Driving
BRIX'S POV
Mga tang inang 'yon. Ako ba naman ang inutusang mang-groceries?! Nakakabanas. Pero sige lang, makakabawi rin ako.
"Nyeta!"
Napasigaw ako at bigla na lang pumreno.Paano ba naman, nakita ko ang isang magandang dilag na bigla na lang bumulagta sa daan.
At muntik ko na siyang masagasaan!
Ang ibang nakakita sa kanya ay nagkumpulan na rin para tignan kung okay lang siya at baka matulungan pa.
PERO NAKATUNGANGA LANG ANG IBANG MGA HINAYUPAK!
Bumaba ako ng kotse.
"Tabi! Tabi!"
Sabi ko sa mga echusero.Nang nakalapit na ako sa babae, nakita kong duguan ang bistida niya. Kinabahan tuloy ako, baka tinangkang patayin 'to pero nakatakas lang.
"Ano, patay na ba?!"
Tanong ko sa babaeng chine-check siya na mukhang nursing student."Nako, nahimatay lang po siya sa sobrang pagod! Ang importante ngayon, maisalba natin ang bata sa sinapupunan niya. Kailangan siyang madala sa hospital bago pa mahuli ang lahat!"
Ibig sabihin, buntis siya?! At kaya may dugo dahil nakunan?!"Ako nang bahala sa kanya."
Agad ko siyang ibinuhat papunta sa kotse.
---
Hospital
Mga isang oras na rin akong nakaupo rito sa labas ng Emergency Room nang lumitaw na rin sa wakas ang doktor nung chicks.
"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?"
Tanong niya kaya huminga ako ng malalim."Ah, o-opo, doc."
Ayaw ko sanang sabihin 'yan, eh kaso wala na akong choice. Tinanong kasi ng nurse kanina kung anong pangalan niya, eh hindi ko naman siya kilala kaya binigyan ko sila ng pekeng pangalan at sinabi ko ring asawa ko siya.Kung sasabihin ko kasing hindi ko siya kilala at napulot ko lang sa kalsada, baka matagalan pa bago nila gamutin. Mas mabuti nang sigurado at baka kung ano pang mangyari sa kanya. Konsensya ko pa pag nagkataon. Kahit ganito ako ka-barumbado, marunong din naman akong maawa, lalo na sa mga magagandang babae.
"Your wife is okay now, but she needs to rest para makabawi ang katawan niya. Pero makakalabas na rin siya bukas."
"Hay, mabuti naman kung ganoon. Pero yung anak po namin?"
Napayuko siya. "It's sad to say, it's too late for us to save your baby. I'm sorry."
Natigilan na lang ako kaya umalis na rin ang doctor.
Ewan ko ba, pero parang maiiyak ako.
Puta, ako si Brix! Ang siga at poging gangster iiyak?! Nagpapatawa ba ako?!
Pero parang nakakalungkot talaga. Nakakaawa yung babae. Sigurado akong ang sakit ng pinagdadaanan niya.
Di rin nagtagal, lumabas na rin ang babae na nakahiga pa rin sa stretcher. Wala pa rin siyang malay.
Ililipat na siya dun sa private room na kinuha ko. Tsk, mukhang mapapagastos ako nang di sa oras. Wala naman kasing dalang bag o wallet man lang ang babaeng 'to, at kahit anong pagkakakilanlan. Di bale, pag nagising 'to, tatanungin ko na lang siya.
---
LILING'S POV
Ramdam ko ang lamig na bumabalot sa kung saan man ako ngayon.
Para akong nakahiga sa malambot na kama saka...
Te-teka, nasaan ako?!
Ginalaw ko ang mga daliri at unti-unting idinilat ang mga mata.
Nasa loob ako ng isang silid.
Parang hospital dahil may dextrose sa kanan ko.
Pero ano?!
HOSPITAL?!
Nasa hospital ako?!
Pero bakit?!
Pilit kong inaalala ang nangyari...
Napaupo ako bigla sa kama at hinawakan ang tiyan ko.
"Oh, gising ka na pala."
May biglang nagsalita sa tabi ko kaya napatili ako."AAAHHCK! S-sino ka?!"
Ngumiti siya ng nakakaloloko. Mukhang ka edad ko lang din siya kaya medyo napakalma ako.
"Ako lang naman ang tumulong sa'yo at nagdala rito sa hospital. Brix nga pala, ikaw, ano nga bang pangalan mo?"
Siya ang tumulong sa'kin? Napangiti naman ako nung narinig 'yan. Kung hindi siguro dahil sa kanya, baka napano na kami ng baby ko."Ahh, ganoon ba. Maraming salamat, Brix, huh. Naabala pa kita. Lizeth nga pala, pero Liling ang nakasanayan kong itawag sa'kin."
"Walang anuman, Liling. Teka, bago ang lahat, kumain ka na muna."
Nilagay niya ang isang food box ng Mang Inasal sa mesa.
Gumastos pa talaga siya!
"Nako, bumili ka pa talaga niyan? May pagkain naman dito ah."
Mukhang malaki-laki na rin kasi ang babayaran ko sa kanya pag nagkataon."Pangit ang lasa ng pagkain dito. At saka huwag ka na munang mag-isip, kumain ka na lang muna."
Marahan niyang nilapag ang tray sa higaan ko.
Sobrang bait niya naman niya.
Hindi mo aakalaing sa likod ng makikisig na pangangatawan, may nakatagong malambot na damdamin. Nakakahanga naman.
Kahit ngayon ko lang siya nakilala pero ang gaan na agad ng loob ko.
Hindi ko alam na may ganito pa palang lalaki sa mundo. Di tulad nung nagpabuntis sa'kin na basta-basta na lang pala akong iiwanan sa ere. Sana hindi na lang ako naglayas, sana hindi na lang ako sumama sa kanya.
"Salamat talaga, huh. Sige, at kailangan din ng baby ko ang lakas."
At nag-umpisa na akong isubo ang pagkain.
Agad siyang tumayo. "Ahhh... Ubusin mo 'yan ah. Lalabas lang muna ako saglit."
"T-teka, kumain ka na ba?!"
Baka naman kasi hindi pa 'to kumakain, bigla na lang kasi siyang naging matamlay.
Umiwas siya ng tingin. "Oo, kumain na ko. Dapat pagbalik ko, ubos na 'yan ah."
Tuluyan na siyang ngang lumabas ng kwarto. Hindi ko alam, pero parang bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko.

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...