Chapter 12
"What the fuck?"
Nandito kami ngayon ni Raphael sa parking lot ng bar. Nahulasan na ako at nawala 'yung pagkalasing ko pagkatapos niya akong halikan. I thought I was just hallucinating, but we really did kiss. I couldn't come up with a reason bakit niya iyon ginawa. It was insane!
"Why did you kiss me?" I asked Raphael.
He was holding his keys and sliding it through his fingers as if he doesn't care about my question. Bakit parang wala lang sa kaniya iyong nangyari?! My god! Naghalikan kaming dalawa. He was about to open the door of his car ng pigilan ko siya.
"I asked you," sabi ko. "Why the fuck did you kiss me?!" I asked again, this time my voice was so loud that it can be heard from inside the bar.
"Because you're not listening to me," he simply said as if what happened didn't bother him in the slightest.
Malapit nang maubos ang pasensya ko sa kaniya. Baka pati lifespan ko ay unti-unting nababawasan dahil sa kaniya. Kinuha ko sa kaniya 'yung susi at tinulak pabalik iyong pinto ng kotse niya para magsara.
"That was my first kiss," sabi ko.
I heard him laugh. "Oops."
Punyetang lalaki 'to. Sasapakin ko na 'to, e!
"Kaya mo ba ako hinalikan... dahil may gusto ko sa akin?" tanong ko.
"Assuming," he shot back.
"Wow. E, diba, sabi mo kanina ako 'yung gusto mo?"
He chuckled again. He found this amusing, huh? Tarantado talaga.
"You heard it wrong–"
"Gagawin mo pa akong bingi!" I shouted, cutting him off.
Umatras ako ng kaunti dahil palapit na naman siya ng palapit. Bakit ba siya ganito? Para asarin ako? Fine! He's winning. Pero bago pa man ako makaatras ay niyakap niya ako.
"Why?" he whispered in my ear. "Do you want us to kiss again?"
Tinulak ko siya palayo. Hindi ko na kaya. Bumibilis na naman 'yung tibok ng puso ko. Ito 'yung sinasabi ni Prita na kapag may gusto ka sa isang tao ay parang nagka karera iyong puso mo sa bilis ng tibok. Lord kung panaginip lang 'to, please paki-gising ako! I can't with this guy!
"Nilalandi mo ba ako?" tanong ko.
"Bakit gusto mo bang landiin kita?" he asked back.
"Parang gago–"
"Tara na," sabi niya tsaka hinila ako papasok sa loob ng kotse niya. Wala na akong nagawa dahil ang lakas niya. I even tried to yank my hands away, but it only made him want to hold them tighter.
Nang makasakay kami sa kotse niya ay siya narin ang nagsuot ng seatbelt sa akin. I don't get him. Why is he doing this to me? I'm so confused. He drove away after putting my seatbelt on. Ngayon ko lang naramdaman 'yung sakit ng ulo ko. Para bang pinupukpok 'yung ulo ko ng martilyo sa sobrang sakit.
"Do you want to stop by sa 7/11?" he asked.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit?"
"To buy Pocari," sabi niya.
Napakunot ang noo ko. "Ha? Bakit?"
"For you," he replied.
Lalong kumunot 'yung noo ko. "I mean, bakit ako iinom ng Pocari?" takang tanong ko.
"For your hangover," he said, his eyes still looking at the road. "May baon din akong aspirin dito."
'Concern siya' may kung anong boses na galing sa isip ko.
"Ahh..." sabi ko na lang.
Dumaan naman kami sa footbridge. The lights were so bright na para bang nakakabulag na. But I still enjoy it. Tahimik ang paligid. Tanging kotse na lang ni Raphael yung nasa gitna ng kalsada. Walang katao-tao. For a moment, I felt peace.
"What I meant earlier was you... I want you to cook for me," bigla niyang sabi.
"Ha?"
"Bayad para sa pagtu-tutor ko sa'yo."
Naalala ko naman 'yung nangyari kaninang umaga. Tangina! Akala ko may gusto siya sa akin! All this time ay nag a-assume lang ako? Tapos ngayon ako pa ang parang nag-kagusto sa kaniya? Buti na lang ay nakalagpas na kami sa footbridge, wala ng ilaw. Thank god, patay din ang ilaw sa kotse kung hindi ay kitang kita ang pamumula ng mukha ko.
Magsasalita pa sana ako pero biglang huminto iyong kotse. Nandito na pala kami. Ang bilis. Hindi ko ramdam 'yung byahe dahil nag enjoy ako kahit paano. Totoo pala talaga 'yung sinasabi nila na masarap mag road trip kapag gabi.
"Stay here," sabi ni Raphael tapos ay bumababa siya ng kotse. Naiwan naman akong mag-isa doon.
Ngayon ko lang napagmasdan ang ayos iyong kotse niya. Sobrang linis. Walang kalat miski isa. Nasanay na ako ako sa kotse ni Prita–ang kalat na kala mo ay nandun na 'yung bahay niya sa loob. Siguro kung sasabihin ni Raphael na bago lang 'tong car niya ay mabilis akong maniniwala. Grabe. As in sobrang linis ng kotse niya.
Maya maya pa ay bumalik na si Raphael. May bitbit siyang supot na may lamang Pocari. Inabot niya sa akin iyong supot. Pagkatapos niyang ibigay ay nag-drive na ulit siya paalis.
"Thanks," nahihiya kong sabi.
"Drink this," sabi niya tapos ibinigay 'yung aspirin na kinuha niya sa kaniyang bulsa.
Kinuha ko naman iyon at tsaka ininom pagkatapos kong buksan yung Pocari. Ang pait. Parang gusto kong iluwa. Buti na lamang ay medyo matamis 'yung Pocari kaya natiis ko 'yung bitter aftertaste nung gamot.
"Raphael," pagtawag ko sa kaniya.
"Hmm," he quickly replied.
"Paano mo ako nahanap sa bar?" tanong ko pagkatapos isara 'yung bote ng Pocari sabay lagay ko sa cup holder ng car niya.
"Check your ig," mabilis niyang sabi.
Nilabas ko 'yung phone ko at chineck 'yung ig. Sinearch ko 'yung pangalan ni Raphael. May instagram na siya ulet?
"Kala ko blinock mo ako?" tanong ko kay Raphael.
"I just deactivated my account," sagot niya. "Why would I block you?" tanong niya pa.
Ngumisi naman ako. "Dahil iniwasan mo ako."
"That we can agree." sabi niya at proud pa talaga siya. "Well, for the record, I really do see Aira on you."
"Dahil magka-mukha kami?"
"You act the same as her."
"Sus, 'di mo na lang sinabi na pangit ako."
"Your words, not mine."
Hinampas ko siya sa braso. "Ganun na din 'yun, gago!"
Nagulat ako sa ginawa ko. Bakit ko ba siya hinampas?! It must be the alcohol. Yeah... it must be that.
He just laughed. Pati ako nahawa na sa pagtawa niya. Hindi ko alam kung dahil lasing pa ba ako o dahil gusto ko na talaga siya.
***
11 am na ako nagising. Buti na lang ay hindi masakit ang ulo ko. Effective 'yung binigay na gamot ni Raphael. I took a shower dahil amoy alak ako. Andami kong nainom. Kasalanan 'to ni Prita, e!
Nagtext si Prita na suspended daw ang klase gawa nung rally malapit sa school namin. Thank god! Hindi ko kayang pumasok ngayon. Sobrang sakit ng katawan ko. Para akong nabugbog.
After I took a shower, I saw my reflection in the mirror. Napahawak ako sa labi ko. Namamaga iyon. My lips are swollen. Nag-flashback iyong kissing make out namin ni Raphael kagabi. Naglinis na lang ako ng condo ko dahil para akong mababaliw dahil, against my will, ay unlimited replay iyong paghahalikan namin sa isip ko.
"Fuck!" sabi ko nung matisod ako sa vacuum cleaner dahil biglang nagvibrate iyong phone ko. I was wincing as I checked my phone.
'You home?'
Ano na naman kailangan ni Raphael sa akin?
Hindi ako sumagot. Sinugurado ko na naka-on iyong read receipt ko para alam niya na seen ko iyong message niya, pero ayaw ko siyang replyan.
'I left something at your door. Let me know once you receive it.'
Agad akong nagtungo sa pintuan at binuksan 'yun. Nakita ko 'yung maliit na box at pinulot iyon. Binuksan ko iyong box at may maliit na tube ng cream doon sa loob.
'Ano 'to?' chat ko sa kanya.
'For your sore lips. It's effective,' reply niya tapos ay biglang may dumating na isa pang notification... only this time, it was a photo of his lips with some cream on it. Agad na napaawang ang labit ko. Tanginang lalaki 'to! Hindi ba siya nahiyang pumasok sa school na paga ang labi?!