─── AFTER TWO DAYS ───
Cavite
AYI'S POV
Yeah it's monday na. Ang bilis diba? Andito na ako ngayon sa Cavite, sa apartment ko. Lumipat ako rito kahapon. At syempre sinamahan ako ni mama, kaso umuwi naman siya kagad kasi baka gabihin pa siya ng uwi.
Oh well naglalakad ako ngayon papunta sa office, walking distance lang kasi eh.
First day of my duty! Am I excited!? Absolutely not!
Fall for Us Marketing
Parang ayaw ko talagang tumingin sa office namin kasi naaawa talaga ako eh! Pag tinignan mo kasi sa labas parang lumang gusali lang!
Di na naretouch kung sa mga make up pa, haist. Well ganito talaga dito eh. Ewan ko ba kung ba't di nila pinapaayos to.
"Hi po goodmorning."
Bati ko sa kanila habang papasok ng office at nagsipagtayuan naman ang mga empleyado.
"Goodmorning din, ma'am."
Ma'am? Sumenyas lang ako na hindi, "Ay OJT lang po ako rito."
"Ano ka ba hija." Biglang dumating si tito Henry at lumapit sakin. "You are the daughter of Mr. D kaya dapat lang na ma'am ang itawag nila sayo."
"Nako wag na po! Ayi nalang po!"
Nagmakaawa na ako sa kaniya kasi hindi naman ako ganon ka talino at competent na ma'am talaga ang itatawag sakin. Wala pa nga akong alam!
"Miss na lang para cute."
Sabi ng isang babaeng staff kaya napa-thumbs up ako at nagsabing "Approve yan!" kaya natawa naman sila.
May biglang pumasok kaya napalingon kami sa kaniya. Oh si Laxier pala. Dramatic entrance talaga eh no? Pero buti na lang hindi pa siya late.
Tumingin lang siya sakin pero hindi ako pinansin. Ang snobbish niya ha! Mag t-thank you panaman ako kaso babawiin ko na lang! Eh sa kinikilos niya parang di naman siya yon tipong tutulungan ako! Siguro ginogoodtime lang ako ni Steph nun!
At pagpasok niya pa lang parang natulala na ang mga babae rito. Paano ba naman, sobrang bagay sa kanya yung uniform namin; naka pants na black, polo na dark green tapos may kwelyo pa! Ang gwapo eh, hay nako.
"Everyone, I want you to meet my only one son, Laxier "AXI" Equivel."
"Ahh, ikaw pala si Axi...
Teka AAANOOO!?! Axi ikaw yan?!"
Hindi ko na nakontrol ang sarili kong hindi sumigaw sa harap kasi naman, SI AXI PALA TONG LAXIER?!
"Oh akala ko nagkausap na kayo eh diba magkaklase nga kayo!?"
Tanong ni tito na para bang nagtataka. Tapos itong si Laxier naman nakagrin lang sakin. Aba ang yabang ah! Di manlang nagpakilala!
Kaya pala ang weird ng message niya sakin sa FB, tapos pinagtanggol pa niya ako sa Triple Ef! Kaya pala familiar sakin ang mata niya! Kaya pala dito siya mag-OJT kasi nandito ang daddy niya!
Pero bakit di ko nga ba siya nakilala? Kasi ang laki na ng pinagbago niya physically! Maitim yan dati tapos payat, pero ngayon, super hearthrob na. Grabe di ako makapaniwala! At ang akala ko talaga Axi ang real name niya, yan palagi ang gamit niya eh malay ko bang Laxier pala. Di naman kasi kami close no!
Pero teka, Laxier Equivel nga diba? EQUIVEL!? Pero ba't di ko naisip yon? Eh abay malay ko ba kay raming Equivel sa mundo!
"Oy miss okay kalang ba?"

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...