抖阴社区

Chapter 10: Two-Face

77 1 0
                                    

─── KINABUKASAN ───

FFUM

AYI'S POV

Kakarating lang namin dito sa office. Si Raychan dumaan sa likod, at ako naman, pumasok na sa main entrance.

Kagagaling lang namin sa videokehan. Matapos naming mag-lunch, kumanta muna kami bago bumalik dito. Akala ko nga sa Ice Kingdom ulit kami pupunta. Pero okay lang, at least nakapag-bonding ulit kami, at sobrang nag-enjoy ako. Ang kulit niya kasi, eh.

Ang saya niyang kasama, at halos sa lahat ng bagay, nagkakasundo kami. Nasa kanya na nga halos lahat ng tipo ko sa isang lalaki. Siguro siya na ang itinakda para sa'kin?!

Puwede naman, 'di ba? Ang wholesome kaya niya, at ang bait pa! Saan ka pa? May taga-libre pa ako ng lunch-hindi katulad ng Axi na 'yon na ako pa ang nanlibre!

Eh, teka, bakit ko ba palaging kinokompara si Axi kay Ray? Ang layo naman nila sa isa't isa!

Pagpasok ko sa room namin, mas lalo akong natuwa kasi wala si Axi! Haha!

TIME CHECK: 2:30 PM

Binuksan ko ang computer. Ano kayang magandang gawin? Wala namang internet access 'to, pang-office purposes lang talaga.

Haist, sana sa apartment na lang ulit ako nagpahatid kanina. Wala naman akong gagawin dito, eh.

yawn

Haist, I feel sleepy. So bored.

---

AXI'S POV

Kakatapos ko lang mag-encode ng request letter na pinagawa ni Dad para kay Mr. Deleo. Next week kasi, mamimigay ang ibang staff ng flyers sa plaza, kaya kailangang ipa-approve muna.

tok tok tok

Biglang may kumatok, kaya napatingin ako sa pinto.

Pumasok si Tubig! Tsk, ano na naman kaya'ng kailangan nito sa'kin?!

"Sir, I'm sorry to disturb you, but your father is looking for you," May halong arte niyang sabi.

Agad akong napatayo. Lumabas ako ng kwarto at umakyat sa office ni Dad. Nakasunod naman ang babaeng 'to sa likod ko. Akala ko nga kukulitin na naman niya ako na uminom ng tubig, gaya kahapon.

"Hey, son. There you are," sabi ni Dad sabay sindi ng yosi.

"Bakit niyo po ako pinatawag?"

"Kasi may gusto akong ipakilala sa'yo. Alam kong magkakasundo kayo."

May kutob akong si Raychan ang ipapakilala niya sa'kin! Mabuti nga 'yon- para magkaharap kami. Para makilala niya kung sino ang binabangga niya!

"Nasaan?!"

"Nandito na 'yon."

diiing dooong

Biglang tumunog ang doorbell, kaya bumaba si Dad. May shortcut kasi mula sa kwarto niya papunta sa ground floor- isang hagdanan na diretso sa backdoor. Doon madalas dumaan ang mga kaibigan niya.

Habang paakyat sila, naririnig ko silang nagkakamustahan. Tapos may narinig pa akong tungkol sa total cost- siguro tungkol na naman 'yon sa walang kwentang business nila!

Pag-akyat nila, agad akong nakita ng bwisit. Tsk, pag naaalala ko 'yung ginawa niyang pagpapacute kay Ayi, talagang hmn, sarap sapakin!

Napakunot ang noo niya at parang nag-iisip habang nakatingin sa'kin.

Hinawakan ako ni Dad sa balikat, "Ay, by the way, this is my son, Axi. Siya 'yung palagi kong kinukwento sa'yo,"

Nanlaki ang mata ni Raychan.

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon