抖阴社区

Chapter 42: Beyond

31 1 0
                                        

─── AFTER 8 YEARS ───

FFUR

AYI'S POV

"Good morning, Ma'am Ayi."

"Good morning, ma'am."

Sunod-sunod na bati ng mga ka-team ko habang nagmamadali akong pumasok sa office namin. Binati ko naman sila pabalik ng isang tipid na ngiti bago tuluyang dumiretso sa sarili kong opisina.

Pagkaupo ko sa swivel chair, agad kong binuksan ang laptop ko.

Hindi pala biro maging head ng isang team. Noong mas bata pa ako, akala ko trabaho lang nito ay umutos sa mga members. Napakalaking pagkakamali pala. Haha.

I'm already 27, currently working as the Head of the Designs Team sa real estate company ng dad ko.

Pagkatapos naming grumaduate-kahit wala kaming flying colors-Steph and I received a permanent job offer from FFUR. Nagsimula kami bilang simpleng clerks, at ngayon, team leaders na kami sa kanya-kanyang departments. She's in Human Resources, while I handle Designs-which makes sense, given my love for arts.

Mas madali na ngayon dahil digital na lahat. Ako mismo ang gumagawa at nagpo-polish ng designs for flyers, posters, and ads. Pero kahit ganito, namimiss ko pa rin ang manual sketching and painting. Kaya tuwing gusto kong makatakas sa tambak na trabaho, bumabalik ako sa pen and paper-my one and only stress reliever.

Beep.

Naputol ang pagta-type ko nang biglang tumunog ang phone ko. Nang makita ko kung sino ang nag-text, napakunot-noo ako.

baby, sorry for forgetting our date yesterday. sobrang busy sa firm eh. babawi ako ngayon, sunduin kita mamaya.

Sus, pareho naman kaming busy, 'di lang siya.

Walang emosyon ang mukha ko habang agad akong nag-type ng reply:

Let's end this, Thony. Wala namang improvements 'yung dating natin. I don't want to waste my time. Bye.

Matapos kong i-send ang message, binlock ko na siya.

Two months kaming nagde-date, pero wala namang nangyayari. Ilang beses na niyang nakakalimutan ang mga usapan namin. Hindi ko pinipilit ang sarili ko sa isang bagay na hindi nagwo-work- I know my worth. Dagdag lang siya sa problema ko.

Sa ilang taong pagiging single, ngayon lang ulit ako nag-dare makipag-date. Pinagbigyan ko lang si Steph dahil nag-aalala na raw siya sa akin at baka raw tumandang dalaga ako. Haist.

Palibhasa kasi, ang ganda ng relationship nila ngayon ni Ray. Nanatili siya sa kulungan ng limang taon, at hinintay siya talaga ni Steph hanggang sa makalaya. Grabe raw ang pagpapakabait ni Ray sa loob para ma-grant ang parole niya. Hindi naman kasi ganoon kabigat ang kaso niya, at isa pa, siya mismo ang sumuko sa mga pulis.

Ngayon, may sarili na siyang construction business, kasama ang buong tropa niya sa BOB. Halos palipat-lipat sila ng lugar dahil dumami na ang kanilang clients.

Paano ako updated sa kanila all these years? Syempre, dahil kay Steph at lalong-lalo na kay Liling, na engaged na ngayon kay Brix.

Sana all na lang talaga. Pero siguro nga, hindi talaga ako para sa relationships. Malas ata ako sa pag-ibig, 'di ba?

Umiling lang ako ng mahina habang pilit ituon ang focus sa aking ginagawa.

Kasi kahit ilang taon na ang nakalipas alam kong siya parin. At kahit minsan hindi siya mawala sa aking isipan. Hindi ko ngalang ito maamin sa mga tao sa paligid ko kasi kahit siguro kahit anong explain ko hindi ko kayang ipaliwanag na paanong hindi pa rin nawawala ang feelings ko sa kaniya na sa loob ng 8 years never kaming nakapag-usap ulit. Kahit sa social media wala.

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon