School Canteen
AYI'S POV
"HOY, BEEEESSSS!!!"
Sigaw ni Stephanie, kaya nagulat ako. Talagang sa tenga ko pa ha?
"Ano ka ba, bes? Sisigaw talaga?!" Sagot ko, habang kinukusot ang tenga.
"Eh kasi, kanina ka pa tulaley diyan! Ni hindi ka man lang nakikinig sa kwento ko!" Reklamo niya.
Napakurap ako. "Uhm... ano nga ulit 'yon?"
"Hay, nako! Ang sabi ko po, may gwapong transferee tayo bukas! Galing daw America, eh. Nako, inspired na naman tayo everyday!" Sabay subo ng pancit.
Haist, ayan na naman tayo. Ayoko na talagang ituloy ang ganitong ugali, mga teh! Simula nung nabasa ko 'yon sa horoscope ko, pinigilan ko nang magkagusto agad sa mga lalaki! SA MGA GWAPO! Ayoko na! Mahirap na, baka di ko pa mahanap ang true love ko niyan, kaya stop na ako, noh!
"Anong 'tayo'? IKAW na lang, bes, kasi pass na 'ko diyan!"
Sa sobrang gulat niya sa sagot ko muntikan nang mabilaukan sa kinakain.
"Teka-teka, tama ba ang dinig ko? Na pass ka na sa mga boys? Nako, bes, may lagnat ka ata!" Sabay hawak sa noo ko.
Hinawi ko ang kamay niya. "Tigilan mo nga ako! I am serious, bes! Ayoko na, okay?"
Napailing siya. "Ha? Anong nainom mong gayuma at ba't bigla kang nag-iiba ng landas ngayon?"
"Hindi gayuma, bes! Kundi dahil sa horoscope ko!"
"Ahh, nagayuma ka ng HOROSCOPE." -_-
Asar niyang sagot na parang wala nang gana makinig sa kwento ko.
"Totoo, bes, dahil talaga dun!"
"Oh, sige. Anong sabi ng horoscope mo?"
"Ang nakalagay dun, mag-ingat daw ako kasi madali akong ma-in love!"
"O, pagkatapos?"
"Kasi nga, baka mapunta pa ako sa maling tao at masaktan!"
"So ibig mong sabihin, pass ka na sa mga boys kasi natatakot kang masaktan?"
"Korek!"
"Eh, loka ka pala, eh! Ikaw nga 'tong nananakit sa mga lalaki!"
"Hoy, hindi ah! At saka di naman 'yan ang point dito, eh!"
"Eh, ano?"
"Heto, ha, makinig kang mabuti. Bes, alam mo naman na basta makakita ako ng gwapo, eh type ko na agad, 'di ba?"
"TRUE!"
"Tapos, naalala mo 'yung muntikan na akong mag-'I LOVE YOU' sa lalaking kachat ko tas minor pa lang pala siya?"
"Oo naman!"
"So, 'yan na nga ang sinasabi ko, bes! Dahil sa lintik na pusong 'to, muntik na akong makagawa ng imoral na kasalanan! Basta gwapo, eh, walang pinapatos! Kaya narealize ko na dapat magbago na ako! Kailangan ko nang maging mature! Kung magmamahal man ako, dapat 'yung FOREVER o HAPPY EVER AFTER! Hindi 'yung 'A WEEK AFTER,' mawawala na lang bigla, tapos isang araw, iba na naman ang gusto ko! Ayoko na ng ganun, bes!"
Sunod-sunod kong sabi na may pa kumpas-kumpas pa ng kampay na parang tumutula.
"Huwaw, bes! Ang haba ng script mo, ha! Palibhasa, nagpapaniwala ka sa horo-horoscope na 'yan!"
"Bes, 'di naman ako maniniwala kung hindi naman nag-tugma sa akin 'yung nakalagay dun!"
"Hmnf, bahala ka nga. Basta ako?! Go for boys pa rin!"
Palibhasa, ang dami niyang suitors and crushes kaya ganyan makapagsalita.
