抖阴社区

Chapter 22: Turn Off

68 2 0
                                    

AXI'S POV

"Oy, hindi lang ano lang... uhmmmm. Kasi ano ehh, ang pangit mo kasing kumanta, kakaantok! Halika na nga!"

Sabi sa'kin ni Ayi sabay walkout. Hahaha, halatang guilty. Pero sana naman eh maramdaman niya na ang bawat letrang kinanta ko ay para talaga sa kanya. Sana mapansin niya 'yon kahit konti lang.

Kriiiiiiing kriiiiiiing!

Lalabas na sana ako para sundan si Ayi, kaso biglang tumunog ang cellphone ko.

Nang tinignan ko... oh? Hindi naman dito nanggagaling ang ring ah?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ang cellphone ni Ayi na naiwan sa couch. Ahh, ang babaeng 'yon talaga oh!

Kinuha ko ang phone at tinignan kung sino ang tumatawag.

Incoming call...
Raychan

Wala na akong masabi kundi... bad trip!

Ano? Sasagutin ko ba? Syempre oo! Para malaman ng lalaking 'to kung sino ang kalaban niya!

---

on the phone

Ray: Hello, Ayi? Uhm, galing ako sa office. Hinanap kita pero wala ka raw eh. Saan ka ba ngayon? Gusto mo, puntahan kita?

Nakakairita ang kumag na 'to! Pwe! Ganyan siya manligaw? Ganyan ang diskarte niya? So wack!

"Wag kang mag-alala, she's with me."

Ray: A-Axi!? Magkasama pa rin kayo?!

Nagulat siya, huh? Hahaha. Pero in fairness, kilala niya agad ang boses ko.

"Yeah. So please, don't disturb us. Clear?!

Ray: Fuck you-

end of call

Hahahaha! Alam kong nanggigigil na siya ngayon sa inggit! Bagay lang 'yan sa kanya.

---

Lumabas na ako sa videoke room para puntahan si Ayi, pero... ang kaso? WALA NA SIYA!

Aba, hindi man lang ako hinintay?! Ang hilig talaga mag-walkout nun, tsk! Nakakainis, oh! Pero ano pang magagawa ko?!

Lakad lang ako nang lakad habang patingin-tingin sa paligid. Saan ba nagpunta ang stupid na 'yon? Ano bang pumasok sa kukote niya at iniwan ako basta-basta? Nandito pa naman sa'kin ang phone niya, tsk!

Napalingon ako sa Customer Service area.

Biglang pumasok sa isip kong lumapit sa CS.

---

Ngumiti ang clerk."Hello sir, good afternoon! Ano pong maipaglilingkod ko?"

"Nawala kasi yung girlfriend ko dito sa mall. Pwede bang makigamit ng PA system? Kailangan ko na siyang makita agad! Nag-aalala na ako!!!"

Baka napano na ang mahal ko, huhuhu!

"Ah-ah... mga ilang oras na po ba siyang nawawala, sir? Bago lang po ba kayo sa lugar na 'to? Wala po ba siyang cellphone para i-text niyo na lang? Tanga ba ang girlfriend niyo?"

Aba, pinapainit nito ang dugo ko, huh!!!

"Bakit, may time limit ba ang pagkawala ng isang tao? Ano 'to, police station? Kailangan pang umabot ng 24 hours bago i-declare na missing? Kailangan bang bago lang kami sa lugar na 'to para maligaw? Eh ang laki kaya ng mall na 'to! Kahit limang dekada ka nang nandito, maliligaw ka pa rin kung magkasalisihan kayo!

At hindi ba pwedeng naiwan niya sa'kin ang cellphone niya, kaya hindi ko siya makontak!?

At higit sa lahat, sa tingin mo magkakaroon ako ng tangang girlfriend? Sa pagmumukha kong 'to? Huh? Pinagtitripan mo ba ako, Miss? Hindi siya tanga! Bobo lang siya!!!"

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon