抖阴社区

Chapter 39: Offer

23 1 0
                                    

Ayi's House

AYI'S POV

Nakauwi ako dito sa bahay lampas alas dos na ng hapon kasi dumaan pa ako sa restaurant para bumili ng makakain. I surprised my family kasi and I never told them that I'll be home today. Akala nila sa Cavite pa ako dahil nga kailangan ako ni Axi.

Sabi nga nila ako yung may birthday pero sila ang na surprise. Kahit ang sama ng loob ko ngayong araw na to pero isang yakap at simpleng pagbati lang galing sa pamilya ko ay unti-unting napapawi lahat. Masaya din akong makakasama ko sila in the remaining days of our holiday vacation.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na umakyat dito sa kwarto ko kasi pakiramdam ko kulang talaga ako sa pahinga at agad ko lang naramdaman ang pagod nung nakauwi na. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa mismong bahay ka.

Habang sinusubukan kong makatulog, hindi ko mapigilang hindi makita si Axi sa isipan ko.

Hindi ito madali ang napili kong desisyon na lumayo na sa kaniya pero hangga't hindi niya nar-realize na wala siyang kasalanan, tingin ko hindi rin niya kayang tumanggap ng tao sa buhay niya. At wala akong lugar doon.

Naramdaman kong umagos ang aking luha galing sa mga mata kong nakapikit kasabay ng pagkirot ng aking dibdib.

---

─── ONE WEEK LATER ───

Ayi's House

AYI'S POV

"Ako na dito ma. Patapos na naman po ako." Sabi ko kay mama habang hinugugasan ang mga plato na pinagkainan namin. Tutulong pa sana siya sa akin hay si mama talaga. Si Liling naliligo na kasi aalis sila ni mama tapos si papa naman busy pa rin sa trabaho. Busy halos lahat ata sa bahay ngayon at ako lang itong wala gaanong ginagawa kaya nagvolunteer na akong tagalinis habang nandito ako. Iba talaga nagagawa kapag heartbroken, ay.

Napansin kong mga ilang segundo din akong tinitigan ni mama bago siya nagsalita, "Nak gusto mo bang sumama samin mamaya ni Liling sa palengke? Mamimili kami para sa New Year."

Noong Christmas kasi hindi kami masyadong naghanda nun kasi mourning pa kami lahat sa pagkawala nga ni Tito Henry. Pero syempre nag celebrate pa rin kami sa birthday ni Jesus. At dahil New Year ngayon sabi ni mama eh dapat maghanda kami ng mga pampaswerte para maitaboy kung ano man ang malas.

Pero wala talaga akong energy na umalis ng bahay ngayon. Okay naman ako kahit one week na akong hindi nakakalabas. Mas nakakapag-isip kasi ako ng maayos kapag nandito ako.

"Okay lang ma dito lang ako. Sa susunod na lang siguro." Sagot ko kaya umokay lang si mama.

Kahit hindi nila ako tanungin ng harapan o kahit hindi ko sabihin sa kanila, alam kong ramdam nila na may pinagdadaanan ako ngayon. Ayaw lang siguro nila akong tanungin kasi baka mas lalong sumama ang loob ko kapag maalala ko na naman lahat.

"Hala nako nakalimutan ko pa lang dalhin tong kape sa taas kay papa mo." Sabi ni mama ay akmang kukunin ang isang tasa ng kape sa lamesa pero agad ko siyang pinigilan.

"Ako na po magdadala niyan kay papa ma. Tapos na naman ho ako."
Pinahiran ko ang aking basang kamay ng malinis na towel tsaka ko kinuha ang isang tasang kape.

"Salamat nak. Pagkatapos ni Liling aalis na rin kami."

"Sige po ma. Mag-iingat kayo ha." Nagbeso ako sa kaniya at umakyat na nga ng hagdan papunta sa office ni papa. Nakasalubong ko pa si Liling na nagmamadaling bumababa kasi baka ma delay na sila mamili.

Nang nasa tapat na ako ng office, kumatok muna ako bago pumasok. Wow, changed person na talaga ako ha kasi marunong nang kumatok.

"Hay salamat my coffee is here." Bungad ni papa matapos akong makitang pumasok. May ginagawa lang siya sa laptop habang may binabasang hard files.

Nilagay ko ang kape sa table niyang puno ng files at folders, "Ito na po pa."

"Salamat, Ayi." Kinuha niya naman ito at dahan-dahang humigop ng kape.

"Welcome, pa. Pag kailangan mo ako tawag ka lang ha." Palabas na sana ako ng biglang may tinanong si papa at siyang naging dahilan para mapahinto ako.

"Are you willing now to transfer here in Manila? I think it's time."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya habang nag-iisip kung ano ba ang dapat kung gawin.

Kung dito ko na ipagpapatuloy ang internship sa Manila sa main branch mismo ng company ni papa, paano naman si Axi doon sa Cavite? Makakaya niya bang mag-isa doon lalo na't nalalapit na rin yung pagtatapos ng OJT namin?

Pero nandoon naman sina ate Martha at Kuya Arnold for sure hindi naman siya pababayaan.

Buhat nung araw na yun wala kasi talagang paramdam si Axi. Kahit Facebook niya hindi niya nabubuksan. Hay nako ang gulo-gulo!

Pangarap ko to noon na mag training mismo sa FFUR pero ngayong binibigyan niya ulit ako ng other opportunity, parang hirap na hirap na akong tanggapin!

Napakalabo naman talaga ng mundo!

"Uhm... pa... pwede po bang pag-isipan ko muna?"

Oo pa parang awa mo na kasi sasabog na ata utak ko kakaisip ng tamang desisyon.

"Of course! I'll give you enough time to think. For now, just stay strong, Ayi."

Napangiti naman ako pabalik sa kaniya. Oo pa magpapakatatag ako, at dahil din yun sa inyo.

Nang nakalabas ako ng office niya, hindi ko mapigilang maiyak. Parang dati-rati lang lagi akong sinisigawan at pinapagalitan ni papa at akala ko hindi niya talaga ako mahal nung una na wala siyang tiwala sakin. Kung hindi dahil kay Axi hindi ako matatauhan na ginagawa lang pala iyon ni papa para maging matapang ako.

Teka...

Dahil pala talaga kay Axi kung bakit kami nagkaayos.

Ni hindi ko manlang siya nagawang pasalamatan ng maayos.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero...

Paano kaya kung ano...

puntahan ko siya sa Cavite ngayon?

PARA MAKAPAGTHANK YOU LANG TALAGA AKO TAPOS AALIS DIN KAAGAD.

Sasabihin ko lang, "Axi, thank you dahil nagkaayos na kami ni papa." Sabay takbo agad kung kinakailangan.

Kasi kung ich-chat o it-text ko siya... baka next year pa niya mabasa!

Alam niyo naman 'yun, haist.

Isa pa, ito na siguro yung tutulong sakin magdesisyon kung tatanggapin ko yung offer ni papa.

At para makamusta ko na rin siya kasi baka hindi na gumagalaw yun. Huwag naman sana!

Pero tama naman tong naiisip ko, diba?

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon