抖阴社区

When Stars Collide With Hate

By sterloveee

2.1K 222 20

Sabi nila the more you hate, the more you love. Para kay Julian puro hate lang ang nararamdaman niya kay Raph... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 26

74 4 4
By sterloveee

Chapter 26






"Are you sure about this?" tanong ni Raphael sa akin. Tahimik akong tumango habang naka-upo sa loob ng sasakyan niya. Kakatapos lang ng klase ko at sobrang pagod iyong nararamdaman ko sa pinagsama-samang schoolworks kaya nag-volunteer siya na ihatid niya ako sa meeting place namin ni Mateo. Gusto kong bumagal 'yung oras o kaya magkaroon ng heavy traffic kasi 'di pa ako ready. I don't know how to face Mateo or even talk to him... but the more I prolong this, I would also hurt him even more.

Ang sama sama kong tao!

I like Raphael but I don't want to hurt Mateo... as much as possible, I really don't want to hurt him. Kung meron lang paraan para i-keep silang dalawa—ay gagawin ko. It's a tough pill to swallow and fucking selfish but I don't want to lose either of them...

Nilakasan ko iyong tugtog sa loob ng sasakyan ni Raphael para madistract ako sa mga iniisip ko but I was wrong. Despite the loud music, my mind was still a mess.

Gusto ko na lang umatras at umuwi. Gusto ko na lang magkulong sa condo ko at antayin na lumipas 'yung problema kasi nasanay na ako na hinahayaan na lang 'yung mga problema ko hanggang sa mawala na isang araw paggising ko ay okay na ulit.

"Are you okay?" tanong ni Raphael nang mapansin niyang hindi ako kumikibo. Tipid akong tumango. Hindi ko inalis iyong tingin ko sa mga kamay ko.

"Hey," sabi niya pa ulit kaya napatingin ako sa kanya. And for some reason my heart softens seeing him smile at me. "Everything will be fine. Just remember I'm always here for you, okay? You're not alone in this, Julian."

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Thanks," sabi ko.

Naramdam ko iyong paghawak niya sa kamay ko. After what happened in Batangas ay mas lalong naging sweet sa akin si Raphael. Sinasabay niya na ako palagi pagpasok sa school and even wait for me to end my class or I would wait for him para sabay din kami sa pag-uwi. Practically we're almost like a couple but I don't want to put a label to it yet hanggang di ko pa naaayos iyong tungkol kay Mateo.

"Raphael," tawag ko sa kanya.

"Yeah?" sagot niya habang nakahawak pa rin sa steering wheel ng sasakyan niya. "You need anything? Gusto mo ba mag drive-thru muna tayo?" sunond sunod niyang tanong saka lumingon sa akin. Mabilis akong umiling.

Damn that face—bakit parang araw araw siyang gumagwapo sa paningin ko? Hindi naman siya ganito kagwapo sa paningin ko dati. Is it because I like him more compared before?

I heard him chuckle. "Busog ka na ata sa pagtitig sa mukha ko."

"Gustong gusto mo talaga na nafi-feed 'yung ego mo, noh?"

"I'm just stating the facts."

"Well, you're facts are incorrect," sagot ko sa kanya. "Sa labas ako nakatingin. Hindi sa mukha mo."

"Do you want me to pull up the dashcam so we can prove I'm right?" he said, smirking.

"Ayaw mo talagang patalo, gago," sabi ko sabay suot ng airpods para hindi ko marinig 'yung sunod na mga kayabangan niyang sasabihin.

"Of course," sabi niya na rinig na rinig ko kahit na nakasuot yung airpods sa tenga ko.

"Of course mo mukha mo."

"Yeah? The face you kept staring at."

"Suntukin kaya kita?"

"You're such a sadist, Julian."

"Kaya dapat masokista ka."

Nagmake-face lang ako gaya noong ginagawa ng mga bata kapag nakikipag-asaran sa mga kalaro nila—iyong nakalabas pa ang dila.

"You should have seen the look in your face," he said laughing.

Hinampas ko naman siya tapos lalo pa siya tumawa. "What about my face?" I asked.

"Cute," mabilis niyang sagot.

Hindi naman ako nakasagot at ramdam ko na namula ako sa sinabi niya.

"But seriously, Julian," he began. "You're the cutest person—my cutest person ever."

