抖阴社区

                                    

'Sa'yo lang lumalandi.'

'Nurse po ako baby.'  message niya pa.

Kala ko nung una ay mala-Raphael siya, 'yun pala may pagka jejemon at isip bata pala ang kupal. Tama nga 'yung sabi nila na magkaiba ang personality sa chat at personal. Gago si Mateo sa personal tapos jejemon naman sa chat.

Hindi na ako nag-reply dahil tuwing kinakausap ko siya ay hindi lang pasensya ko ang nauubos pati ang lifespan ko ay nababawasan. Kakapikon rin siya kausap. I swear kapag ako nainis i-bblock ko siya!

Nagring naman ang doorbell ko at agad akong nagpunta para silipin kung sino iyong tao sa labas. Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad naman si Raphael. Wow. Naka T-shirt siya na may graffiti print tapos may nakapatong na jacket. Bumagay naman 'yung shorts at birkenstock niya na suot. Ang gwapo ng gago. Ang fresh! Parang hindi nagkasakit amp. Bilis naman gumaling neto.

"Are you free?" Raphael asked.

"Bakit?" I quickly replied.

Nakasuot ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts niya habang nakatingin sa akin. "I want to take you to dinner."

"Bakit?" tanong ko ulit.

"As a thanks for taking care of me while I'm sick," he said.

"Libre ba 'yan?"

"Sasama ka ba kapag libre?"

I nodded. "Masamang tumanggi sa grasya."

He suddenly held my hand at hinila ako paalis. May kung anong kiliti sa aking tyan ang bigla kong naramdaman. Hindi ko ma-explain pero ang gaan sa pakiramdam. I don't know why I let him hold my hand. I should be mad... hindi nag-eenjoy.

Napatingin naman ako sa aking suot. Taena. Nakababa na kami mula sa elevator nang mapansin kong naka pajama lang ako at sando.

"Wait," pigil ko kay Raphael.

Tumigil naman siya at bahagyang tumingin sa akin. "Why?"

"Gago ka ba? Tignan mo ang damit ko!" utos ko sa kanya.

Tumingin naman siya akin lalo. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Anong mali sa damit mo?" he asked.

"Nakapambahay lang ako bwiset!"

"Here," sabi niya. Nagulat ako ng bigla niyang hubarin iyong suot niyang jacket at sinuot sa akin.

Napatulala ako sa nangyari. Hindi ako makagalaw. Hinayaan ko lang siya na isuot sa akin 'yung jacket. 'Di ko alam kung anong ire-react ako. Nakaramdam na naman ako ng kung anong kiliti sa aking tyan dahil sa ginawa niya.

"Let's go," yakag niya pagkatapos niyang maisuot 'yung jacket sa akin. Naamoy ko naman iyong pabangong kumapit sa jacket niya. Amoy sandalwood na matamis. Sobrang bango.

"O-okay."

Wala ako sa sariling sumunod sa kaniya. Hanggang sa makasakay kami sa kaniyang kotse ay para lang akong hangin na lumulutang. Pagkaupo ko sa passenger seat ay bigla namang lumapit si Raphael.

"Seatbelt please," sabi niya habang hawak hawak ang seatbelt para isuot sa akin.

Sobrang lapit niya sa akin–parang hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya. Nag-iwas naman ako ng tingin at baka bigla na lang akong mahimatay sa lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.

"Ako na," pag-awat ko sa kanya.

"Okay,' he quickly replied. Binitawan niya iyong seatbelt. Parang wala lang sa kaniya 'yung nangyari at humawak sa steering wheel tsaka diretsong nagdrive paalis.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"DTF," he replied, his eyes still focusing on the road.

Napasearch naman ako kung ano 'yung DTF. Baka mamaya mapahiya ako pag bigla na lang akong umoo ng di ko naman alam iyong pupuntahan namin. Halos mabitawan ko ang phone ko nang makita ko kung ano 'yung meaning ng DTF.

'Down to fuck.'

Gago!

Tangina. Anong sasabihin ko? Papayag ba ako? Virgin pa ako! Hindi pa ako ready. Baka hindi ko kayanin si Raphael... baka malaki.

"Din Tai Fung," sabi niya. "Taiwanese food. Masarap food nila."

Napa facepalm ako sa katangahan ko. Gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko. Pagkain iyong iniisip niya tapos ako—ang dumi ng utak ko. Grabe. Ramdam ko 'yung pamumula ng mukha ko.

"Are you okay?" he asked.

"Ha?" tanong ko.

"Your face is red."

"Mainit lang."

Pinihit niya 'yung aircon at lalong lumamig. Sa sobrang hiya ko ay hindi na ako ulit umimik. Buong byahe ay tahimik lang ako. I just looked the other way. Nakatingin lang ako sa may bintana at nagkukunwaring busy sa panonood ng mga kasalubong naming sasakyan. Naramdaman siguro ni Raphael na ayaw kong makipag usap kaya tumahimik na lang rin siya.

"We're here."

Bumababa kami sa kotse niya at pumasok sa loob ng restaurant. Umorder na siya ng pagkain at ako naman ay naghanap ng table. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na 'yung order namin.

"Bakit ang dami?" takang tanong ko. "May darating pa ba?"

"Para sa'yo 'yan lahat," he answered. Tapos nilagyan niya na ako ng pagkain sa plato.

"'Di ko kayang ubusin 'yan," sabi ko.

"Ubusin mo para lumaki ka."

"Di ko nga kaya," pag angal ko.

"Ubusin mo pa rin."

I just rolled my eyes. Seryoso ba siya na ipapaubos niya sa akin lahat ng 'to? Pang tatlong tao 'yung inorder niya, e dalawa lang kami. Daig ko pa ang bibitayin sa sobrang daming pagkain.

"Gagawin mo ba akong si Peppa pig?" tanong ko habang kumakain.

He frowned. "Who?"

"Hindi mo kilala si Peppa pig?" I asked.

"Sikat na baboy ba siya?"

Kulang na lang ay mapa facepalm ako sa kaniya.

"Cute na baboy 'yun, ha! Favorite ng mga bata."

"I don't know, wala pa naman akong anak."

Napaawang naman ang labi ko. Bwiset talaga 'tong lalaking 'to. Barahin ba naman ako. Hampasin ko kaya 'to ng siomai!

"Fine..." sabi ko na lang.

"This?" he asked tapos pinakita niya sa akin iyong screen ng phone niya. Sinearch niya pa talaga si Peppa pig sa google. Lakas amats talaga 'to.

"Cute nga si Peppa pig," sabi niya. "Parang ikaw lang."

Nahulog sa bibig ko iyong siomai na subo ko sa pagkabigla sa sinabi niya.

Tangina talaga!

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now