抖阴社区

Chapter 22: Turn Off

Magsimula sa umpisa
                                        

---

"Waaaaaah!!"

Inalog ko ang ulo.

Ano ba 'tong mga pumapasok sa utak ko?!

Wag na nga lang akong pumunta sa CS-baka magkatotoo ang imagination ko! Mapagkamalan pa akong weirdo! Ahaist! Nasaan ka ba naman kasi, Ayi?! Nababaliw na ako rito! Please, magpakita ka na!

---

Pagdating ko sa may food court, sawakas nakita ko na siya.

Lalapitan ko na sana siya kaso... napako ang paa ko nang makita ko kung sino ang kasama niya.

Si Raychan.

At hawak-hawak pa ni Ray ang kamay niya! Huh?! At parang ang lagkit pa ng tinginan nila sa isa't isa?!

Bigla akong nakaramdam ng panghihina.

Yung tipong maiiyak na ako... kaso hindi pwede! Kasi lalaki ako! Mapagkamalan pa akong bading dito, eh.

Pero ang sakit pa rin.

Di nagbabago ang sakit na nararamdaman ko simula noong araw na nakita ko silang magkasama... hanggang ngayon. Bakit...

Halos buwan na rin naman ang lumipas, ah.

Pero kahit na nalaman kong hindi pa sila ni Ray, nai-insecure pa rin ako. Kasi hindi pa rin nawawala ang posibilidad na maging sila, di ba?! Dahil nga sa ang bagal ko!

At the worst thing is... Ayi would never fall in love with me that quick. Kasi she hates me a lot.

Kailangan ko munang mabago ang paningin niya sa'kin para mahalin niya ako. Kaya nga ako nagbago, 'di ba?

To make her the happiest girl in the world.

Pero paano kung bago ko magawa lahat ng 'yon, huli na pala ako?!

Eh gano'n naman pala, Axi, eh! So why are you just standing there?! Take a step and make a move!!!

Sige! Susundin ko ang sigaw ng puso ko!

Kung aatras ako ngayon, parang sinabi ko na rin na hindi ko kayang ipaglaban si Ayi!

Hindi na ngayon!

Nilapitan ko sa Ayi na kunwari wala lang ang asungot na Ray sa paligid. "Haisst, Ayi naman! Kanina pa kaya kita hinahanap! Ano bang trip mo at iniwan mo 'ko dun, huh? Hindi mo ba alam, pinag-alala mo ako?"

Nanlaki naman ang mata niya. "Nag-alala ka sa'kin!?" O_o

"Oo naman, Ayi. Alam mo namang mahal na mahal kita, 'di ba?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Mas nabigla pa siya lalo.

Parang nag-freeze siya. Nagulat talaga siya. Natameme bigal sa sinabi ko.

"Aheem."

May nagpapansin sa tabi namin.

Alam niyo na siguro kung sino.

"Oh, bro! Andiyan ka pala? Di kita napansin, huh. Anong meron at napadpad ka rito sa mall?"

Sarcastic kong tanong sa kanya.

Sige lang. Mamatay ka sa inggit ngayon.

"Bwahaha! Tinatanong pa ba 'yan? Naramdaman ko kasing nandito si Ayi ko, kaya pumunta ako rito."

Sabay hawak din siya sa kabilang kamay ni Ayi.

Nag-evil smile pa siya sa'kin!

Aba, hindi talaga siya magpapatalo!

AYI'S POV

"Oo naman Ayi alam mo namang mahal na mahal kita diba?"
Sabi ni Axi sabay hawak sa kamay ko at dahil diyan parang nanigas ang buong kalamnan ko.

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon