'Ju?'
'Short for Julian. Cute kaya bagay sa'yo.'
"May jowa ka na?" nasapo ko ang puso ko sa gulat. Ano ba 'yan?! Ikakamatay ko na lang talaga ang pagkagulat–parang in a span of a week ay sobrang dalas kong magulat.
"Ano ba! Prita naman, e!" sigaw ko sa kanya.
Inirapan niya naman ako tapos sumiksik sa gilid ko. "Hello? Kanina pa kaya kita tinatawag! Busy ka sa pakikipag chat tapos pangiti ngiti ka pa," sabi niya saka pilit na dinidikit 'yung mukha niya sa phone ko para makita kung sino iyong kausap ko. Mabilis ko namang inoff 'yung phone para wala siyang makita.
"Luma-love life ka na baks, ah," pang-aasar niya sa akin.
"Hindi no, nangungulit lang si Mateo–" napatakip ako sa bibig ko dahil nadulas ako sa kaniya.
"So, Mateo pala ang pangalan niya."
Alam ko na agad ang sasabihin niya! Nararamdaman ko na ang napakaraming tanong niya sa akin. Sana ay biglang may tumawag kay Prita para may excuse akong hindi sagutin ang mga tanong niya.
"He's just a guy I met before," I began. "Kinukulit niya lang ako... wag kang issue."
"Ang haba ng buhok mo! Daig mo pa si Leni na pinag aagawan ni BBM at Duterte."
Napatawa ako sa sinabi niya. "Gaga."
"Nakita ko lang sa tiktok. Ang daming nag-e-edit. The one that got away daw," tawa tawang sabi ni Prita.
Sabay kaming nagtawanan sa aming pinag-uusapan. Buti na lang ay nawala siya sa focus sa pagtatanong ng about kay Mateo. Kahit naman na may pagkatamad si Prita ay politically aware naman siya kaya kahit paano ay magkasundo pa rin kami.
***
Mabuti na lang at maagang natapos ang klase kaya umuwi agad ako. Pagkatapos kong magbihis ng pambahay ay kinuha ko ang laptop ko at diretsong pumunta sa harap ng unit ni Raphael. I clicked on his doorbell. To my surprise, wala pang ilang segundo ay nagbukas na agad ang kanyang pintuan.
"Come in," Raphael said.
He's just wearing white v-neck t-shirt at saka naka chino pants. Nakasalamin ulit siya. He looks so smart sa itsura niya ngayon, idagdag pa yung tangkad at gwapo niyang mukha. Damn... he looks so hot... like a hot nerd guy, I guess?
Umiling-iling naman ako sa naisip ko. Ano ka ba, Julian! Nandito ako para magpatutor hindi lumandi!
Pumasok naman ako sa condo niya at agad kong naamoy iyong niluluto niya. Ang bango. Biglang tumunog ang tiyan ko sa naamoy ko... Amoy palang parang masarap na.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa," mabilis kong sagot. Bigla akong nahiya. Ang bilis kong sumagot. Patay gutom ba ako?!
"Sige diyan ka lang," sabi niya. "Kain lang ako."
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tinanong niya ako tapos di niya naman ako papakainin. Sumakit sana tiyan niya!
Tumingin naman siya sa akin at tumawa. "Joke lang," sabi niya. "Alangan namang kumakain ako tapos pinapanood mo ako?"
Mamamatay siguro talaga 'to kapag 'di siya nakapapamilosopo ng kahit isang araw.
Gusto kong ibato iyong dala kong laptop sa kanya pero ang bango kase talaga nung niluluto niya kaya nilulon ko na lang 'yung pride ko saka lumapit sa dining table niya.
Grabe, ito ang dinner niya? Samantalang kapag ako nagutom, pancit canton ang una kong target.
"Di mo ako sisingilin, ha," sabi ko bago ko pa man mahawakan. Mahal kaya ng steak!
Kumunot naman iyong noo niya. Para sa taong laging naka-kunot ang noo, buti di pa siya nagkaka-wrinkles.
"Lagi nga kitang libre kaya bakit ko naman iisipin na may pambayad ka ng steak?"
Tanginang 'to.
"Di naman kita pinilit," sabi ko sa kanya habang naupo ako. Para siguro akong clown sa paningin niya kasi ang sungit-sungitan ako kahit naka-ready na akong isubo iyong steak.
"Sarap?" he asked like he's taunting me.
"Prinito mo lang naman 'to. Wag ka nga dyan," I said as I took another bite of the steak. Ang sarap naman nito magluto! May mashed potatoes at asparagus na sides pa. Matalino na, gwapo, matangkad, tapos magaling pa magluto? Ate chona lang talaga siya. Okay lang... tanggap ko naman siya–tanggap na tanggap.
Tahimik kong inubos iyong pagkain at nagbukas pa siya ng wine. Kung hindi lang ako nahihiya, ay baka nanghingi pa ako ng dessert. Baka may nakatago syang sweets sa ref! Last time kase nung nagbukas ako ng ref niya, nung may sakit siya, may nakita akong isang box na cake. Baka hindi niya pa kinakain.
"Mag-rereview pa ba tayo?"
Ngumiti naman siya 'yung abot tengang ngiti. "Excited yarn."
'Di ko napigilan ang pagtawa ko. Kase di naman siya ganun magsalita. Hawak-hawak ko na iyong tyan ko sa sobrang pagtawa. Epekto ba 'yun ng wine sa kaniya?
"Bakit ka ganan ka magsalita?" tanong ko habang tumatawa parin. Malapit na akong maubusan ng hininga sa pagtawa. Kasi naman ang gwapo gwapo niya tapos lalaking lalaki iyong dati niya tapos bigla siyang magsasalita ng ganun.
Kumunot naman noo niya. "Sa tingin mo ay kanino ko natutunan 'yan?"
Ang bilis naman magbago ng mood niya. Kanina lang ay nakangiti siya tapos ngayon ay nakasimangot naman siya. May mood swings ba siya?
Bigla naman ako nadapa kakatawa pero bago pa man ako bumagsak ay hinawakan ni Raphael iyong kamay ko at mabilis niya akong hinila pabalik. Napayakap naman ako sa kaniya at sa sobrang lapit ay rinig ko iyong marahan niyang paghinga. Naramdaman ko na lang iyong mga kamay niya na nakahawak sa aking mukha. He's cupping my face... until he slowly reaching for my lips.
Bigla ko naman siyang tinulak. Tangina kung wala lang akong self-control ay baka naghalikan na naman kami! Mukhang natauhan din si Raphael sa kanyang ginawa at agad na inayos ang sarili niya.
"This is the last time I'm asking this," sabi ko. "May gusto ka ba sa akin?" tanong ko kay Raphael.
My hand were trembling as I'm waiting for his answer. I'm just standing there unable to think anything... afraid that I will hear him say no.
"I don't know... I'm confused," sagot niya.
Taka akong napatingin sa kaniya. E anong meaning ng ginawa niya? The last time we kissed, pinalagpas ko 'yun... but we almost kiss again! If he just said yes–I was ready to throw away my last self preservation to be with him no matter what cost.

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...
Chapter 14
Start from the beginning