抖阴社区

Chapter 19: New Him

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahinto ako.

Teka tama ba ang narinig ko!? Hinintay niya ako?

"Oh sasabay ka ba o hindi?"

Napalingon ako sa kanya at...

NAKANGITI SIYA SAKIN?! Teka anong nakain nito?

Napabuntong hininga ako. "Sige na nga kulit mo eh."

Mukhang napilitan lang ako diba? Pero may konting part sakin na gusto ko rin siyang makasabay papunta sa office.

Nang nakalapit na ako sa kanya bigla niyang binuksan ang pinto ng kotse. Sa may passenger seat.

"Sakay na."

Huh?! Pinagbuksan niya ako ng pinto?! WOW MAY HIMALA!

Napatingin naman ako sa kaniya na parang naninibago at dahan-dahang sumakay sa may passenger seat.

Habang nagdadrive siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Parang iba ata ang aura niya ngayon.

"Nagagwapuhan ka ba sakin?"

Nakangising tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. "Oo ahh este Axi ikaw ba talaga yan?"

Kasi parang ibang tao ang kasama ko ngayon.

"Ay hindi picture ko lang to."

Natawa naman ako.

Ngayon ko lang kasi nakita si Axi nang ganito. Yung tipong hindi siya tood.

"Haha, marunong kanaman palang magbiro eh."

"Basta para sayo."

Ha ano raw?!

Para akong na freeze sa kinauupuan ko. Hindi ma process ng utak ko ang sinabi niya!

Kasama pa ba to sa utos ni papa sa kanya?! Hindi siya magbabago kung walang dahilan diba?

Nang nakarating na kami sa office pinark na niya ang kotse.

Lalabas na sana ako kaso siya nalang daw ang magbubukas para sakin.

Nakakapagtaka talaga.

Never akong trinato ni Axi nang ganito tapos out of the blue biglang bait siya?

Nang binuksan na niya ang pinto, lumabas na ako at tumingin sa kanya ng diretso.

"Axi alam kong utos lang to ni papa kaya hindi mo na kailangang gawin pa to. Ikaw lang din ang mahihirapan."

"Hi-hindi naman to tungkol kay tito."

"Eh tungkol kanino? Pwede ba wag kanang magsinungaling! Hindi naman ako ganyan ka uto-uto!"

Napatigil siya at napalunok ng laway ja pawang hindi makapaniwala sa reaksyon ko. Aba'y dapat lang!

"Sa simula palang kasi pinakita mo na sakin na hindi mo ako gusto. Pero ngayon bigla kang nagbago! Kaya tama na dahil hindi ako natutuwa sa trip mo."

Dagdag ko pa at agad naglakad papasok sa loob.

Akala niya sakin hindi nag-iisip. Nagkukunwari lang siyang mabait sakin dahil utos na naman ni papa! Hindi ko sure pero yan lang ang posibleng dahilan.

At ang mas hindi ko gusto ay kapag ipinagpatuloy niya to...

Baka tuluyan na akong madala sa mga ngiti niya.

Sa di maipaliwag na dahilan, biglang nanikip ang dibdib ko.

AXI'S POV

"Sa simula palang kasi pinakita mo na sakin na hindi mo ako gusto. Pero ngayon bigla kang nagbago! Kaya tama na dahil hindi ako natutuwa sa trip mo."

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon