抖阴社区

Chapter 12: Men Behind

34 0 0
                                    

FFUM

Third Person

Masayang nag-uusap sina Ray at Sir Henry sa sala. Nagtataka siguro kayo kung bakit tapos na ang trabaho pero nandito pa sila. Sa kadahilanang ito, nagsisilbing tahanan ni Sir Henry ang lugar na 'to.

Pag-akyat mo ng hagdan, sasalubong sayo ang pinto papasok sa opisina ng secretariyang si Estella. Sa silid niyang iyan, may double door na kahoy sa kanan-na pinto papunta sa opisina ni Sir Henry. Pagpasok mo sa loob, maluwag at maaliwalas. Ang likod na pinto, kaya naman tinatawag nilang back door, ay ang mismong gate ng bahay na ito.

"Alam mo kasi yang anak ko, bata palang sila, gusto na yan si Ayi! Kaya kung ako sayo, dadagdagan ko pa ang mga hirit mo! Hahaha."

Ani Sir Henry, sabay lagok ng inumin sa baso. His eyes twinkled with mischievous humor, but there was a hint of pride in his tone.

"Ano!? Eh bakit hanggang ngayon di pa rin sila!? Eh mahina naman pala yang anak mo eh! Tsk."

Sagot ni Ray, nakangisi, tila may hinanakit sa pagkatalo sa usapan.

"Hindi naman kasi siya atat kagaya mo. Matalino yon! Nag-iisip muna bago gumawa ng bagay!"

Dipensa ni Sir Henry, kaya si Ray, napatingin na lang at tahimik na lang. He knew when to retreat.

tok tok tok

Biglang naputol ang usapan nila nang may kumatok at pumasok ang pito nilang kasamahan. Lahat sila nakaitim na jacket. Walang labis, walang kulang-sapat lang ang itsura, at mukhang maganda ang kanilang pangangatawan. Pero may isang napansin si Ray. Isa sa kanila, tisoy, parang kamukha ni Enrique Gil.

Sila ay ang BOB-Blocker of Blacker. Ang ibig sabihin ay "Taga-protektang ng DILIM," dahil mahilig sila sa dark colors, lalo na ang itim. Ayon sa kanila, nakaka-astig daw.

Mga tauhan ni Raychan, kabarkada na rin, at nagkakilala sila sa business nila. Sunod-sunuran lang sila kay Raychan, ngunit hindi ito kasama sa grupo.

Napakunot ng noo si Sir Henry nang matanaw ang pitong lalaki na pumasok ng walang paalam. Nakalimutan niyang sarhan ang gate kanina, kaya sila pumasok nang basta na lang.

"Sa susunod na pumasok kayo dito nang hindi nag doorbell, patayin ko kayo!"

Ani Sir Henry, sabay tingin sa mga pumasok, tila may galit na kumukulo sa kanyang mata.

"So-sorry po, boss. Bukas po kasi kaya..."

Si ELY, ang pinaka-sunod-sunuran sa kanila, na siya ring pinakamabait at pinakamaliit.

"AHHH, WALA AKONG PAKIALAM KAHIT NAKABUHANG-HANG PA ANG GATE! BASTA KAILANGAN MAG-DOORBELL KAYO!"

Sigaw ni Sir Henry, kaya napatigil sila.

"Tama naman yon. Eh paano kung may ka-bombaya pala tong si boss? Edi nakakita kayo ng live show."

Pabirong sinabi ni Ray, kaya ang mga kasamahan ni Raychan, pati si Ely, ay napangisi.

"HEH, TAHIMIK!"

Sigaw ni Sir Henry. Biglang tumahimik ang lahat.

"Eh boss, wag kang magalit. Bigla lang naman kaming pumasok kasi may magandang balita kami kay Raychan."

Sabi ni Greg, habang naka-akbay kay Saldo.

Si Greg ang pinakamadaldal sa lahat. Walang mintis na kwento, parang hindi nauubusan ng topic. Kung gusto lang niya, pwede siyang mag-writer daw, ayon sa mga kasamahan.

"That's right, boss."

Sabi pa ni Saldo, na hindi na nakatigil mag-Ingles. Idol niya kasi si Raychan, kaya kahit hindi pa tapos ng elementarya, sinusubukan niyang mag-Ingles kahit medyo nakakatawa.

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon