抖阴社区

Chapter 7: Special Task

124 1 0
                                    

─── KINABUKASAN ───

FFUM

AYI'S POV

Maaga akong pumasok, bakit? Para di ko makasabay si Axi! Baka magbangayan na naman kami eh!

At ang tahimik kong mundo sa apartment, nagulo na naman dahil nalaman kong pader lang nakapagitan samin!

Maya-maya, dumating na si Axi. Ang gwapo niya-ah, hindi, pwe pwe! Gwapo, ilampaso kamo!

Anong ginagawa ko ngayon? Heto, nakaupo lang tapos pinagmamasdan si madame na gumagawa ng house plan. Ang galing niya, huh? Di ko akalaing interior designer pala siya.

"Gusto mong matuto nito?"

Tanong niya sa akin.

"Ah, hindi po kasi di naman ako marunong mag-drawing hehe."

"Eh, ano ba ang gusto mong gawin!?"

Napaisip ako. Ang gusto ko lang naman, maging proud sakin si papa.

"Ang mag-enjoy!"

Natawa lang si madame.

"Dame, tapos na?"

Tanong nung kakapasok lang na staff.

"Kahapon pa no! Inaayos ko lang. Oh."

Iniabor niya yung ginawa sa lalaki.

"Salamat. Ay, sabi ni boss makipagkita ka raw sa..."

Napatigil siya nung nakita ako. Bakit kaya?

"Uhm, sa client."

Dagdag niya. Client na naman? Araw-araw yata may client kami ah, hehehe. Ang galing.

Tumayo si madame. "Oh sige. Mauna na muna ako, miss, sir."

Ako, nag-nod lang tapos si Axi-di siya pinansin! Ha, snobbish talaga!

At ayon, lumabas na nga si madame, tapos pagtingin ko kay Axi, tumayo siya tapos lumabas din. At heto, naiwan akong mag-isa.

---

AXI'S POV

"Oh sige. Mauna na muna ako, miss, sir."

Sabi ni Madame tapos lumabas na kasabay ng pag-vibrate ng cellphone ko kaya tinignan ko, at may tumatawag si tito D. OH ANO SI TITO!!? O_O

Agad akong lumabas para sagutin ang tawag niya.

on the phone

"Yes, tito, ano po 'yon?"

Mr. D: Ano tong kumakalat na video sa social network!?

"Video? Ano pong video?!"

Mr. D: Ang scandalous video ni Ayi na sumasayaw kasama ang isang lalaki na sinuntok mo pagkatapos! Axi, alam niyo ba ang ginagawa niyo diyan?!

"A-ano?! May video po kami nun?!:

Pautal kong sinabi. Tsk, may nag-video nun tapos in-upload!? Haish, first day namin palpak at hindi ito maganda!

Mr. D: Yes, at kalat na kalat na 'yon ngayon at ito may copy pa ako sa USB ko at kapag nakikita ko 'to parang umiinit ang dugo ko!

Mukhang galit nga si tito samin, tsk. Si Ayi kasi eh, nadamay pa ako sa kabubuhan niya!

"Nako, tito, I'm really sorry, I just wanted to protect your daughter kaya nanuntok ako. Si Ayi kasi ayaw makinig."

Mr. D: You don't need to explain. Si Ayi dapat ang magpaliwanag dito, so let me talk to her!

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon