抖阴社区

Chapter 19: New Him

134 1 0
                                    

AXI'S POV

Nung lumabas si tito sinundan ko siya kagad papunta sa study room niya. Alam kong he needs someone to talk to.

Kumatok muna ako bago pumasok.

Nakita ko kagad si tito na nakayuko at hawak-hawak ang noo.

"To are you okay?"

Tanong ko nung nakapasok na.

Agad naman siyang napatingin sakin.

"Yes Axi. Thanks." Iniayos niya ang pagkakaupo. "Sumasakit ang ulo ko sa dami ng problema."

I know him. Ipinapakita niya sa lahat na hard ang personality niya, pero deep inside, he's just human with soft emotions.

"Matatapos din po to tito."

"Sana nga Axi. By the way. Salamat sa pagsama kay Ayi rito."

Hindi man ni tito effectively na naipapakita pero mahal na mahal niya talaga si Ayi at ang pamilya niya.

Ngumiti lang ako. "Wala po yon."

"Uhm just take good care of my daughter Axi. Sa nangyari ngayon kailangan niya nang taong magpapasaya sa kanya and I know that you're the only person who can do that."

Alam niyo ang akala niya super close kami ni Ayi. Palagi kong kinekwento na halos araw-araw magkasama kami ng anak niya at masayang nag-uusap, pero ang totoo, malayo talaga ang loob sakin ni Ayi.

Ako lang ang pinagkakatiwalaan ni tito, at hindi ko dapat sirain yon.

"Si-siyempre po tito wag na po kayong mag-alala."

Sana hindi niya mahalatang nagsisinungaling lang ako.

"Salamat Axi. Hindi ako nagkamali sa taong nilapitan para bantayan ang anak ko."

Pinilit ko na lang na ngumiti. Parang nakaramdam ako ng guilt. Dapat gumawa na ako nang paraan para mapalapit si Ayi sakin. Hindi lang dahil sa gusto ni tito, pero dahil din sa gusto ko nang ipakita kay Ayi ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. I can really feel that this is the perfect time!

─── KINABUKASAN ───

Apartment

AYI'S POV

Umuwi rin kami ni Axi rito kahapon. Ayoko sanang iwanan si mama kaso gusto talaga niyang ipagpatuloy ang OJT ko. Haist si mama talaga. Minsan hindi ko rin maintindihan eh.

Tinawagan ko pala ang number ni Liling kahapon pero unattended na. Nag-aalala ako sa kanya. Hmnff pero siguro masaya na siya ngayon dahil kasama naman niya ang lalaking mahal niya. Hay sumasakit ang ulo ko kapag naiisip ang ginawa niya.

Pupunta pala ngayon si mama sa school. Sasabihin sa dean namin na magd-drop out si Liling cause lilipat na siya sa America, kahit ang totoo hindi naman talaga. Pag nalaman kasi ng buong school to, siguradong mapapahiya si Liling, at damay narin pati ang pamilya namin. Alam ko kasi ang pakiramdam ng hinugusgahan basta-basta kaya ayoko sanang maranasan ni Liling yun. Haist, sana ako nalang ang nasa sitwasyon niya, kasi at least hindi masyadong masakit kong ako ang nagloko.

Lumabas nako sa unit after kong mag-ayos papuntang office.

Nang nakadaan ako sa unit ni Axi, sarado na. May kandado sa labas eh. Nauna na siguro yon haist.

"Bakit ang tagal mo?!"

Nung nakalabas na ako ng gate may nagsalita sa gilid kaya nilingon ko.

SI AXI! At naka sandal siya sa kotse niya.

"Eh ano naman sayo! Ito naman." Sabay talikod at hahakbang na sana palayo nang bigla siyang nagsalita.

"Oy hinintay kita rito. Hindi ka manlang ba sasabay sakin?"

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon