Apartment
AYI'S POV
Nandito na kami ngayon sa unit ko. Tahimik kaming nakaupo sa sofa habang hinihintay kong magsalita si Axi. Abala siya sa laptop niya, mukhang may hinahanda siyang ipapaliwanag sa akin.
Pero hanggang ngayon, shock pa rin ako sa mga nakita ko kanina. Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Paano nangyari ito sa kumpanya?!
"Are you ready to find out the truth?"
Malamig ang tono ni Axi nang magsalita. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Oo naman. Kailangan kong malaman!"
Kailangan kong maging matapang. Dapat labanan ko ang takot ko.
Napansin kong mahigpit niyang pinisil ang kamao, pilit na pinapanatili ang mahinahon niyang tono. Alam kong hindi ito madali para sa kanya, pero sa bawat galaw niya, pilit niyang pinipigilan ang sarili para maging matatag.
I'm sorry, Axi, that you're struggling like this.
"Okay, I'll explain everything I know. This is the right time. Alam kong marami kang gustong itanong, at sasagutin ko lahat ng 'yon. So makinig ka nang mabuti."
Tumango lang ako. I need to know everything-I deserve to know the truth. At kapag malinaw na ang lahat, tutulong ako na maayos to para sa ikakatahimik naming lahat.
"Nag-aral ako sa America dahil 'yon ang gusto ni Dad. Nagtaka ako kung bakit doon pa, eh pwede namang dito? Pero sabi niya gusto niyang lumawak pa ang kaalaman ko. At dahil gusto ko rin naman, pumayag ako."
So may connection pala ang pag-aaral niya abroad sa mga nangyayari?
"Third year ako noon nang bigla akong tinawagan ni Dad. Gusto niya akong pauwiin at ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito para dito na rin ako mag-graduate. Nagtaka ako, kasi anong silbi ng pag-aaral ko abroad kung hindi rin naman pala ako magtatapos doon? Pero marami siyang rason, at hindi ako naniwala. I knew there was something deeper. Hanggang sa inamin niya ang totoo."
"He told me to take over his business. Ako raw ang magiging CEO right after I graduate. Kaya niya ako pinapauwi-para makapaghanda nang mas maaga. Pero syempre, nagulat ako. Wala naman akong alam na may negosyo pala siya. Tinanong ko kung ano 'yon, pero sabi niya, malalaman ko lang pag-uwi ko. Dahil doon, nagdesisyon akong bumalik. Pero habang nasa America pa ako, nag-research na ako tungkol sa kanya. Nag-hire pa ako ng private investigator. At doon ko nalaman kung ano talaga ang business niya."
Kinabahan ako. "A-anong negosyo 'yon?"
Saglit siyang napatigil bago sumagot. "It's an anti-depressant business."
Yun ba 'yung mga gamot na nakita ko kanina?
"So what about that? Anong klaseng gamot 'yan?"
Ipinakita niya sa akin ang isang picture sa laptop niya. Kapareho ng itsura ng mga gamot na nakita ko kanina-pero mas maliit lang itong nasa larawan.
"There are many anti-depressants in the market, but this one is different. Isang tablet lang nito ang maihalo mo sa kahit anong malamig na inumin, mawawala na lahat ng problema mo sa isip. Depression is a huge issue worldwide, kaya naisip nina Dad na gawing negosyo 'to. Maraming nagpapakamatay dahil sa depression, pero kapag uminom ka nito, magiging sobrang saya mo. To the point na gugustuhin mong mabuhay eternally. Wala ka nang pakialam kung ano ang mali-para sa 'yo, lahat ng ginagawa mo ay tama, basta masaya ka."
Napalunok ako. Naiintindihan ko kung paano gumagana ang gamot na ito... pero mas marami pa akong gustong malaman.
"But of course, like any other medicine, it has side effects. Kapag nasobrahan ka ng gamit nito, magdudulot ito ng hallucinations. At ang pinaka-obvious na sign? Namumula ang mga mata mo."
BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...
