Muntik na akong maubusan ng hininga dahil tuloy tuloy akong nag re-recite habang nakatitig sa kanya. Parang nalimutan kong huminga sa sobrang kabang naramdaman ko.
"Very good," sabi niya habang binalik ang tingin sa mga index card.
Natapos ang klase na may iilang nakasagot sa recitation, samantalang ang iba ay bokya. Dumiretso ako sa canteen pagkatapos dahil nakaramdam ako ng gutom. Tinapay at kape lang breakfast ko kanina. Pumunta naman ng library si Prita kaya magisa lang ako ngayon. I guess I'm destined to be alone in life. Ang drama!
"Julian," muntik ko nang mabitawan 'yung kinakain kong turon sa gulat. Di man lang ako tinapik o kaya kinalabit. Kung nahulog ang turon ko, siya ang pabibilihin ko ng bago.
"Oh?" sagot ko sa tumawag sakin.
"Pinapatawag ka ni sir Yapchengco."
"Bakit daw?"
"Ewan," lumingon-lingo pa s'ya na kala mo'y may hinahanap sa loob ng canteen. "Punta ka daw sa office niya after break."
"Sige."
Patuloy pa rin ako sa pagkain ng turon. Aba. Sayang! Bente rin ang isang piraso. Meron pa akong 5 minutes bago matapos break kaya pinilit kong ubusin 'yung kinakain ko.
Ayoko ngang makita si Raphael tapos ipinatawag niya naman ako. Nakakainis! Di ko pa siya kayang kausapin. Naalala ko pa rin yung mga previous encounters namin—ang rude ko sa kanya...
"Rude din naman siya," pasinghal kong bulong aking sarili.
Pagkatapos ng break ay nagmamadali akong pumunta sa office ni sir Raphael. Nang makarating ako ay medyo hinihingal pa ako. Habol hininga akong pumasok sa kaniyang office. Tahimik at tanging tunog lang ng pagtitipa sa keyboard ang aking nadidinig.
"Sir, pinatawag nyo daw po ako?" I asked, looking down, facing my foot. Ayokong makita mukha ni Raphael. May kung anong kabog sa dibdib ko kapag tinitignan ko siya.
Tumikhim naman siya at di sinasadyang napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming tingin. "Yes. I heard that you're Mrs. Lim's student assistant, right?"
Tumango-tango naman ako. "Yes, sir," maikli kong tugon.
"Alright."
Nakatayo lang ako doon ng mahigit isang minuto at nag-iintay kung may iba pa siyang sasabihin. Kung wala naman ay aalis na ako para hindi sayang ang oras ko. Para akong tanga na nakatayo doon habang nakatitig sa sahig.
"So..." he suddenly said. Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hindi naman sobrang lapit pero sapat na para marealize ko kung gaano talaga siya katangkad. 6 footer siguro height niya—mas matangkad sa akin. Samantalang ako ay nasa 5'7 lang ang tangkad.
"I know we got off the wrong foot," sabi niya. "You and I kind of had a small disagreement."
Bigla siyang tumigil at bahagyang tumingin sa akin. "To be honest, I didn't know you would be one of my students. But what I'm trying to say is I'm more than willing to let bygones be bygones."
Wow. For three days na magkakilala kami ito na yata ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin. Teka. Ano raw? Bakit parang ako pa ang may kasalanan sa kaniya? Lowkey maninisi rin 'to, e.
I tried my best to compose myself kahit medyo naiinis ako sa kanya at medyo nahihiya. Pero mas nangingibabaw ang inis ko sa sinabi niya. He sounded arrogant!
"Oo naman sir," I replied.
"Nice. I hope we can start over," he said, looking back at his computer.
"Sure, sir," tipid kong sagot.
"Cool. I want to build a good relationship with you moving forward."
Napaawang naman labi ko sa sinabi nya. "Ha? Sir?" gulat kong sabi.
He finally looked at me. He wore his glasses and crossed his arms.
"What I mean is you would still be my student assistant right?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Di parin ako nagsasalita. My brain is still processing the last thing he said. I find it weird na ganito siya makipag usap sa akin—o dahil hindi lang ako sanay na 'di siya masungit.
"I don't want to work with someone na may sama ng loob," sabi niya na para bang nag-aantay ng sagot ko.
I just nodded. "Yup, sir. As you said nga po, let bygones be bygones."
Top 1 ako sa pagiging plastic. Madali lang yan. Kunyari ay 'di ako naiinis kanya. Magpapanggap na lang akong okay kami—baka ibagsak ako 'pag hindi. Mukhang petty pa naman si Raphael.
Pagkatapos naming mag-usap ay parang lutang na ang aking isip buong klase. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko yung sinabi niyang 'I want to build a good relationship with you moving forward.' Sasakit lang ulo ko kakaisip kaya pinilit kong makinig sa Professor kahit wala talagang pumapasok sa utak ko.
Pagkatapos ng klase ay dali-dali akong lumabas ng classroom papuntang bus stop. Hindi ko na inantay si Prita dahil siya may sundo naman sya. Ayoko makipag siksikan na naman sa commuters.
Napatalon ako sa gulat nang may bumusina sa aking harapan. Pamilyar yung sasakyan.
"Gusto mong sumabay?"
Oh Shit.

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...
Chapter 3
Start from the beginning