FFUM
AYI'S POV
"Jusko, ano ba naman to!"
Sabi ko sa sarili habang dala-dala ang napakaraming files. Inutusan kasi ako ni Madame na itapon ko na raw ang mga ito. Hindi na naman kasi kailangan at nagpapasikip lang sa office namin."Uy, Ayi, saan ka pupunta at anong gagawin mo sa mga 'yan?"
Tanong ni Axi na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Muntikan pang mahulog ang mga dala ko sa gulat sa kanya."Ano ba, nakakagulat ka naman, eh! Wala, itatapon ko lang 'to sa likod. Mga basura naman kasi to, sabi ni Madame."
"ANO SA LIKOD???!!!!!!"
Napaatras ang katawan ko sa malakas na sigaw niya, daig pa naka microphone!At natigilan pa sa ginagawa ang ibang mga empleyado na nakarinig.
Agad naman siyang nahimasmasan sa nangyari. "Uhm, eh, sorry kasi, ano, medyo napagod ako sa byahe kanina. Sumama pakiramdam ko."
Umiwas naman siya ng tingin sa akin. Umalis kasi siya kanina may dineliver na documents sa FFUR. Dalawa sana kami, kaso ayoko baka kasi pagalitan na naman ako ni papa.
"Mukha nga. Oh sige, tapon ko na 'to, huh."
Bigla niyang hinarangan ang daan. "Ako na! Ako nang magtatapon para sa'yo."
Tumingin ako ng diretso. "Nako, wag na, alam ko namang pagod ka pa. Medyo malayo din yung byahe."
Kay liit na bagay pero parang ayaw ni Axi na gawin ko to?
"No, don't worry, kaya ko pa naman, noh, kaya ako na, okay?" Sabay kuha ng mga dalang bitbit ko.
Hinayaan ko na lang siya. Kinuha niya na eh!
"Sige ikaw na bahala ah, mapilit ka eh." Habang inaayos ang damit kong na gusot na sa mga dala-dala kanina.
"Diba, ang gentleman ko? In love ka na noh?"
Natigilan naman ako kasi WHAT?!
AXI OUT OF NOWHERE GANIYAN MGA BANAT MO?!
Napatawa ako ng pilit. "HA HA HA wow, feeling! Itapon mo na nga 'yan kung ayaw mong ikaw ang itapon ko." Sabay turo sa pintuan.
"Psh, pakipot ka pa. Oo na, itatapon na."
At ayon, umalis na nga ang feelingero. Pero jusko parang bigla akong nasabuyan ng malamig na tubig sa mga linyang ganiyan ni Axi! Ano kayang nasa isip nun?! Baka siya yung nag-iisip niyan ah at dinadaan lang sa pang-aasar sakin? Hahaha!
Pero posible ba?!
Napangiti naman ako habang nakatingin sa likod niya habang papalabas.
Kung ipagpapatuloy mo 'yan, baka lalo na nga akong mahulog sa'yo, Axi.
"Nako nako nako... sabi na nga ba eh. Magkakasundo rin kayo."
Sabi ni Ate Martha kaya natauhan ako. Ito na naman, siguradong tutuksuhin na naman nila kami. Lumapit din sa amin si Kuya Arnold at Ate Janna."Ano, nagtapat na ba sa'yo si Sir?"
"Di hamak naman na mas gwapo si Sir Axi kaysa sa lalaking mukhang adik na 'yon."
Salitan nina Kuya Arnold at Ate Janna. Napailing lang ako habang tinitignan sila."Uy, wag kang maingay, baka may makarinig sa'yo! Pag nalaman ni Sir Raychan na ginaganyan mo siya, sisante ka!"
Saway ni Ate Martha kay Ate Janna.Eh, totoo naman sinasabi niya eh, mukhang adik naman talaga si Raychan. Haist, ewan ko ba, pero nababadtrip talaga ako pag naririnig ko pangalan niya ngayon. Sana nga, wag na siyang magpakita sa'kin. Matapos ng nakita kong kabastusan ng ugali niya, nawalan na ako ng interes sa kanya. Text nang text nga sa'kin, pero hindi ko nirereplyan. Kahit mga tawag niya, hindi ko rin sinasagot.

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...