抖阴社区

Special Chapter: Tag Team for Liling

40 1 0
                                    

BRIX'S POV

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung sinamahan ko si Liling at si Raychan puntahan si Ate Ayi.

Pero tangina, hindi ko pa rin makalimutan yung sampal ni Ate sakin. Muntik nang humiwalay kaluluwa ko sa sobrang lakas! Pero syempre, hindi ko pinahalata-ayokong matanggal angas ko, no!

Nung natapos na yung pag-uusap nila sa loob...

Oo, tagakinig at taga-oo lang ako dun. Eh ano naman sasabihin ko, diba? Hindi ko nga alam kung ba't pa ako sumama. Siguro kailangan lang ng guardian angel ni Liling.

Pero syempre, gusto rin naman niya akong ipakilala bilang hero niya kina Ate Ayi at Kuys Axi. Masaya naman ako kasi kahit nasampal ako, naramdaman kong grateful si Ate. O kahit si Kuys Axi man lang.

Waw, grateful?!

At 'yon, nang natapos na, nagpaalam na kami ni Ray na uuwi na kasi gabi na rin.

Ayaw pa sana siyang pauwiin nung kaibigan ni Ate...

Ano nga ulit pangalan nun? Stell? Ah basta, yun na yun. Parang may bagong chikababes na naman si Ray ah! Pero alam kong nagpapakatino na 'to.

Nagpaiwan naman si Liling sa Ate niya. Akala pa nga niya nung una, ipagtatabuyan siya nito. Buti naman at hindi! Mukha naman silang mabubuting tao. Sa dami ng nakasalamuha ko sa daan, kabisado ko na kung sinong hangal at hindi.

Nagpasalamat din siya sakin sa pagligtas ko sa kaniya at pagkupkop saglit sa hideout. Ang sagot ko naman, "Natural na sakin ang matulungin."

Dahil halos araw-araw na siyang nagpapasalamat sakin, dinaan ko na lang sa biro ang sagot ko.

Paglabas namin ng apartment at akmang sasakay na sa kotse, nagulat kami kasi sinundan pala kami ni Kuya Axi.

Naghanda na nga akong umawat eh, kasi ilang segundo rin silang walang imikan ni Ray- baka magbugbugan na naman.

Medyo nag-guilty ako sa tuwing kaharap ko si Kuya. Kasi diba, binugbog nga namin siya ng B.O.B? At pinangunahan ko pa nun.

Pero si Ray kasi eh, hindi klinaro ang plano.

Ayun nga, ilang minuto lang, binasag na ni Kuys Axi ang malagkit na titigan nila ni Ray.

Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong nagkainlaban na sila eh.

"Alam kong gusto mo ring mahanap si Ivan para makaganti sa ginawa niya."

Biglang kumalma ang aura ni Ray. Akala niya siguro makikipag-away ulit si Kuya Axi-yun pala tungkol 'to sa kumag.

Napataas siya ng kilay. "Oo! Lintik lang ang walang ganti."

Napabuntong-hininga si Kuya Axi. "Kahit labag sa kalooban ko, kailangan nating magtulungan."

Natawa naman si Ray. "So what's the plan?"

Tapos napatingin si Kuya Axi sakin, tapos sumunod si Ray.

P-puta? Nanahimik lang ako dito sa gilid ah, bakit parang kasali ako?!

At diyan nag-umpisang mabuo ang Operation: Patayin sa Sindak ang Punyetang si Ivan!

"Oh, anong tingin 'yan? Nagpapaka-anghel na nga ako dito!"

Alam niyo kasi, pinangako ko na sa sarili kong hindi na ako makikipagbasag-ulo-pwera na lang kung kailangan. Ilang taon din akong batang kalye matapos akong iwanan ng mga magulang dahil wala nang pangtustos...

Namulat ako sa masasamang gawain sa lansangan simula pagkabata para mabuhay, kaya nakulong din di kalaunan.

Nagpakabait sa selda, kaya nakalaya rin.

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon