Chapter 16
Sabi nila it is not in the stars to hold our destiny but in ourselves pero bakit sa dinami dami pa ng lugar na pwede kong makita si Mateo ay sa sarili pa nilang bahay? Was fate playing games with me? Ang dami-dami namang bahay sa oakplace, bakit sa bahay pa talaga ni Mateo ako dinala para mag-aral? It's like my life are full of surprises and coincidences.
I want to leave if I could pero nakakahiya naman sa mga kagrupo ko especially kay Shaira. I would just pretend na 'di ko nakikita o nararamdaman si Mateo. Oo magpapanggap na lang ako na multo siya sa paningin ko.
Shaira raised an eyebrow at us, clearly confused sa sinabi ng kapatid niya. "Wait—siya 'yung crush mo?"
Halos mabitawan ko iyong mga hawak kong notes at 'yung laptop ko. My god! Magkapatid nga sila! Parehas walang preno ang bibig. Taena! Buti na lang wala si Prita dito kung hindi baka todo asar na rin 'yun sa akin.
Mateo smirked before taking a sip from his glass. "Yup, my dearest sister. He's my LOML."
Napakunot 'yung noo ko sa sinabi niya. Ano raw? LOML? Bago niya na naman ka cornyhan at pauso? Ano ba siya highschool student na nastuck sa jeje phase?
"What?" I asked.
He finally looked at me. "Love Of My Life," he answered.
What the fuck?! Hindi ba siya nahihiya? Right in front of our classmates, talaga?! This guy–I don't know what to do with him. Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kanya–at kay Raphael.
Napansin kong nagkatinginan ang mga kaklase namin, as if silently gossiping about whatever was happening between us. Great. Just what I needed—more complications.
"Okay, okay, balik na tayo sa pagrereview, guys," sabi ni Shaira, halatang gulong gulo na rin sa nangyayari. "Matt, kung wala kang gagawin dito, maybe you should—"
"Relax, Shai," singit ni Mateo habang nakangisi. "I'm just making conversation. Besides, baka gusto kong sumali sa study session niyo."
Napairap ako. "Mateo, hindi ka naman enrolled sa course namin."
"Doesn't mean I can't help. I was a valedictorian, you know."
Ramdam ko 'yung pagyayabang sa boses niya. Ano naman kung valedictorian siya, di ko naman tinatanong?
Before I could respond, my phone vibrated on the table. I glanced at it.
'Raphael papansin is calling.'
Oh, Just my luck. Tangina.
Nagisisi ako na hindi ako nag-airplane mode. Bakit ba natawag siya?! Ano na naman kailangan niya? Sa stress yata sa mga lalaki ako unang mamamatay hindi sa stress sa pag-aaral. Binabawi ko na Lord, ayoko na ng mahabang buhok.
"What?"
"Where are you?" he quickly asked, his voice low but demanding.
"Bakit?" irap kong tanong, making sure no one was paying too much attention to me. Si Mateo naman, nakatingin sa akin na para bang gustong marinig kung sino ang kausap ko.
"I went to your condo. Wala ka."
Napatigil ako. What the hell was he doing at my place?
"Nag-aaral ako," sagot ko, hoping he'd drop the conversation.
"Saan?"
"Bakit kailangan mong malaman?" I responded. "Nanay ba kita?"
Narinig kong huminga siya nang malalim sa kabilang linya, halatang frustrated. "Just tell me where you are, Julian."
"No," mabilis kong sagot. "May sarili akong buhay, Raphael. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo—"
"Fine," he said, cutting me off. "I'll just find out myself."
Binaba niya ang tawag bago ko pa siya masagot.
Putangina. Ano na namang trip nito?! Lalo niya lang ginugulo akong feelings ko sa ginagawa niya. Pakshet ka Raphael! Pakshet!
Mateo chuckled beside me. "Wow. Someone sounds possessive. Siya ba 'yung kasama mo sa coffee shop before? Boyfriend mo na ba 'yun?" sunod sunod niyang tanong.
Wait. Napakinggan nya ba 'yung usapan namin ni Raphael? May pagkachismoso talaga 'tong jejemon na 'to.
I glared at him. "No."
"Right," he said, obviously not convinced. "Pero bakit parang may gusto siyang malaman kung nasaan ka? Parang concerned masyado."
"Gago ka ba? Kung guguluhin mo ako ay umalis ka na lang."
He grinned. "Okay, okay. I'll stop—for now."
