抖阴社区

                                    

Napatingin ako kay Raphael, na kanina pa tahimik sa gilid. He looked... guilty? Concerned? I don't know. But the way he looked at me, para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano.

Finally, he spoke. "Julian..." he paused and continued. "I... I'm sorry."

I quickly replied. "For what?"

He took a deep breath. "For everything."

Bigla kong naramdaman ang kabog ng puso ko. What does he mean? Sorry para sa lahat? Ano yun sorry dahil nagkakilala kami? Sorry dahil hinalikan niya ako? Sorry dahil ginulo niya ang buhay ko? I wanted to refute him but—it'll just make everything worse for us.

Nakita ko naman si Mateo na nakatingin sa aming dalawa. Ganun din si Shaira at Prita. Parang nag-aabang sila ng sunod na mangyayari. I wasn't informed na sinehan na pala 'ton room ko!

"Prof, babanat ka na naman, ah," biglang sabi ni Mateo.

Napatingin ako sa kanya nang masama pero kita ko sa sulok ng mata ko na natawa si Prita.

"Mateo," Raphael snorted. "I'm serious."

Mateo smirked. "Serious din ako. Di mo ba kita 'tong uniform ko? Nurse ako dito, prof. Professional," turo niya pa sa sarili niya.

"Yeah? Hindi halata," Raphael rebutted.

Napapikit na lang ako ng madiin. Ano ba 'to, Lord? Mag-aaway ba sila? Ginawa mo bang calling ko ang maging referee ng dalawang to? Sumasakit lalo ang ulo sa mga ungas na 'to, e!

"Guys," I said. "Gusto ko lang gumaling, hindi magka-migraine."

Hinilot-hilot ko pa ang aking sentido at talagang nag-uumpisa na sumakit ang ulo sa mga nangyayari. Hindi talaga pwede magsama ang dalawang 'to, baka next time mag rambulan na.

"Natatapakan ko na ata ang buhok ni Julian sa sobrang haba," Shaira said. "Ang pretty, ha."

Prita nodded. "Umamin ka nga bakla, ginayuma mo ba 'tong dalawang 'to?"

Napalingon naman ako kay Prita at sinamaan siya ng tingin. 'Wag nilang sabihin na pati silang dalawa ni Shaira ay makikigulo rin sa dalawang ungas na 'to?

Parehong lumingon sa kanila sina Raphael at Mateo, umiling-iling naman ang dalawang gago.

"Julian, paalisin mo na 'yan," utos ni Raphael. "Masyadong magulo, e."

Mateo raised an eyebrow. "Ako 'yung nurse dito. Kaya kung may dapat mag-stay ako 'yun."

"Tumigil nga kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Para silang mga bata!

"What?" tanong ni Mateo tapos lumingon kay Raphael. "I won't leave."

Raphael clenched his jaw. "Neither am I."

I faked a smile. "Pwedeng pareho kayong lumabas? Nastress ako sa inyo."

Mateo crossed his arms. "Can't do that. Duty ko 'to, Ju. Ikaw, prof, anong excuse mo?"

Raphael retorted. "I'm here as a friend."

"Sure ka? Baka naman special friend?" I heard Mateo chuckled.

"Mateo, shut up," I groaned, pulling the blanket over my face.

Prita and Shaira laughed in the corner. Tangina, ba't ba may live audience pa 'to?

"Mateo, Julian needs rest," Raphael said. "Let him be."

Mateo tilted his head, obviously enjoying pissing Raphael off. "Ikaw kaya lumabas?"

"Mateo—"

"Oh my god, pwede kayong dalawa na lang ang i-confine? I'm done," I shouted, removing the blanket from my face. "Kung gusto niyo magpatayan, please, sa labas na lang. Huwag sa harap ng pasyente."

Prita laughed. "Ang dami-dami niyong time, ha? Kayo na lang kaya mag-thesis?"

"Honestly, Julian. Pumili ka na lang sa kanila para matapos na 'tong cold war na 'to," umiling-iling na sabi ni Shaira.

"Ano ba 'to? Pick your fighter?!" tanong ko.

Raphael frowned, habang si Mateo naman ay biglang sumimangot. Oh, wow. So hindi na sila makatawa ngayon? So, alam na nilang dalawa ang pakiramdam ko pag nag-aaway sila sa harap ko?

"Kayo na lang pumili," I said, turning to my side. "Ako, pipiliin ko na lang matulog."

Biglang tahimik.

For once, tumigil silang dalawa. At least may isang way para mapatahimik ang dalawang 'to.

"Okay, tulog na si Julian," sabi ni Shaira habang hinila si Prita. "Tara, alis na tayo."

"Oo nga, pabayaan na natin siyang magpahinga. Pero promise, bakla, spill the tea, ha?" pahabol ni Prita bago lumabas.

I frowned. "Labas!"

Narinig ko ang mahihinang tawa nila habang paalis na. Napansin ko naman na nakatayo pa rin sina Raphael at Mateo sa kwarto, parehong hindi gumagalaw.

I sighed, not even bothering to look at them. "Kayo, wala ba kayong balak umalis?"

"Ha?" sabay nilang tanong.

"Ayoko na kayong marinig. I need to rest. Seeing you two, just adds up to my stress," I said, closing my eyes.

A beat of silence. Then finally, I heard Mateo chuckle. "Fine. Prof, bili ka na lang ng food."

Raphael scoffed. "Why me?"

"Eh ikaw 'yung friend, 'di ba?" Mateo chuckled.

"Julian," Raphael, calling my name. "Do you want to eat?"

"Gusto kong gumaling. And right now, ang nagpapalala ng sakit ko ay kayo."

Mateo smirked. "O ayan, prof, narinig mo? Labas ka na."

I could practically hear Raphael sigh in defeat before he finally stepped out. I waited for Mateo to leave too, pero nagtagal pa siya ng ilang segundo, looking at me.

"Ju?"

"Ano?"

He smiled. "Just rest, okay?"

I nodded. "Okay."

With that, he finally left, and I was left alone in the room, my head still spinning—this time, not just from exhaustion, but from everything that just happened.

Tangina. I'm too tired for this.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now