Gago talaga 'tong lalaking to. Halos mamatay na ako sa kaba dito tapos ganan pa mga sinasabi niya.

He pressed his hand against mine and stare at my face.

"Kahit sino mauulol sa'yo," bigla niyang sabi.

"Tarantado ka, Raphael! Ako lang dapat ang palamura. Hindi ikaw!"

"Okay. okay. okay."

Sabay naman kaming tumawa. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi man sabihin ni Raphael ay ramdam na ramdam ko iyong concern niya sa akin. I really appreciate him doing this for me.

Pagkatapos pa ng ilang minuto ay huminto na si Raphael. Nang maramdaman ko iyong pagtigil ng makina ng sasakyan ay nagsimulang bumilis ang tibok ng dibdib ko.

"We're here," sabi niya.

Tumingin ako sa kanya. "Thanks. Wait for me here."

He just nodded. "I'll wait for you, Julian. Don't take your time please."

I mouthed. "Gago."

Ramdam na ramdam ko iyong kabog ng dibdib ko habang palabas ako sa sasakyan. Parang nanlalambot iyong mga tuhod ko at bigla na lang ako matutumba. Nakita ko mula sa salamin na nasa loob na si Mateo—nakaupo sa may bandang dulo ng coffee shop at naghihintay sa akin.

Dito 'yung coffeeshop na una kaming nagkakilalang dalawa. Napangiti ako ng bahagya ng maalala ko 'yung mga pangyayari noong gabing iyon. Agad naman nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita kong lumingon si Mateo sa kinatatayuan ko. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat titig niya sa akin.

"Mateo," sabi ko nang makaupo sa tapat niya.

He smiled. "Ju, namiss kita," mabilis niyang sagot.

Ngumiti lang ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin at  sabihin na namiss ko rin siya pero ayaw kong ma misinterpret niya. Ayaw kong bigyan siya ng pag-asa na hindi naman totoo.

"I'll just order coffee for us," sabi pa ni Mateo.

"Mateo—"

"Please, Julian let me do this for you... for the last time."

Biglang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. I know this would hurt but not like this. Ibig sabihin niya ba ay last na 'to? Na hindi na ulit kami mag-uusap o magkikita. Gusto ko siyang suntukin at sipain pero alam kong wala akong karapatan dahil ako naman 'yung may gusto nito.

Pinanood ko siyang umorder. Pagbalik niya, may dala siyang dalawang kape.

"One caramel macchiato. This is what you usually drink before," sabi niya sabay abot sa akin.

"Thanks... thank you rin dahil naalala mo na paborito ko 'to."

"Anything for you, Ju."

There was a long silence after that. I was just toying with my coffee cup, unsure of how to start. Mateo was just looking at me as if waiting for me to break the silence and say the words that would break his heart into pieces...

"Mateo," I finally said, breaking the silence between us.

"Hmmm."

I don't know where to start or how to say it. Para bang umurong bigla iyong dila ko at bigla akong nawalan ng boses.

"I need to tell you something..." I said, my voice almost broke. Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita. "I'm sorry, but I just can't keep pretending."

"What do you mean, Ju?"

I swallowed hard. This wasn't easy, but I had to be honest. "I'm not... I'm not what you think I am. I don't feel the same way that you do."

Hindi pa rin siya umiimik. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya pero kita ko iyong unti-unting pagbabago ng expression niya. I could see the confusion in his eyes, but I couldn't take back what I was about to say. "I like you, Mateo. As a friend, but nothing more than that."

"Alam ko naman... Una pa lang ay alam kong hindi ako 'yung gusto mo. Pero ang sakit pala kapag sa'yo na mismo nanggaling. Tangina, Ju akala ko may pag-asa."

Huminga ako ng malalim. "Pinilit ko naman, Mateo. Maniwala ka... Pinilit ko talaga kase alam kong ikaw 'yung laging andyan para sa akin. Kahit anong pilit ko ay si Raphael talaga. I'm sorry..."

"Fuck, Julian—"

"I'm sorry, Mateo. Sorry talaga," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Puno ng kalungkutan iyong mga mata niya. "Believe me, importante ka sakin, but I just can't return the feelings you have for me. And I don't want to keep leading you on..." naramdaman ko naman na unti-unti na pa lang pumapatok ang mga luha ko. Agad akong yumuko at pinunasan iyon.

