Andaming message ni Mateo pero lahat iyon ay nagreact na lang ako ng 'haha'. Sakto online naman siya kaya kinausap ko na rin.
'Julian baby please kausapin mo na ako.'
'Yuck ang jeje mo.'
'At least sweet.'
'Tawang tawa ka sa mga memes ko, ah?' message niya pa sa akin. 'Sendan pa kita ng marami para ako na lagi ang happy pill mo.'
'Pakyu.'
Sineen lang ako ng gago. Nagmessage ulit ako. 'Bakit ba lagi kang online? Wala ka bang work? O hindi ka ba nag-aaral?'
'Uy curious ang baby ko na 'yan.'
'Tanga umayos ka nga dyan. Nagtatanong ako e.'
'Cute mo mag sungit haha :pp'
'Leche! Ang landi mo.'

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...