One word is enough for a wise man!
Ayan na naman ang qoute na yan! Yan kasi palaging sinasabi niya sakin kasi nga raw ang matalinong tao kuha na sa isahan lang! Ganon daw siya eh. Psh!
Sa inis ko nag logout nalang ako at baka mahawa pa ako sa nonsense na lalaking yon! Minsan lang nga yan magparamdam sa social media tas ito ba b-bungad sakin?
Oo, walang laman FB niyan. Parang ghost account nga eh! Kita mo parang multo rin na bigla na lang susulpot.
─── KINABUKASAN ───
School
AYI'S POV
Pagkapasok ko sa classroom biglang natahimik ang lahat. Anong meron? At halos lahat nakatingin sakin! Tapos ang mga mata nila parang feeling sorry? Dahil ba dun sa nangyari kahapon?
"Ify pasensya na talaga ha kung pinagtawanan ka namin kahapon. Di naman ibig sabihin nun na iniinsulto ka namin. Sorry talaga."
Paliwanag ni Eva nung napadaan ako sa upuan niya.
At sunod-sunod na rin na nag sorry ang iba ko lang mga classmates.
"Nako wala yon noh kayo naman."
Nginitian ko lang din sila kasi ano pa ba ang magagawa ko kundi ang magpatawad.
Buti naman nga at natauhan tong mga to. At napansin kong wala pa ang Triple Ef.
Triple Ef as in Funny, Faith at Fram. Mga kontrabida yan dito school. Mga mapanglait at inggitira. Eh teka ba't ko ba sila hinahanap?! Buti nga't di pumasok ang mga yon para maganda araw ko!
Napangiti tuloy ako. Parang gumaan na ang loob ko kasi nga nagsorry na naman sila sakin. Pero ang Triple Ef naman talaga ang dahilan kung ba't ako nag walk out!
Nang nakaupo na ako agad namang nagsalita si Steph, "Alam mo bes naiinggit ako sayo."
"Ha? Ano namang kaiinggitan mo sakin?"
"Kasi bes feeling ko, matatagpuan mo na ang true love mo."
"HAAAAH?!"
Napakunot lang ako ng ulo kasi kung ano-ano na naman tong pinagsasabi ni Steph.
Pagkatapos ngumuso lang siya na parang may tinuturo sa likod kaya liningon ko.
At si Laxier ang tinutukoy niya!
Heto naman tayo.
"Wew bes ilang beses ko bang sinasabi sayo na awat na ako sa mga crush na yan!"
"Eh hindi lang naman ganyan eh."
Haist ano ba kasing nasaisip ng babaeng to?! Ang kulit niya ha.
"Eh ano?"
"Alam mo kasi bes, pinagtanggol ka niyan kahapon. Kaya nga wala pa ang Triple Ef eh kasi napahiya sila!"
"AANNOO!!?" O_o
Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat kasi itong si Laxier pinagtanggol ako?
Totoo ba to? Paano? At bakit?
Naputol ang usapan namin dahil dumating na si prof.
Napatingin ako dun sa Laxier. Kasi nagtataka talaga ako kung ba't niya ako pinagtanggol. Parang di kapanipaniwala. Ano magta-thank you ba ako sa kanya!?
Bigla siyang napalingon sa direksyon ko at agad naman akong umiwas. Woooh, ang intimidating niya masyado. Maliban sa mukha siyang seryoso eh parang suplado rin. Akala naman nila nakakagwapo yan.
"Now class, I will mention the names of/"
Naputol ang sasabihin ni ma'am kasi biglang dumating ang Triple Ef. Automatic nasira na araw ko. Dapat nga hindi Triple Ef tawag sa kanila eh kundi WHAT THE EF!

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...
Chapter 4: Partners
Magsimula sa umpisa