"Kaya ba iniwasan mo ako?" tanong niya.

I nodded. I don't want to lie. I don't want to make excuses. I don't want to hurt him even more. Kung pwede lang ay ako na lang sana 'yung masaktan. If I could only take his pain away.

Humingi siya ng malalim. "I just made a fool out of myself," sabi niya na may maliit na ngiti sa labi niya.

"I'm sorry," I whispered, my voice breaking. "I never meant to hurt you. I never wanted to give you the wrong idea."

"I know you didn't," Mateo said. I could feel the pain in his voice but he still smiled. "Siguro, pinaasa ko lang 'yung sarili ko na baka magugustuhan mo rin ako. But I see now... that's not going to happen. And it fucking sucks. But I get it."

My chest began to tighten. My hands began to tremble. But I couldn't lose myself. Alam kong kasalanan ko lahat ng 'to pero tangina bakit nasasaktan din ako ng ganito?

"Mateo, I—"

"Don't," he cut me off. "I'm hurt, yeah. But I'm not angry. Gets ko naman. Hindi mo kasalanan na hindi ako 'yung pinili ng puso mo."

"Sorry talaga, Mateo."

Puro sorry na lang iyong lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano pa bang ibang sasabihin ko. Alam kong kahit ilang beses pa ako mag sorry ay hindi mababawasan 'yung sakit na nararamdaman niya.

I watched as he stood up, wiping a small tear from his eyes. Tangina mo talaga, Julian! Sinaktan mo 'yung taong walang ibang ginawa kung hindi maging mabuti sa'yo.

"I'll be okay, Julian," he said. "I just need some time to process all of this. I hope you understand."

Damn, anong nangyari sa Ju? Bakit Julian na 'yung tawag niya sa akin. Dahil ba nasaktan ko siya? Nasasaktan din naman ako, e. Masakit din para sa akin pero wala akong magawa.

"I do," I replied quietly. My hands were trembling. "And Mateo... I really do care about you. You're an amazing person, and I'm lucky to have you in my life." I paused because I could feel my tears are about to fall. Kinagat ko iyong labi ko para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "I just don't want to give you false hope..."

He slowly nodded. "I get it. It hurts, but I get it."

I watched him head for the door, my heart sinking with all the pain I've caused him. Just as he reached the threshold, he stopped and looked back, giving me a small, sad smile.

"Take care, Julian. I'll always be here if you need me, even if it's just as a friend."

I force a smile on my face, nodding. "Take care, Mateo."

And then he was gone, leaving me there unable to do anything, lost in the mix of emotions inside me. It wasn't easy, not at all. But Mateo understood. Even if it hurt, he understood...

Tsaka ko lang naramdaman ang pagbasak ng mga luha na kanina ko pang pinipigilang pumatak. Pinilit kong tumayo pero nawalan ako ng lakas. Ramdam kong nakatingin na iyong mga tao sa paligid pero imbes na tumigil ay lalo lang pumatak ang mga luha ko.

"Here."

Napatigin ako sa nagsalita. Si Raphael. May hawak hawak siyang panyo habang nakatingin sa akin. Imbes na kuhanin ko 'yung panyo, tumayo ako saka niyakap siya nang mahigpit.

"I told you. I'm here for you. Always and forever," he said as I felt him returning my hug.

Continue Reading

You'll Also Like

248K 11.2K 18
October I loved him with everything I had. From the moment I was a teenager scribbling his name in my notebooks, to the nights I waited up for him wi...
1.4M 64.4K 48
醼斸踞贬勧横醼坚羔曖册涐踞涐踞 醼欋羔炨醼横欋斸横愥勧横羔曖册涐踞涐踞 醼勧踞醼横愥呩横醼贬勧横炨栣坚呩横佱结勧横丰曖贬羔曖.... 醼欋勧横羔嗎 醼醼氠 醼♂涐贬醼横溼佱册丰欋踞曖.......
210K 11.1K 41
Seren thought she had everything, a loving husband, a peaceful life, and a future full of promises. But when trust is shattered and the lines between...
159K 3.3K 51
Lilith Johnson-to the world, she is perfect. An A+ student, cheer captain of her high school, and born into wealth, she is the girl everyone wants to...