抖阴社区

                                    

Tumawa naman sya bigla. "Does my face look unserious?" he asked.

"Kahit na, sir," sabi ko. "Baka sabihin ng iba wala akong respeto."

Kumuha din siya ng ice cream, pagtapos ay tumingin sa akin. "Who cares. Wala ka namang ginagawang kasalanan."

"Okay..." I said.

"If you call me by my name," he suddenly declared. "I'll pay for your ice cream."

My ears perked up sa sinabi niya. "O-okay, Raphael," mabilis kong sabi. I tried to be as calm as possible but my voice almost cracked.

"No need to be nervous when I'm around."

He winked at me. Ako naman ay natameme sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakarecover ay kinuha niya iyong ice cream at nagbayad sa counter.

I didn't even say anything pero nagsalita pa rin siya bago umalis.

"You're welcome and see you tomorrow."

***

Para akong tangang naglakad pabalik sa condo. That was a weird encounter. May ganung side pala si Raphael. He's like a hard nut to crack. Masungit tapos may hidden kindness? I guess, mas gusto ko 'yung ganito siya para di ako mainis sa kaniya.

At least I was able to get free food. Best things in the world talaga ay kapag libre!

11 pm na ay di parin ako dinadalaw ng antok. I was done studying so I watched a series, pero ilang minuto lang ay nabored ako. Naisipan kong i-search si Raphael sa facebook pero wala akong makitang facebook nya. Nag-try din ako sa instagram pero wala din ako makita. Ang mysterious naman niya.

Wala ba syang social media presence? Ang lungkot naman kung puro aral lang sya. Alam niya kaya ang memes? Hindi siguro!

Binuksan ko yung LinkedIn account ko na matagal ko ng di nagagamit. Ginawa ko lang naman 'tong account na 'to for future reference 'pag nagka-work na ako. Since walang facebook at instagram si Raphael, panigurado ay meron syang account sa LinkedIn.

Sinearch ko yung pangalan nya. Bingo. Nakita ko yung LinkedIn account nya. Sayang walang relationship status. Di ko tuloy malalaman if single sya. Tinignan ko 'yung LinkeIn niya.

Raphael C. Yapchengco

St. John Academy - Economics

(Valedictorian)

St. John Academy College of Law

(Dean's Lister)

Outstanding Pro Bono Service Award

Law Review Editor-in-Chief

Ang talino... Grabe. Meron siyang extra-curricular activities. Usually kasi iyong mga valedictorian at dean's lister na kilala ko, tutok sa acads kaya wala silang halos extra-curricular. Pero itong si Raphael, naging Editor-in-Chief pa! Pero bakit kaya siya tumigil ng third year? Sayang naman.

Ano kayang paboritong pagkain nito? Mapadalhan nga next time at baka mabiyayaan nya akong ng knowledge niya but at the second thought baka hindi siya tumatanggap ng bribe.

Ay puta! Nakalimutan kong i-private yung LinkedIn account ko. Shit. Baka mag-notify sa kanya iyong pag check ko ng account niya. Hindi ako stalker, for research purposes lang. Di naman siguro 'to counted as stalking...

Panigurado magnonotify sa kanya na 'Julian Cyrill Villasanta viewed your account'

Nakakahiya!

"Di naman siguro magche-check 'yon," sabi ko sa sarili ko. Kasalanan ko 'to, e. Kung natulog na lang sana ako, wala sanang mangyayaring ganito.

Gumising ako ng may malaking eyebags. Halos magdamag kong inisip kung nakita ba ni Raphael yung pagview ko ng LinkedIn nya.

I took a quick shower at kumain. Naglagay din ako ng konting concealer para hindi mahalata 'yung pagka zombie ko ngayon. Pagkatapos ay lumabas na ako ng condo.

"There you are!" sabi ni Raphael habang nakatayo sa harapan ng unit ko.

"Naghintay ka ba ng matagal?" tanong ko.

"Mga 15 minutes siguro," sagot nya.

"Talaga? Hala. Sorry!"

"Just kidding. I just got here."

"Tara na nga," yakag ko sa kanya habang pasakay ng elevator.

"Oo nga pala, sa anong file ba kita tutulungan?" tanong ko sa kanya after namin pumasok sa elevator.

"Sorting out lang the previous quizzes and projects nyo kay Professor Lim para mas mabilis kong mai-record," sagot niya.

"Edi ba matalino ka naman at masipag?" I asked him.

He smirked. Bigla naman akong nairita. "Sakto lang," sagot niya.

"Sus pahumble ka pa. Valedictorian ka nga tapos dami mo pang awards edi kayang–" napatigil naman ako sa pagsasalita at tinakpan ang aking bibig. Ang daldal ko. Ako talaga magpapahamak sa sarili ko!

Tangina.

Minsan talaga dapat i-zipper ang bibig.

"Valedictorian? At maraming awards," he said, continuing my word.

"Don't worry–I know you stalked my LinkedIn," he added at parang gusto ko na lang lumabas ng elevator at magpapasagasa sa highway sa kahihiyan.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now