抖阴社区

                                    

I was dumbfounded. In all times bakit ngayon pa umiral ang kadaldalan niya! Napalingon naman ako kay Raphael, expecting na di niya iyon papansinin but I saw him smirking.

"Ano? Gusto mo bang mag-propose na ako?" bulong niya sa akin, his voice teasing.

I turned to him with wide eyes. "Fuck you."

"Later, when we get married," he said, chuckling.

"Bastos!"

Tumawa lang siya at saka lumakad palayo.

Tanginang lalaking 'to!

* * *

"Ano 'to?" I asked, when suddenly a bottle of water was placed in front of me. Nasa gilid ako ng simbahan at nagpapahangin. Si Prita at Shaira ay nagpunta ng CR para daw magretouch. Ang init init kaya tapos magme-make up pa sila. Pag naglakit sila mamaya ay hindi ko sila bibigyan ng baby wipes.

"Water," Raphael said. "For you."

"Wala ka bang ibang ginagawa?" I asked.

"Nothing, aside for looking out for you."

"Para maging busy ka," I said. "Manood ka na lang ng Mr. Bean."

"Are you a kid?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

I smirked at him. "Bata lang ba ang pwedeng manood?"

"Will you watch with me?" he asked.

I retorted. "Wala ka bang mata?"

He chuckled. "But it's better to watch it together with you," he said leaning against me.

Tinulak ko naman siya. Lahat na lang ba nang sasabihin niya sa akin ay may kasamang kalandian. Nung nagpaulan ba si Lord ng kalandian ay sinalo nya lahat?

I awkwardly smiled. "Alam mo ang landi mo!"

"What's wrong? Am I not allowed to flirt with you?"

I snorted. "Whatever. King of mixed signals."

I heard him laugh. Hindi ko siya pinansin. Instead, I just drank the water he gave me. When I emptied the bottle, I caught Raphael looking at me. Akala ko ay titigilan niya na ako pagkabigay niya ng tubig pero nasa tabi ko pa rin siya at nakatayo. Pinikit-pikit ko ang mga mata ko at bahagyang nag-isip kung anong sasabihin ko sa kanya.

"You're still here?" I asked.

"What?" he asked back. "You don't want me here?"

Napa-facepalm ako. "10 meters away. Baka may makakita sa atin."

"We're not doing anything wrong," he simply said.

"Talaga ba?" I asked again, giving him a look.

"Fine," he said. "I just wanted to spend time with you."

I saw him brushing his hair. Para bang nag-iisip siya kung anong sunod nyang gagawin. Mas madali kung iwanan niya na lang ako dito. The more na magkasama kami, the more people will see the two of us together. Dami pa naman mahilig gumawa ng issue sa school namin!

"Tell me Julian," he said. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Are we good?"

Okay na naman kami... okay na ba talaga? I was lying to myself if I said yes but for the sake of him leaving me alone ay tumango na lang ako.

"Okay... will you agree to kiss me then?

Napaatras ako bigla sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Baka may makakita sa amin. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa akin 'to, pero naisip ko si Raphael nga pala to. He's a hustler when it comes to being a natural flirt.

I saw him laugh. "I was just kidding. I won't kiss you again... unless you give me permission."

"Gago ka talaga!" sigaw ko sa kanya.

"Nag-expect ka?"

I gave him a middle finger. Mas lalo siyang tumawa. Taenang lalaki 'to. Ang daming alam!

I groaned. "Asa ka."

"We can kiss naman," he said, looking around. "Wala namang ibang tao... tayo lang dalawa."

He looked at me as if waiting for an answer. Instead of answering him ay naglakad na ako palayo at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko—baka matukso pa ako. Mahina pa naman ako sa tukso. Lalo na pagdating sa kanya. Para bang may sariling isip ang katawan ko at bigla bigla na lang sumusunod sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Raphael.

"Lalayo sa'yo."

"Sama ako."

Napairap ako. "Nang-aasar ka ba?"

"Hindi," sagot niya. "Bawal ba kita samahan?"

"Bakit ba ang clingy mo ngayon?"

"Masama ba?"

Buti na lang at bumalik na si Prita at Shaira. Agad akong lumapit sa kanila. Nakita ko naman si Raphael na bumalik sa loob ng simbahan. Dumiretso kami sa malapit na fastfood. 'Yung iba naming kaklase ay busy pa sa sa photo-op sa loob ng simbahan pero gutom na talaga ako—mas importanteng kumain para sa akin kesa magpicture.

After we satisfied our stomach ay pabalik na dapat kami sa bus pero nagpaiwan ako sa loob—sabi ko ay may bibilhin pa ako. Bago lumabas ng fastfood ay bumili ako ng isang lasagna at milktea. Siguro naman 'di siya choosy sa pagkain? Kung meron lang fishball at kikiam baka 'yun na lang bilhin ko.

Pabalik na rin ako ng bus nang makita ko si Raphael na kausap si Ms. Santos. Maya-maya pa ay natapos na sila mag-usap saka ako lumapit.

"Raphael," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin.

"Hey—" he was about to answer when I gave him the food I was holding. "For you," I said.

Bahagya pa siyang nagulat pero kinuha pa rin 'yung binigay ko. "Thanks," he replied.

I just nodded. Nahihiya ako dahil di ko alam ang sasabihin sa kanya. I was about to leave when he suddenly held my hands.

"I want to talk to you," he said in a serious tone.

"About?" I asked.

"Us."

Napatingin ako sa kanya. "Wala namang 'us'."

"Exactly," sabi niya. "That's the problem."

"Raphael—"

"Julian," putol niya. "I know I hurt you. I know I was confused. Pero ngayon..."

"Ngayon ano?"

Unti-unti siyang lumapit sa akin. Ramdam ko 'yung pagbilis ng tibok ng puso ko sa bawat hakbang niya. "I'm—"

Naputol ang sasabihin ni Raphael nang biglang dumating si Shaira. Talaga ba Shaira? Kung kailan importante ang sasabihin ni Raphael saka naman siya biglang sumulpot.

"Julian," sabi ni Shaira.

Tinignan ko sya at nagtaas ng kilay.

"I-gcash mo daw 'yung bayad mo sa pagkain kanina sabi ni Prita," sabi niya pa.

Tangina. Hindi ba makaantay at kailangan pa ako puntahan para sa gcash? My god! Wrong timing naman. Hindi niya ba nakita na we're in the middle of an important conversation. I quickly grabbed my phone and sent her the payment through gcash.

"Ayos na?" tanong ko.

"Sorry na," sabi ni Shaira. "Papapaload kasi ako pang ML."

I rolled my eyes at her. Narinig ko naman na tumawa si Raphael. Bumaling ako pabalik sa kanya.

"Ano nga ulit 'yung sasabihin mo?"

"Nevermind. I'll just tell you pag nasa beach na tayo."

I saw him walk away... and I was just left there standing. I don't want to assume but in the back of my mind—I think I already know what he's going to say.

When Stars Collide With HateWhere stories live. Discover now