Apartment
AXI'S POV
"Anong movie ang papanoodin natin?"
Tanong ni Steph habang nagba-browse sa kanyang laptop. Ako naman ay nakaupo lang, tahimik, at tinitignan ang dalawa. Makikita mo talaga sa kanila na namiss nila ang isa't-isa, kaya't pinili ko na lang na wag manggulo at hayaan silang mag-enjoy."Ako may alam na bago,"
Sabi ni Ayi, na parang excited na may naisip. Ang cute niya talagang tignan kapag natural lang."Ano? At search ko dito. Dali!"
Dali-daling napahawak si Steph sa laptop, mukhang sabik na sa suggestion ni Ayi. Napangiti naman ako habang nakatingin lang dito sa kanila.Who would've thought that the three of us would be sharing the same roof and about to watch a movie?
"Ang title ay... Ang Panday!"
Sabi ni Ayi, kaya napangiwi si Steph.Nagpipigil na ako ng tawa. Puro kalokohan talaga ang nangyayari ngayon, pero buti na lang, kahit papaano, nakapag-unwind kami ni Ayi. Kailangan din namin ito dahil sa mga susunod na araw, tutok na kami sa mga plano.
"Wow, bagong-bago ha!"
Natatawa lang si Ayi sa reaksyon ng isa. Sige, magrambulan lang kayo diyan at hindi tayo makakapag-umpisang manood nito.tok tok tok
Napahinto kami nang may kumatok sa pinto.
Nagtinginan kami ni Ayi, parehong nag-iisip kung sino kaya ang nasa labas.
"Ako nang magbubukas. Stay put lang kayo rito,"
Sabi ko, kaya tumango naman ang dalawa.---
Third Person
Nang binuksan ni Axi ang pinto, bumulaga sa kanya ang isang taong ayaw niyang makita.
"Raychan?! Ano na naman ang ginagawa mo rito, hayop ka?!"
Sigaw ni Axi, na nanginginig ang mga kamay sa galit. Napatayo ang dalawang dalaga sa loob, labis na nagulat si Ayi sa narinig-nandiyan na naman ang lalaki na minsang nagtangka ng masama sa kanya."I'm here because of Ayi,"
Sabi ni Ray, na parang wala lang sa kanya, ngunit may kabuntot na alon ng kaba sa boses niya.Hinawakan ni Axi ang kwelyo ng damit niya, "DIBA SABI KO SAYO, WAG NA WAG KA NG MAGPAPAKITA ULIT?! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?! BAKA GUSTO MONG MAKATIKIM ULIT, HA?!"
Namumutok na ugat ang saad ni Axi, ang galit ay parang umaabot sa kanyang mga mata."Axi, hindi ako nagpunta rito para mang-gulo!"
Paliwanag ni Ray, ngunit parang wala itong balak na pakinggan siya."Tama na, kuya. Nandito lang siya para samahan ako."
Biglang nagpakita si Liling, at sa gulat ni Axi, agad niyang binitiwan si Ray."LILING?! HAAA?!"
Sa reaksyon ni Axi, para siyang nakakita ng multo. Ang babae na kasama ni Ray ay walang iba kundi si Liling-ang kapatid ni Ayi.Pagkarinig ni Ayi, dali-dali siyang lumabas. Nang makita si Liling, agad niya itong niyakap nang mahigpit.
"Liling?! Nagbalik ka! Sorry, hindi kita na-protektahan."
Mangiyak-ngiyak na sambit ni Ayi, at bigla naman bumulwak ang luha ni Liling. Hindi siya makapaniwalang kayakap niya ang kanyang ate."Wala kang kasalanan, ate. Ako yung gumawa ng mali. Sorry sa lahat. Marami akong ipapaliwanang sa'yo."
Sabi ni Liling, at agad namang kumalas si Ayi sa pagkakayakap. Bigla niyang naalala ang tungkol kay Raychan, saka napansin ang isa pang lalaki na nakatayo sa gilid."Teka, bakit kayo magkasama ngayon? Paano kayo nagkakilala? At sino siya?!"
Nagtatakang tanong ni Ayi sabay turo kay Brix."Ate, siya yung-"
Naputol ang pagsagot ni Liling nang sumabat si Ayi."SIYA ANG NAGPABUNTIS SAYO?!"
Bigla siyang lumapit kay Brix at sinampal ito, na ikinagulat ng lahat. Agad na napanganga si Brix sa ginawa sa kanya.
"NAPAKAWALANG HIYA MO! MATAPOS MONG SIRAIN ANG FUTURE NG KAPATID KO, MAY GANA KA PANG MAGPAKITA?!"