I've tried to remain focused sa pagrereview, but my mind was a mess. Between Mateo's annoying presence and Raphael's unexpected call, I felt like I was being pulled in two directions. At the back of my mind, I had this sinking feeling na hindi matatapos ang araw na 'to nang walang gulo. Please lang 'wag naman sana...
And I was right.
Not even an hour later, may nagdoorbell.
Tumayo si Shaira at nagpunta sa pinto, pagbalik niya ay nakatingin siya sa akin na para bang naguguluhan. "Uh, Julian? Nasa labas si Professor Yapchengco."
Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa may pinto.
Nakatayo siya doon na parang inip na inip na. What the fuck is he doing here?!
Nagbulungan ang mga ka group namin at nagtatakang tumingin sa may pintuan kung saan nandun si Raphael. 'Yung iba ay biglang umayos ng upo at para bang nalilito sa biglang pagsulpot niya. Miski ako ay gulong gulo rin sa nangyayari.
"Uh, sir? Anong ginagawa niyo dito?" Shaira asked, her voice was filled with confusion.
Raphael simply smiled, as if he wasn't currently ruining my entire life. "Oh, I was just looking for Julian," he said smoothly. "Didn't expect to walk into a little study session, though. Interesting group."
He suddenly looked at Mateo, who's standing beside me. Please 'wag kang magsasalita nang bagay na parehas nating pagsisisihan.
"Small world, huh?" Mateo said, crossing his arms.
Napkurap-kurap si Shaira. Nakatingin siya sa akin, kay Raphael, at kay Mateo. "Wait—so magkakilala rin kayo?"
"Yeah," I almost whispered and gave her a small nod. "Something like that—"
"More than that, actually," Raphael quickly said, cutting me off. "Right, Julian?"
'Di ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko. I can feel it, that any moment from now, everything will go spiral out of control. Gusto ko na lang magpanggap na mahimatay para matapos na ang lahat ng 'to. Paanong simpleng group study ay naging ganito? Sa susunod ay hindi na ako sasali sa group study, parang nagkaroon ako ng trauma sa nangyayari ngayon.
Mateo chuckled. "You know, sir," he said, emphasizing the word 'sir.' "I never figured you for the type to crash a study session. Must be really important if you went out of your way to find Ju here."
Raphael didn't even blink. "He's important," he said so quickly. "Wouldn't be here if he wasn't."
Putangina! Ganito ba ang confused?! Hindi ko alam kung dapat ba ako makaramdam ng kilig pero mas nangingibabaw 'yung kaba ko.
Pati si Shaira, narinig 'yung sinabi ni Raphael. Napatingin lang siya sa akin na para bang marami siyang gustong itanong.
"Ah, okay..." sabi ni Mateo pero ramdam mo 'yung pag ka sarcastic sa boses niya.
I needed to put a stop to this. Now. Anything else would be too much for us–for me to handle.
Hinila ko palabas si Raphael, hindi na ako nakapag paalam kay Shaira at sa mga kaklase namin. Ang gusto ko na lang ay makalayo dito. Halo-halo 'yung pakiramdam ko ngayon. Stress na kinikilig na kinakabahan.
"Raphael, bakit ka nandito?"
Raphael looked at me as if I was asking the most obvious thing in the world. "I told you, hinanap kita."
I forced a smile on my face. "And you just magically knew I was here?"
For the first time since he arrived, a small smirk appeared on his face—one that sent a sudden realization on me.
Oh, fuck.
Nanlaki ang mata ko.
I forgot to turn off my IG location again, didn't I?
"Raphael, nakita mo na ako, okay? So you can go," sabi ko pag-iiba na lang ng usapan.
"Actually—"
"Saka mo na lang sabihin sa akin pagkatapos ng midterms."
He looked like he wanted to say something but chose not to–he just walked away. Just like that I found myself catching my breath. Parang nalimutan kong huminga dahil sa nangyari kanina. Pagkatapos ay bumalik na ako sa bahay nila Shaira. Kahit gusto kong 'wag ng bumalik ay pinilit ko dahil nandun 'yung mga gamit ko, lalo na 'yung laptop ko.
Pagpasok ko ng bahay ay lahat sila nakatingin sa akin at hinanap ng mata ko si Mateo pero hindi ko siya nakita. Nagpanggap akong parang walang nangyari at umupo sa may side table saka kinuha ang notes ko.
I was busy reading my notes when I heard Shaira.
"Julian," she began. "What the actual fuck was that?"