─── AFTER TWO DAYS ───
Apartment
AYI'S POV
Nako! Alam niyo ba kahapon pinuntahan ako ni Raychan dito?! Nalaman niya kung saan ako nakatira kasi naihatid na niya ako dito, diba?
At alam niyo ba kung saan kami pumunta? SA ICE KINGDOM mga teh! At syempre nakita ko na ang main entrance o ang harapan nito.
Isa lang namang napakalaking WHITE gate ang bumulaga sakin. Sa laki at taas nito, hindi mo halos matanaw kung ano ang nasaloob!
Pag nakapasok kanaman sa gate isang malaking hall naman ang makikita mo at may malaking double door; yan na ang mismong building ng ICE KINGDOM.
Wala namang karatula na WELCOME TO ICE KINGDOM o kahit ice kingdom lang, o kahit anong palatandaan na puro ice ang nasa loob eh WALA. Nagtataka nga ako eh. Tapos malayo pa ang gate sa mismong I.K, eh sabi ni Raychan parking lot daw yon. Edi wow! Hahaha.
Nahawa na ako dun sa kakulitan ng pitong mga kaibigan ni Ray. Pumunta kami dun kasi pinakilala ako ni Ray sa kanila. Ewan ko nga kung bakit eh hehe. Napagkamalan nga akong girlfriend niya, eh sabi naman niya, "Hindi pa."
Hindi pa, may PA so ibig sabihin PApunta na dun? Eh hindi pa naman siya nanliligaw ah. Dapat ligaw muna no, para pa hard to get naman ako, hehe.
Pero seriously he's a perfect guy for me. Kaya kung manligaw man siya, I'm looking forward to it. Naks naman hehehe. Basta ang saya niya kasama. Chill lang yung puro lang SAYA ang mararamdaman mo. Palagi kang nakangiti at feeling mo you are safe with him. Yan naman talaga ang hinahanap ko eh.
Nang lumabas na ako ng unit ko. Nakita ko si Axi na kakalabas din, parang sabay lang nga kami.
Ngumiti ako sa kanya, at ngumiti rin siya sakin tapos tumalikod na at nag-umpisang maglakad. Ako naman nasa likod lang niya.
Hindi na msyadong halata ang mga pasa niya sa mukha at ang mata niya hindi narin namamaga. Siguro okay na naman siya.
Bigla siyang humarap sakin.
"Uhm, sabay ka nalang sakin." Sabay talikod.
"O-okay."
Nang nasa may sasakyan na kami, ako nalang mismo ang nagbukas ng pinto. Alam ko naman kasi na hindi niya ako pagbubuksan.
Nakarating kami sa office nang hindi nagkikibuan o nag-uusap manlang. BORING talaga siyang kasama!
Paglabas namin sa kotse sinalubong kagad kami ni Estella, may kasama siyang tatlong staffs. Nasalabas sila huh feeling ko hinihintay talaga nila kami, anong meron?
"Good morning miss Ayi goodmorning sir."
Bati nung tatlong staffs. Tapos parang makahulugan ang ngiti nila sakin oh. Sa tingin ko tinutukso na naman nila ako kay Axi.
"Good morning."
Pagbati ni Axi pero naka poker face lang siya.
Ngumiti naman ako. "Gandang umaga rin."
"Kompleto na tayo so lets go na."
Sabi ni Estella kaya nagtaka ako. May lakad kami?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Eh kasi miss mamimigay tayo ngayon ng flyers sa plaza."
At kumindat pa pero hindi sakin, kay AXI. Eh parang may ibang motibo pala to sa pagtulong kay Axi eh!
"Huh? Kasama kami?" Nagtatakang tanong ni Axi.
"Yes sir. Yan po kasi ang sabi ni Mr. D sakin. So tara na?"

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...