抖阴社区

Chapter 29: Unlocked Door

36 1 0
                                    

─── AFTER ONE WEEK ───

FFUM

AYI'S POV

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Axi. Nahihiya naman akong mag approach sa kanya kasi baka snobin lang ako. Bumalik na kasi siya sa pagiging tood eh.

Magkasama naman kami pag pumupunta ng office pero di kami masyadong nagkikibuan. Kinakausap naman niya ako kaso simple conversation lang, just like...

"Kain ka na."

"Hintayin kita sa labas."

"Sabay tayong umuwi."

"Text mo lang ako."

"Dito lang ako sa sala, matulog ka na."

"Ubusin mo yan."

Nagpapasalamat pa rin nga ako eh kasi kahit masama ang loob niya sakin binabantayan, pinagluluto, hinahatid at inaalagaan pa rin niya ako. Minsan tinry kong magpaliwanag pero sabi niya saka nalang daw. Bigyan ko lang muna siya ng time ngayon.

Si Raychan naman ay hindi na nagparamdam sakin, hindi ko na rin siya nakikita sa office. Baka nga iniiwasan na niya ako kasi narinig ko rin nung isang araw na nakita siya ni ate Janna na pumunta kay tito Henry. Isa pa 24/7 ding nakabantay si Axi sakin kaya baka natakot din siya. Mabuti na ngalang at nandito si Axi sa tabi ko.

Alam niyo hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Raychan sakin yon. Ang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay isang gentleman, mabait at matinong lalaki. I can't deny that he was my ideal man, muntik ko na nga siyang sagutin eh. Haist buti nalang hindi ako nagmadali kasi pagsisisihan ko sana ngayon na naging boyfriend ko siya. Sayang si Raychan sa totoo lang.

"Ha? Ngayon na? Oh sige papunta na ko."
Sambit ni ate Martha sa kausap niya sa phone at pawang natataranta. Nandito kasi ako sa desk niya kasi may binigay lang akong file na galing kay Madame. Alam niyo medyo busy ngayon dito sa office. Ganang-gana nga akong tumulong eh at tuwang-tuwa naman si Madame kasi ako talaga ang nag pipresenta na tulungan siya.

"Oh anong problema ate?"
Tanong ko sa kanya.

"May naghahanap kasi sakin na client, nagmamadali siya kasi may lakad. Eh ibibigay ko pa tong mga files kay Estella eh. Ano ba yan!"
Tinuro niya ang mga folders sa mesa. Oo nga, kanina ko pa siya nakikitang ina-arrange ang mga files diyan sa folder.

Sasabihin ko pa sanang ako na ang magbibigay kay kaso bigla na namang may tumawag sa kanya.

"Miss mauna na muna ako eh medyo atat kasi itong client!" At dali-daling lumabas.

"INGAT PO!"
Sigaw ko sa kaniya at nagwave lang sa habang nagmamadali.

Haist kawawa naman si ate Martha. Haggard na haggard eh.

Ako na ngalang magbibigay kay Estella nito. Nasa taas lang naman office niya eh.

Nang nakarating ako sa itaas agad akong pumasok sa office room niya kasi hindi naman nakasara ang pinto.

Oh wala naman pala siya rito eh. Saan kaya nagpunta yon?

Nilagay ko nalang ang mga folders sa mesa niya kasi wala naman siya.

"Boss magkano benta natin dito?"
Bigla akong napahinto nang may narinig na nagsalita.

"Hindi ko pa alam. Subukan muna natin."
Parang nanggagaling sila sa likod ng double door.

"Sige. Tingnan natin kung mas masarap kaysa sa una."
Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan itong binubuksan.

"Tiba-tiba ka na naman nito boss ha."

"Ako pa."

Nanlaki ang mga mata ko at parang pinagpawisan ako bigla sa nakita ko.

Si tito Henry may kung anong hinahalo sa baso niya habang nakangisi na parang demonyo. Tapos may mga kasama siya, puro lalaki. Siguro mga pito, basta marami sila.

Naalala ko yung mukha ni Raychan nung sinugod niya ako sa Apartment, parehong-pareho kay tito ngayon!

Tapos... tapos...

May mga nakatambak na medicine tablet sa ibabaw ng mesa. As in napakarami at iba't-ibang kulay pa.
Ano kaya ang mga yan?! Hindi kaya...

Drugs?! O_o

Biglang tumayo ang mga balahibo ko nung makita si tito na tumirik ang mga mata pagkatapos inumin yung nasa baso.

Nang dumilat siya... kulay pula na ang mga mata niya!!!

Hindi pwede to dapat makaalis na ako rito.

"Oh ano boss kamusta sa pakiramdam?"
Tanong ng isang lalaki sa kanya.

"The best! We gonna release this month"
Sabi ni tito at humalakhak silang lahat.

Agad kong sinara ang pinto...

boogsh

Shit!!! Sa sobrang kaba ko nasara ko ng malakas! Paano na?!

"SINO YAN?!"
Sigaw ni tito galing sa loob. Yung boses niya parang lumamon sa buong kwarto, nakakatakot. Anong gagawin ko?!

"Tignan mo bilis!"

"Opo boss!"

Nabigla ako nung may tumakip ng bibig ko.

"IT'S ME DAD. HINAHANAP KO LANG SI ESTELLA. ALIS NA KO."

SI AXI?!

At agad niya akong hinila palabas ng kwarto.

Dumiretso kagad kami sa sasakyan niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

"Okay ka lang ba?"
Tanong niya sakin habang nakahanda ng paandarin ang kotse.

Napalingon naman ako sa kanya.

"Alam mo ang tungkol dun? Ano yon ha?! Sabihin mo sakin!"
Bigla nalang din akong napaiyak sa kaba at taranta sa nasaksihan ko. Ano ba tong nangyayari sakin? Bakit ako nahihirapan ng ganito? Nung una kay, Raychan, tapos ito na naman?! Ano pa ang kasunod ng lahat ng to?!

Napahawak siya sa ulo. "Sasabihin ko ang lahat pagnakauwi na tayo. Dun tayo mag-usap."

"Ano bang mga nangyayari?! Hindi ko na alam!"
Bigla niya lang hinawakan ang kamay ko.

Napatingin naman ako sa kanya. Isang hawak lang niya sa kamay ko parang tumatapang ako bigla.

AXI'S POV

Medyo matagal-tagal ding hindi pa nakakabalik si Ayi sa office room namin kaya naisipan kong sundan siya.

Paglabas ko hindi ko siya nakita kaya nagtanong-tanong ako sa ibang mga staffs. Sabi ng isa dun nakita raw niyang pumunta si Ayi sa itaas dala-dala ang mga folders.

Nang dahil diyan kinutuban na ako kaya dali-dali akong pumunta dun.

Pagpasok ko nakita ko si Ayi sa harap ng double door. Nanginginig ang mga kamay at takot na takot.

"SINO YAN?!"
Sigaw ni dad.

"Tignan mo bilis!"

"Opo boss!"

Agad kong tinakpan ang bibig niya sabay sabing...

"IT'S ME DAD. HINAHANAP KO LANG SI ESTELLA. ALIS NA KO."

Dinala ko siya sa kotse para pakalmahin.

Nang makita kong gulong-gulo na siya ay hinawakan ko ang kamay niya. Dahil kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa kanya.

Alam kong mahirap para sa kanya na malaman ang totoo sa likod ng FFUM. Kahit ako eh nagdadalawang isip kung makakaya niyang i-handle lahat. Pero sabi ni Mr. D, kaya ni Ayi, dahil malaki ang tiwala niya sa anak. He knows Ayi more than everyone else because according to him.

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon