"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko.
"To help you," he replied. "Gusto mo magpa-tutor diba?"
"'Di naman ako pumayag."
He just shrugged and took a sip on his coffee. Hindi niya na ako inantay maka-sagot at nagumpisa nang buksan 'yung laptop niya.
"Sinabi ko naman sa'yo na 'di ako marunong magluto," sabi ko pa.
"You already said it twice."
Pilosopong gago talaga 'tong hinayupak na 'to!
"E, ano to?" takang tanong ko sa kaniya.
He shrugged once again. "Isipin mo na lang bayad ko ulit sa pag-aalaga mo noong may sakit ako."
"But overpaid ka na–"
"Just let me do this, please," sabi niya pa.
'Di ko talaga ma gets 'tong si Raphael. Ano bang tumatakbo sa isip niya? If he keep on doing this ay baka lalo ko siyang magustuhan. Again, I couldn't say no to him. Gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon, siguro kung nandito si Prita ay kanina niya pa akong nasabunutan.
Habang nag-aayos si Raphael ng gamit ay binuksan ko ang phone ko at nagpunta sa reddit.
'Is it normal for your friend to tutor you in all your subjects?'
Mukha akong tanga! 'Di ko naman pwedeng tanungin si Prita kasi alam ko na mas lalo lang akong hindi titigilan non. Ah, basta! Ayoko muna sabihin sa kaniya hanggang 'di ko rin alam kung gutom lang ba si Raphael o sadyang binibigyang kulay ko lang lahat ng ginagawa niya.
Wala naman akong ibang kaibigan na pwede hingan ng advise! Ang hirap!
Napaitingin naman ako kay ateng barista–dito ko talaga nakita na desperado na ako dahil kahit si ate ay parang willing ko nang tanungin!
Sumakit lang lalo 'yung ulo ko kakaisip dahil iyong mga sagot na tao sa reddit. Sabi ng karamihan oo normal lang daw iyon. Sabi nung iba ay tanungin ko daw mismo iyong tao. Malamang! Kung kaya ko sanang gawin e hindi na ako nagreddit.
"Let's start," sabi ni Raphael matapos niyang ayusin lahat ng gamit niya.
Talagang nag suot pa siya ng reading glass!
I nodded. "Nabasa ko na naman na saka naaral ko na 'to dati. Nalilito lang talaga ako kapag natatanong na."
He gave me a small nod. "We'll start with the basics," he said. "The proton, neutron, and electron make up an atom, which is the smallest recognised division of a chemical element," he began.
Seryoso akong nakikinig sa kanya habang nagtuturo siya. Ang... galing niya magturo. He only used simple terms and explanations all throughout the discussion. Nagbibigay din siya ng examples saka example na mas madaling maintindihan. Ibinigay niya rin iyong summary nga keywords na ginagamit niya para mas matandaan iyong mga elements.
I can't help but to be amaze–though ma attitude siya at pilosopo ay na compensate niya naman sa pagiging matalino at magaling.
"Gets mo ba?" he asked.
Tumango ako. "Gets ko na."
He nodded at saka ipinakita sa akin 'yung screen ng laptop niya. Nandoon siguro 'yung ibang keywords na itinuro kanina. "Iyon lang naman ang dapat mong tandaan when it comes to differentiating all the elements. Basta isipin mo na kapag protons at neutrons ay halos sila ang bumubuo sa atom's mass–99 percent. Iyon lang ang keyword mo– 99 percent atom's mass, protons at neutrons."
Nakahinga ako ng maluwag nung finally nagets ko na! Iyong lang pala ang meaning non, hindi kase masyadong pinaliwanag sa klase. Since malalaki na daw kami, expected na daw na pag pumasok sa chemistry class ay well prepared ka. I mean, nagbabasa naman ako pero there's a limit to what I could understand without a proper explanation.
Raphael continued with his lecture. Nung bandang 6 pm na, nakita ko na naghikab na siya.
"Tigil na muna tayo," sabi ko kasi kahit ganito ako ay di naman ako abusado.
He nodded. Hindi na nag-inarte. Mukhang pagod na rin siya.
"Kung may nalilito ka pa, bukas ko na lang ulit ituturo."
"Okay," sagot ko. "Dito ulit tayo?"
"Sa condo ko na lang."
Nanlaki ang mata ko at nagulat. "Seryoso ka?"
Tumawa siya kahit halata talafa sa buong pagmumukha na antok na antok na siya. "Baka wala ka na pangkape at pamasahe, e."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, attitude problem ka talaga."
"I'll take it as a compliment," sabi niya.
Nag-umpisa na ako magligpit ng gamit. Inubos ko na din iyong pang apat kong kape. Thank god at hindi pa ako nagpapalpitate! Nag ayos na din si Raphael ng gamit niya. Honestly, thankful ako sa ginawa niya ngayon kasi kung hindi siya nagpakita baka pumutok na ang ugat sa utak ko sa kaka-aral ng chemistry.
"'Di ba ako nakakaabala sa'yo?" tanong ko.
"'Wag mo isiping nakaabala ka. Gusto ko naman iyong ginagawa ko."
Tangina talaga ni Raphael! May bago na naman akong itatanong sa reddit!

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...
Chapter 13
Start from the beginning