Sigaw ni Ayi na mamumugto ang mga mata, habang si Brix naman ay napapikit at napangiwi lang sa lakas ng sigaw ni Ayi sa harap niya. Agad namang lumapit sa kaniya ang kapatid."Ate, hindi siya 'yon! Kaibigan ko siya. Siya yung tumulong sa'kin. Si Brix."
Paliwanag ni Liling, habang inaalog ang kamay ng kanyang ate.Humarap si Ayi kay Brix at bakas sa mukha nito ang pagkagulat, "HUH?! NAKO! SORRY! SORRY! HINDI KO SINASADYA. AKALA KO KASI IKAW YUNG GAGO NA YON! SORRY!" Pagmamakaawa nito.
Habang nagkakagulo, si Steph ay nakatulala, nakatitig kay Raychan. Sa isip niya, "Ito na yata ang pinakagwapo na lalaking nakita ko sa buong buhay ko."
"Iba pala kayo mag-welcome dito. Nananampal."
Pabirong saad ni Brix, habang hinihimas ang pisngeng nasampal ni Ayi."Okay ka lang ba?"
Tanong ni Liling kay Brix.Ngumiti ito. "Oo naman. Para sampal lang?"
Pagmamayabang ni Brix, kaya natawa si Liling."Uhm... Ang mas mabuti pa, sa loob na lang tayo mag-usap, okay? Pasok kayo."
Anyaya ni Ayi sa kanila, pero agad umapela si Axi."Maliban sa'yo, Raychan. Wala akong tiwala sa'yo, kaya dito ka lang sa labas."
Supladong saad nito, habang si Raychan ay parang hindi makapagsalita sa gilid, nahihiya kay Ayi at naguguluhan kung mapapatawad pa siya.Pumagitna si Steph, "Uy, Axi, hindi naman tama 'yan, noh. Sabay silang pumunta rito kaya dapat lang na pantay ang trato mo sa kanila."
Napakunot ng noo si Axi. "Ano?! Hindi mo kilala ang lalaking 'yan!"
Sabat ni Axi, pero agad itong itinigil ni Steph."Kaya nga papasukin natin para makilala, diba?"
Sabay hila kay Raychan papasok. "Ako nang bahala sa kanya, Axi, pwede? Lika na, my handsome boy."Sumunod na si Raychan, na parang hindi alam ang nangyayari. Pumasok na rin si Liling at si Brix, habang si Ayi ay nagpaiwan sa labas para kausapin si Axi.
"Kailangan din nating marinig ang paliwanag ni Ray, kaya hayaan mo na. Saka wala naman siguro siyang gagawing masama, kasi tingin ko hindi siya under sa gamot na 'yon."
Sabi ni Ayi, kaya tumango lang si Axi bilang tugon at sumunod na rin sila sa loob para mag-usap.Pinaliwag ni Liling ang lahat ng nangyari, mula nang tumakas siya sa bahay ng ex-boyfriend niyang si Ivan, kung paano sila nagkakilala ni Brix, ang pagkalaglag ng baby niya, ang pagkikita nila ni Raychan, at kung bakit magkakilala sila ni Ray.
Nung una, hindi alam ni Liling na nandito pala sa Cavite ang ate niya. Kung hindi pa dahil kay Raychan, hindi niya malalaman ito. Kahit na medyo nahihiya pa si Raychan magpakita kay Ayi, ginawa pa rin niya para kay Liling. Kaya nagdesisyon siya na iuwi na si Liling kay Ayi, upang magkasama sila, at kahit papaano ay makabawi sa kasalanan niya.
Gusto sanang tawagan ni Ayi ang parents nila para sabihing magkasama na sila ng kapatid, pero sabi ni Liling, siya na lang ang lalapit sa mama at papa nila.
Hindi rin lubos maisip ni Ayi na nagkakilala na pala si Liling at Raychan dati. "Kuya" pa nga ang tawag ni Liling kay Raychan, kasi mabait daw ito, na parang isang nakakatandang kapatid. Napansin ni Ayi na simula nang magtrabaho si Raychan kay tito Henry, nagbago siya.
Kahit hindi magkasundo si Axi at Raychan, iisa lang ang naisip nila ngayon: bigyan ng leksyon ang lalaking nang-gago kay Liling. Lalaki rin sila, kaya alam nila kung gaano ka-walang kwenta ang mga lalaking kagaya ni Ivan. Gusto nilang iparamdam kay Ivan ang sakit na naranasan ni Liling.

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...