Ayi's House
AYI'S POV
"HELLO, MY DEAREST MOTHER! YOUR PANGANAY IS HERE NA!!!"
Sigaw ko habang papasok ng bahay. Ay, di ko pa pala naikukuwento sa inyo-may mama pala ako! Nakalimutan daw ba? Siya si Trinidad Micandria, pero kilala siya bilang Trina. Isa siyang mabait at mapagmahal na ina, isang dakilang housewife.
Palagi niyang kasama dito sa bahay si Yaya Rita every weekdays, dahil may pasok kaming dalawa ni Liling, at may trabaho naman ang aking sadistang ama. Hahaha, sadista talaga?
"Oh, mukhang masaya ang Ayi ko, ha! Anong balita?" Tanong niya. Alam niya talaga kapag good mood ako. Bihira lang kasi akong maging masaya- well, kasi kapag nandito ako sa bahay, feeling ko ang hina-hina ko.
"Mamaya na, Ma. Ikukuwento ko po sa inyo kung bakit. Teka, Ma, andyan na po ba si Papa?"
"Aba, gusto ko 'yan! Ay, wala pa nak. Baka mamaya pa 'yon."
"Ahh, okay, Ma. Aakyat na lang po muna ako, ha?" Sabay halik sa pisnge niya, pagkatapos ay umakyat na ako sa taas papunta sa kwarto ko.
---
TIME CHECK: 5:45 PM
Ang aga kong umuuwi, 'no? Wala naman kasi akong pinupuntahan after ng klase. Hindi tulad ng kapatid ko na palaging may group studies or research kaya gabi na kung umuwi.
Matapos kong magbihis, binuksan ko agad ang laptop ko para ipagpatuloy ang ginawa ko kagabi-ang paglilista ng mga ayaw ko sa isang lalaki.
Yes, gumawa ako nito para nang sa gayon hindi ako madaling magkagusto. Dapat may qualifications na ako! Tulad nga ng sinabi ko kanina, dapat maging mature na ako- pass na sa mga crush at kilig-kilig na 'yan. Hindi na ako teen! Dapat ang hinahanap ko ngayon ay true love! Wow hahaha!
Heto, share ko sa inyo ang laman ng mahiwagang Hate List ko. Supposed to be, dapat sampu 'to, kaso 'di ko pa tapos.
---
AYI'S HATE LIST
Hindi ako dapat ma-in love sa isang lalaki na...
1. Seryoso
Masyadong boring kasi. Dapat yung may humor para enjoy ka with him, 'di ba?
2. Ungentleman
Dapat gentleman at marunong rumespeto!
3. Snobbish
Nakaka-turn off 'yung hindi namamansin! Bawas pogi points dapat 'yon!
4. Weird
Yes, I really hate weirdos! Ang hirap nilang intindihin!
5. Magulo
Dapat consistent at madaling pakisamahan.
6. Masyadong matalino
Pangit naman 'yung may kasama kang walking encyclopedia, 'di ba?
7. Formal
Gusto ko kasi simple lang. Hindi 'yung tipong kakain lang kayo sa labas, eh parang a-attend na siya ng meeting sa suot niya!
Oh, ayan pa lang ang nasa list ko. Kulang pa ng tatlo. Hmmm... ano pa kaya? Pero in fairness, nag-e-enjoy ako sa Hate List na 'to.
tok tok tok!
May biglang kumatok sa pinto ng kwarto kaya agad kong sinara ang laptop. Mahirap na, baka makita pa nila 'to!
"PASOK PO!"
Agad namang dumungaw si Mama sa may pinto, "Nak, andyan na papa mo."
"WAAHH, TALAGA?! Thanks, Ma!"

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...