Sumunod naman ako kay Prita palabas ng ospital. Iniwan ko 'yung dalawa dun sa loob. Bahala sila. Nastress lang ako sa kanilang dalawa pag nakikita ko silang magkasama. Nakita ko naman si Shaira ng kumakaway-kaway pa. Sinama pala siya ni Prita para sumundo sa akin.
"Oh? Nasan si kuya?" tanong ni Shaira.
Bago pa ako nakasagot ay naunahan na ako ni Prita. "Kasama ni prof. Naiwan 'yung dalawa sa loob. Nag-aagawan kung sino daw maghahatid pauwi dito sa disney princess na 'to."
Tumawa naman si Shaira at tinulungan akong tumayo ng wheelchair para makasakay sa kotse ni Prita.
"Iba ka talaga, Julian. Akalain mo, two guys fighting over you!"
"Whatever."
Hindi ko pinansin si Shaira at sumakay na sa loob. Pagkasakay ko sa loob ay saka ko naman nakita na palabas 'yung dalawang lalaki. Kung gusto nila silang dalawang ang magsabay. Prita grabbing the steering wheel of her car, finally drove off.
I was in the passenger seat while Shaira was in the backseat. I was bored kaya binuksan ko ang radyo, sakto you belong with me ni Taylor Swift ang kanta. Nakita ko naman sa rearview mirror na nagkatinginan si Prita at Shaira at sabay na tumingin sa akin.
"Anteh, pati kanta binibigyan ka na ng hint," sabi ni Prita habang nakatingin pa rin sa daan.
Nilusot ni Shaira ang kanyang ulo sa unahan para makita ako. "You belong with me daw, pretty kong kaibigan."
I glared at them. "Pakyu."
"Sus, kinikilig ka lang bakla," Prita replied.
"Kay kuya ka na lang," sabi ni Shaira.
Napapreno naman si Prita at tumingin sa aming dalawa.
"Excuse me!" sabi niya. "Mas bagay si Julian at Raphael."
Napakunot ako ng noo. "Ha?"
"I mean... I was team Mateo before but girl, 'yung chemistry nyo ni prof ay nag-uumapaw. I swear!"
"If, si kuya ang pipiliin mo," Shaira began. "Mamahalin ka niya ng sobra pa sa sobra. Nurse siya girl, kaya ka niyang alagaan."
Prita resumed driving but still not letting go of the topic. "No, team prof ako!"
Shaira snorted. "Team nurse, for the win!"
Napa-facepalm ako sa kanilang dalawa. Pati ba naman sila makikisali pa sa gulo ni Mateo at Raphael? Napailing-iling na lang ako. I just let them argue to their heart's content. As if alam nila kung sino pipiliin ko... I mean sa ngayon si Raphael pa rin ang gusto ko but I can't deny, may nararamdaman na rin akong something kay Mateo.
Shit. I feel like I'm cheating. Cheater na ba ako?
"Oh, sayo daw 'yan," biglang sabi ni Shaira at may inabot sa box sa akin.
I gave her a puzzled look. "Ano to?"
"E 'di buksan mo."
Aba. Mana din sa kuya nyang pilosopo.
I opened the box tapos na may laman iyong maliit na bote na may roll on. It smells like mint. Ano kaya 'to?
"Whiteflower, pinabibigay ni kuya," Shaira said.
"Ang thoughtful naman pala," Prita said while still driving.
"Good for headache daw 'yan," Shaira said. "Also, para daw hindi ka agad magkasakit."
I smiled. "Tell him I said thanks."
For some reason, my heart skipped a beat. The more I get to know Mateo, the more I discover na hindi lang pala siya jejemon na malandi—thoughtful din siyang tao. I appreciate small things like this. Sabi nga nila—it's the little things that count.
"Ikaw na magsabi. Matutuwa 'yun."
The whole drive was peaceful after that. I was able to enjoy the music saka 'yung kapeng dala dala ni Prita. The two accompanied me until I was inside my condo unit. I assure them na kaya ko na, kaya umalis na din sila. Nakakahiya naman if mag-stay pa sila. Busy din sila sa thesis at school works.
Just thinking about my backlogs sa school ay nanlalambot na agad ako. I need to catch up but like the doctor said, kailangan ko munang magpahinga. For now, I will rest and I will just cram tomorrow if kaya ko...
I opened my IG and clicked on Mateo's profile. Nakita ko naman 'yung notes niya.
'Get well soon, Ju.'
'Thanks pala dito.' reply ko sa notes niya tapos sinend 'yung photo ng whiteflower.
'Welcome, baby Ju.'
Nag-heart lang ako sa reply niya. I was about to put down my phone ng may isa pang notification na dumating. Galing kay Raphael.
'Did you get home safely?'
'Yup. Btw, thanks sa pag-aabala ng oras sa ospital kahit busy ka.'
'I can always make time for you.'
'Salamat.'
'Next time, Julian. Kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo ay ako na lang ang mag-aalaga sa'yo. I'd be more than willing to.'
Halos mabitawan ko 'yung cellphone ko nang mabasa ko 'yung reply ni Raphael. Sa isang iglap 'yung inis ko sa kanya ay biglang nawala. Taena, di na ako nakausad pagdating sa kanya. I just reacted heart sa message nya, knowing him baka bumanat pa ulit siya at mamatay ako sa kilig.
My body, still exhausted from everything that had happened, finally gave in. The next thing I knew, I was already sleeping.
I woke up feeling energetic. It's like I've been asleep for a whole year. Buti na lang at hindi pa ako late. As my usual routine, I took a quick shower and ate a sandwich. Nagbaon ako ng iced coffee na nakalagay sa aking Aquaflask. Then, I booked a grab at nagmadaling bumababa ng condo para hindi maabutan si Raphael.
Maaga akong nakarating sa school. Tumambay muna ako sa library habang naghahabol at ginagawa ang backlogs ko. Then, the bell rings. Prita texted me na nasa room na daw si Prof Santos—at my important announcement daw. I quickly grabbed my things at pumunta sa classroom. Naabutan ko naman na nasa unahan na si Ms. Santos. Nagmadali akong umupo sa tabi ni Prita para di mahuli. Thanks, Ms. Santos didn't notice.
"Okay class," announce ni Ms. Santos, our Social Sciences professor. "I have good news! The department approved our fieldtrip proposal."
The whole class went wild. Everyone was so excited, may mga nagbubulungan, while others are cheering. Natawa ako nang makita ko na halos masabunutan na ni Shaira si Prita. It could only be one thing—delay ang deadlines dahil sa filedtrip! Thank you, Lord!
I sighed in relief. Finally, something to look forward to.
"We'll be going to Batangas for three days," dagdag niya. "We'll visit historical sites and conduct mini research about local cultures."
Batangas? I can finally relax. Andaming beach sa batangas. I hope we can visit at least one beach resort. Argh—I can't wait to breathe in the seaside's refreshing scent.
"And for better supervision," sabi pa ni Ms. Santos. "Professor Yapchengco will be joining us as one of the guardians."
Putangina.
Naramdaman ko ang tingin ni Prita at Shaira sa akin. I slammed my head against the table as Prita and Shaira gasped beside me.
"Girl, this is fate," Prita whispered.
"OMG," Shaira giggles.
Gago!
Three days. Batangas. Kasama si Raphael.

YOU ARE READING
When Stars Collide With Hate
RomanceSabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raphael. Tahimik ang buhay ni Julian. Graduating siya ng Senior High School. Isang taon na lang ay makakatungtong na siya sa Kolehiyo. But what...
Chapter 21
Start from the beginning