"Bes, graduating na tayo, at next week, OJT na natin. Kaya dapat lang mag-focus na tayo sa career!"
Napatulala siya. Matagal bago siya nakapag-react sa sinabi ko.
"CAREER? Di ako makapaniwala! Try ko ngang magbasa ng horoscope minsan... baka sakaling umiba rin ang pananaw ko sa buhay!"
Natawa ako. Loko talaga 'to. "Ewan ko sayo, kumain na ngalang tayo!"
"Buti pa nga."
Matapos ang bangayan este usapan at pagkain namin ay bumalik na kami sa classroom. May special announcement daw ang prof namin.
Ay, 'di pa pala ako nagpapakilala sa inyo, noh?
Ako si Ify "Ayi" Micandaria, 19 years old. 4th year college na ako ngayon, at kalahating semester na lang, graduate na ako! Business Administration ang course ko.
Kinuha ko 'tong course na 'to kasi gusto kong matutunan kung paano magpatakbo ng isang kumpanya- baka sakaling ako ang magmana ng real estate company namin. BAKA SAKALI LANG NAMAN!
Ang pangalan ng company namin ay Fall for Us Realty (FFUR). Nagbebenta kami ng house and lots. Malaki kasi ang minanang lupa ni Papa mula sa parents niya, kaya 'yun ang naisip niyang negosyo. Well, naging successful naman.
Kung tatanungin niyo ako kung ano ang mga qualities ko, ito lang ang isasagot ko sa inyo: NASA AKIN NA ANG LAHAT- PWERA ANG TALINO.
Sinabi ko dati sa sarili ko na sana naging matalino rin ako katulad ni Papa para maging proud siya sa akin. Pero pinanganak talaga akong opposite niya, eh.
Ang kapatid kong babae na 2nd-year college ngayon ang nakakuha ng lahat ng qualities ni Papa. Siya ang matalino, masipag, at palaging Top 1 sa klase. Samantalang ako? Puro hobbies ang inaatupag at tamad mag-aral! Kaya nga palagi akong napapagalitan ni Papa. Haist.
Pero ngayon, desidido na akong bumawi sa pag-aaral- lalo na ngayong graduating na ako!
Kaya nga kailangan ko nang pigilan ang puso ko sa pagkakagusto sa mga boylet na hot at gwapo. DISTRACTION LANG 'YAN!
Pero FYI, hindi naman ako malandi, flirt, o mahilig makipagharutan. I'm just trying to entertain them lalo na kung type ko naman haha. Kapag umaakyat na ng ligaw, tsaka ko sinasabi na hindi pa ako ready na pumasok sa isang relasyon.
Hanggang crush lang talaga, kasi bawal pa akong magka-boyfriend hangga't 'di pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Kaya heto, NBSB pa rin! Tsaka, takot ko lang kay papa no!
Ngayon, kung magkakagusto man ako sa isang lalaki, dapat 'yung magiging boyfriend ko na talaga. Graduating na rin naman ako, eh.
---
Classroom
"Students, I am just reminding you that next week will be the start of your OJT. So it is your choice which company you would like to be assigned to."
Instruct ni ma'am.
Bigla naman akong napangiti.
Wow, ibig sabihin, kami ang pipili kung saan kami mag-o-OJT? Nice naman!
"You have until tomorrow to decide."
Woah, grabe naman! Bukas agad?!
Hmn, 'di bale... mamaya pag-uwi ko, sasabihin ko kay Papa na sa company namin ako mag-OJT.
I'm sure naman, aware na siya dito. Excited na talaga ako! Sa wakas, mae-experience ko na rin ang ginagawa niya!
"Oh, bes, saan mo balak mag-OJT, ha?" Tanong ni Stephanie.
"Saan pa? Edi sa company namin!"
Masaya ko namang tugon sa kaniya.
"Ay, oo nga, bes! Nakalimutan ko! Hahaha!"
Tsaka siya tumawa at hinampas ako nang pagkalakas-lakas!

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...