Apartment
AXI'S POV
Kakatapos lang naming kumain. Mukhang busog na busog nga si Ayi sa niluto kong lomi.
Tumawag na rin ako kay Madame na hindi muna kami makakapasok ngayon kasi sabi ko masama ang pakiramdam ni Ayi at kailangan ko siyang alagaan. Gusto ko munang samahan siya ngayon kasi alam kong may takot pa siya sa nangyari kahapon.
Habang nagto-toothbrush si Ayi, napansin kong ang gulo pala ng unit niya. Parang hindi babae ang nakatira, eh. Hay nako.
"Ayi, pagkatapos mo diyan magpahinga ka na lang, ako na ang bahalang maghugas, saka maglilinis na rin ako. Mukhang Manila zoo ang unit mo eh."
"Shobra kash naman! Bushy lang akosh, snoh!"
Sabi niya na may toothpaste pa sa bibig. Abnoy talaga.Maya-maya pa, dumiretso na si Ayi sa kwarto niya para magpahinga. Ako naman nag-umpisa ng maglinis.
Hugas dito, hugas doon...
Walis dito, walis doon...Hanggang sa may nakita akong nilamukos na papel sa ilalim ng mesa.
"Baka sa demonstration ni Ayi to?"
Kinuha ko at binuksan.
"A-ano to?"
I asked myself with pure shock."AYI'S HATE LIST?!"
Binasa ko lahat ng nasa listahan.
---
AYI'S HATE LIST
Di dapat ako ma-in-love sa isang lalaki na...
1. Seryoso
Masyadong boring kasi eh, dapat yung may humor para enjoy ka with him, diba?2. Ungentleman
Yeah, dapat yung gentleman at rerespetohin ka.3. Snobbish
Oo, kasi diba nakakaturn off yung hindi namamansin! Bawas pogi points dapat 'yon!4. Weird
Yes, I really hate weirdos kasi parang ang hirap nilang intindihin!5. Magulo
Dapat consistent at madaling pakisamahan.6. Masyadong matalino
Oo, kasi panget naman yung may kasama kang walking encyclopedia, diba?7. Formal
Gusto ko kasi simple lang, hindi yun tipong kakain lang kayo sa labas, eh parang a-attend na siya ng meeting sa suit niya.8. Manhid
Dapat minsan kailangang isipin muna niya ang mararamdaman ko bago gumawa ng isang bagay!9. Pa-ASA
Dapat huwag niya akong paasahin sa bagay na alam niyang gusto ko.10. Ikakahiya ako
Dapat tanggap niya kung sino at ano ako.Sa madaling salita, di dapat ako ma-in-love sa tulad ni PAPA.
---
So ganito pala talaga ang galit niya kay Mr. D para gawin to?! Hindi niya muna kinilala ang papa niya para magdesisyon ng ganito. Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan ni Mr. D para maprotektahan lang siya. Kung nakikita lang niya ang mga malungkot na mata ng papa niya.
Nabigla ako nung lumabas ng kwarto si Ayi.
Agad na nagtama ang paningin naming dalawa.
"Di ako makatulog eh."
Pero nakatitig parin ako sa kanya na para bang maluluha na.
"Oy, may problema ba?"
"Kilala mo ba talaga ang papa mo?"
Malungkot na tanong ko."Huh? Why all of a sudden-"
Napatigil siya ng makita ang papel sa kamay ko.
Agad namang nanlaki ang mga mata niya.
---
AYI'S POV
Nang makita ko ang hate list na hawak-hawak ni Axi, parang sasabog ang puso ko. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na nakalimutan ko na ang tungkol sa hate list na 'yan. Simula nung nagkaayos kami, hindi ko na naalala na may hate list pala ako. Nabura na yung galit sa puso ko nang dahil sa kanya, tapos ngayon pa niya nakita, kung saan okay na kami?
Napahakbang ako papalapit sa kaniya. "Axi, let me explain."
Napakuyom siya sa hawak na papel. "Explain? No need. Naiintindihan ko naman lahat ng nakasulat dito eh. Na hindi ka ma-in-love sa kagaya ng papa mo. Obvious naman na galit ka sa mga tulad namin. Diba?"
Parang biglang bumalik ang tood na Axi, yung suplado at laging iretable.
"Hindi na ako galit sayo ngayon. Diba okay na nga tayo?"
Pero parang ayaw naman niyang makinig sakin.
Napailing siya. "That's not the point. The true issue here is all about your father. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ni Mr. D! Bakit ni minsan ba tinanong mo kung okay lang siya? Kung kamusta ang trabaho niya? Kung kumakain ba siya sa office? Kung stress ba siya? Kung maayos ba siya? Kung umiinom ba siya ng gamot? Kung nagkakasakit ba siya? Kung nakakatulog ba siya? Kung masaya ba siya? Kung ano ang kinakaharap niyang problema? Ni minsan ba nilapitan mo siya? Ni minsan ba nag-alala ka sa kanya? Ni minsan ba naging anak ka sa kanya? Diba hindi ka makasagot? Dahil ang totoo, nakikita mo lang ang nasa labas, ni hindi mo inaalam kung ano ang totoong nasa loob."
May kung anong bagay ang pumana sa dibdib ko.Kaya bigla nalang tumulo ang mga luha.
It hits me so hard. Kahit isang beses, hindi ko tinanong kay papa ang mga bagay na 'yan. Sa galit ko sa kanya, hindi ko man lang binigyan ng chance na kilalanin siya. Sana dati inalam ko kung ano ang mga pinagdaanan niya para mas makilala ko pa siya. Wala akong kwentang anak.
"Diba ganyan din ang tingin mo sakin dati? Kaso binigyan mo naman ako ng chance para maging close sayo kaya nakita mo kung ano talaga ako. Sana ganon ka rin sa papa mo. Please, just try to think outside the box."
Iniabot niya lang ang nilamukos na papel sa akin tsaka lumabas at hindi manlang siya lumingon.Naiwan niya akong umiiyak at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Kung kailan pa na kailangan kita Axi, saka ka naman ulit lalayo sakin? Bakit parang temporary lang ang lahat? Bakit?!
"TAMA NA YANG KAKAIYAK MO. PUMASOK KA SA LOOB NG KWARTO AT MAGPAHINGA!"
Sigaw niya galing sa labas kaya mas lumakas pa ang pag-iyak ko. Kahit na galit siya, concern pa rin siya sakin.

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...