Nababanas ako dahil ang lapit lapit niya sa akin. Nakasuot lang sya ng khaki shorts and hoodie tsaka a pair of brown birkenstock. Kahit anong isuot nya ay bagay sa kanya. Kahit siguro basahan isuot niya ay babagay sa kanya.
"What?" sigaw ko sa kanya. Ano bang titingin tingin niya diyan? May lotto numbers ba sa noo ko at ganan siya makangiti sa akin.
Mabuti na lang talaga tapos na ako mag jogging. Natuyo na ang pawis ko kaya di na ako haggard tignan. Nakakahiya kung naabutan nya akong pawisan. Baka abutan niya din ako ng panyo katulad nung gagong Mateo na 'yun.
"Bakit ka gumawa ng ig? I asked. "Di ba pang LinkedIn ka lang?"
He shrugged. "Just because."
I glared at him. "Alam mo ang labo mo kausap," sagot ko sa kanya.
Badtrip minsan kausap 'tong lalaking to. Sarap pektusan e. Kung di lang sya professor, nasapok ko na 'to.
"Are you hungry?" pag-iiba nya ng usapan.
"Bakit? Ililibre mo ba ako ulit?"
"Are you poor?" biglang tanong niya.
Tarantadong lalaki. Walang preno ang bibig. I'm not poor... medyo lang. Tsaka ang sarap kaya ng free foods.
"Tabil ng bibig mo Raphael!" singhal ko sa kanya.
"What?" he casually replied na para bang inosente siya. "I'm just asking?"
"Madapa ka sana!"
Tumakbo ako papasok ng 7/11. Nakita kong sumunod din siya sa akin sa loob. Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso ako sa siopao section malapit sa cashier area. Kumuha ako ng isang siopao at nagpunta sa cashier para magbayad. Napakapa ako sa dalawa kong bulsa nang naramdaman kong wala ang wallet ko.
"Sorry, miss. Wait, ah. Naiwan ko yata wallet ko," sabi ko. Nakatingin lang sa akin yung babae sa counter na para bang inip na inip na sa akin. Pakshet naman e. Sa lahat nang maiiwan ko, wallet ko pa. Malas talaga si Raphael.
"I'll pay for him," narinig kong sabi ni Raphael dun sa babae sa counter.
I glared at him. "Ikaw nagkusa ha! Hindi ako nagpalibre sayo," singhal ko sa kanya.
"Consider this as me helping the poor."
Ang yabang talaga ng gagong to. Pero dahil mahal ko ang siopao, palalampasin ko ang pang-iinsulto niya sa akin. Sa ngalan ng siopao.
"Oo na, dami mong ebas," sabi ko sa kanya.
"What's ebas?" he curiously asked. "There you go again with your strange words."
I groaned. "Edi search mo!"
Sumunod naman siya. Nilabas niya phone niya at nagtype doon. Maya maya pa ay tawa tawa syang tumingin sa akin.
"Ano gets mo na?" tanong ko.
Tumawa naman siya. "Yup."
"Mga sir magjowa ba kayo?" the lady on the counter suddenly asked.
"No!" sabay naming sigaw ni Raphael.
"Ah... kala ko kase LQ po kayo."
"Sabagay, di naman kayo bagay ni sir pogi," dadag na sabi nya.
Nanlaki mata ko sa sinabi niya.Napatingin ako sa salamin na malapit sa counter. Apaka judger! Panget ba ako para masabi niyang di kami bagay ni Raphael. Masyado ding taratitat itong si anteh na cashier, e. Kung tahiin ko kaya bibig neto.
Hindi ko na pinansin yung babae at nagmamadali akong lumabas sa 7/11. Nawala ako sa mood kainin itong siopao. Badtrip naman. Binilisan ko ang paglalakad ko, gusto kong humiga na lang. Matutulong na lang ako at i-microwave ko na lang 'tong siopao bukas.
"Where are you going?" Raphael asked as he suddenly held my arm from behind.
"Uuwi na."
"Don't you want to hang out?" he asked. "While eating your siopao?"
He looked at me while waiting for my answer. Ayan na naman siya–ayan na naman siya sa mga tingin niyang ganan. Hindi niya ako madadaan sa pag ganan-ganan niya.
"Fine," sabi ko. Grabe ang rupok. Ang rupok-rupok ko pagdating kay Raphael. I couldn't even say no! Ano bang nangyayari sa akin?!
A grinned appeared on his face. 'Yung ngisi niya na para bang sumang-ayon 'yung plano niya sa iniisip niya. Umupo kami sa may bench kung saan ako nakatambay kanina. Binuksan ko 'yung siopao at nag umpisang kainin. Ramdam ko naman na nakatingin siya sa akin habang kumakain ako. Hindi ko alam kung titigil ba ako sa pagkain para kausapin siya o uunahin ko yung pagiging PG ko.
"Hmm... so, nabusog ka naman sa libre ko?"
Halos masamid ako nung narinig ko siyang nagsalita. Oh, my god! Hindi niya ba ako titigilan?!
Sumimangot ako sa kanya. "Hindi, kulang ng panulak," sabi ko.
"Nagpaparinig ka ba na bilihan kita ng Gulp?"
"Kung yun ang gusto mo, e."
May hinagis naman siyang tumbler sa akin. May dala pala siyang tumbler. Hindi ko na napansin sa sobrang pagkainis ko kanina. Binuksan ko iyon at uminom. Pagkatapos kong uminom ay binalik ko na sa kanya 'yung tumbler.
"Anyway, may tanong ko," I said.
"Hmm.."
"Sino yung babaeng kausap mo kahapon?" I asked, looking at him.
Hindi naman siya nagulat o nagtaka. Parang wala lang sa kanya iyong tanong ko.
"A friend," he casually replied like it was the most obvious thing in the world.
Ngumiti naman ako. "Sasagutin ka din nun."
Kumunot ang noo niya."Bakit naman ako sasagutin?"
"Dahil nililigawan mo?"
"Dahil lang nakita mo kaming nag usap?"
"Ewan ko."
"Jumping to conclusion."
Pota.
Gago talaga 'tong kausap.
"She's my dead ex-girlfriend's sister."

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...
Chapter 7
Start from the beginning