Two weeks na din kaming di nag-uusap ni Raphael. I hate to admit it pero namimiss ko na din siya. Kamusta na kaya ang gagong 'yun?
"Julian, okay ka lang?" tanong ni prof Andahan habang nasa recitation ako.
I nodded. "Opo, sir."
But I could feel my head spinning. Pero habang nagtatagal, mas lumalabo ang tingin ko. My body felt heavy. Mas lumakas pa ang pag-ikot ng paningin ko.
Oh, no.
Biglang dumilim ang paningin ko.
The next thing I knew, I was waking up in an unfamiliar white room, the scent of disinfectant filling my nose. Wait, asan ako?
"Shit," I groaned.
"Hoy, hoy, hoy, dahan-dahan."
My eyes still blurry, and standing there, wearing scrubs, was—
"Mateo?" I asked.
He smirked. "Oh? Na-miss mo 'ko agad?"
Napakurap-kurap ako. "Anong... ginagawa mo dito?"
Mateo crossed his arms and smile. "Well, Julian, hate to break it to you, you were admitted here at St John's Hospital—where I work."
Napapikit ako ulit. Great. Perfect. As if my life couldn't get any more dramatic.
Mateo pulled up a chair and sat beside my bed.
"Na overfatigue ka, Ju. Buti na lang nadala ka agad dito sa ospital," sabi niya.
I smiled. "Yeah..."
He laughed. "Cute mo nga habang nakapikit, e."
"Mateo, ang creepy mo," I said, rolling my eyes.
"Eh kasi naman! Hindi mo iniingatan ang sarili mo. Look what happened."
I sighed. "I just wanted to catch up sa studies—"
"Eh gusto mo rin yatang makipag catch up sa mga pasyente dito—"
He just looked at me.
Napayuko ako. Dahil di ko alam ang sasabihin ko.
"Ingatan mo naman ang sarili mo, Ju."
Ano ba?! Bakit ang seryoso niya! Nasan na 'yung Mateo na jejemon at mahilig majokes! Mas gusto ko 'yun! I suddenly looked at him, bakas sa mukha niya 'yung pag-aalala. And for some reason, that made my heart feel... warm.
"Basta," Mateo continued. "Andito lang ako, Ju. Wag mong kalimutan 'yun."
Bago pa ako makasagot, bumukas bigla ang pinto.
"Julian!" sigaw ni Prita na agad pumasok sa kwarto. Kasunod niya si Shaira, na halatang kakagaling lang sa school, at—
Tangina. Si Raphael.
Halos masamid ako sa nakita ko. I didn't expect na pupunta siya—at ang mas lalong hindi ko inexpect ay kung bakit parang ang lungkot ng mukha niya...
Napansin ko rin ang tension sa pagitan nila ni Mateo. They're looking at each other as if ready na silang magsuntukan any moment.
"Anong meron?" I said jokingly, hoping that it would lighten the mood. Pag magkasama talaga si Mateo at Raphael ay lalo akong nastress, imbes na gumaling ako ay baka lalo lang akong magkasakit.
"Hoy bakla, ano ba kasi nangyari?" Prita asked. "Puro puyat ka kase, bakla!" hinampas niya ako sa braso, kunyari galit siya pero ramdam ko pa rin ang pag-aalala niya.
"Kalma, okay na ako," sabi ko.
"Dapat lang," biglang sabi ni Shaira, habang nakataas ang kilay. "Prita is right, Julian. You need to take care of yourself."

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...
Chapter 20
Start from the beginning