"Medyo napagod nga ako eh."
Sabi ni Brix, ang pinaka-gwapo sa grupo, habang pinagmamasdan ang kanyang namumulang kamao. Hindi pa rin mawala ang pag-ngisi niya.
"At ano yon?"
Tanong ni Ray, sabay lapit sa kanila at nagsimula magtimpla ng inumin mula sa isang baso ng alak.
"Nakaganti na kami sa nanuntok sa iyo, boss! Bugbug sarado na siya ngayon!"
Sigaw ni Carl, habang nag-suntok-suntok sa hangin. Tawang-tawa sila sa pinagsasabi niya. Ito naman ang pinaka-OA sa kanila.
Pwaaaaah!
Nabuga ni Raychan ang alak mula sa kanyang bunganga, tumilapon mismo sa mukha ni Carl. Lahat sila, nagulat sa reaksiyon ni Ray.
"ANO!!!? MGA BOBO TALAGA KAYO! BAKIT DI NIYO MUNA SINABI SAKIN BAGO NIYO SAKTAN YON HA!?"
Sigaw ni Ray, ang galit niya, kitang-kita sa mata.
"Eh gusto ka po kasi naming i-surprise eh!"
Sabi ni Bunso, ang pinakabata at medyo isip-bata sa grupo.
"I-surprise!? Di niyo ba alam na ang taong binugbog niyo ay ang anak ni boss, NAKAGAGALING LANG SA AMERICA!?"
"AAANOOOO!!?"
Sigaw nilang lahat, halos manlumo sa narinig.
"Anong binugbog ha!? What did you do to my son!?"
Tanong ni Sir Henry, ang galit niya kumulo pa lalo. Malupit ang galit, at lahat sila, napangisi pero nahulog sa takot.
"Ehh boss, hindi namin alam na anak mo pala yun!"
Sabi ni Jojo, na pawang siya lang ang may normal na ugali sa kanila.
"AHHHH, MAGSILAYAS KAYO!!!"
Sigaw ni Sir Henry, sabay hagis ng bangkito sa kanila. Tumakbo silang lahat palabas sa takot.
"Pasensya na, boss. Di ko sila nasabihan agad."
Sabi ni Raychan, na medyo nagsisisi.
"Kung may mangyaring masama sa anak ko, malalagot kayo sa'kin!"
kriiing kriing
Tumunog ang cellphone ni Sir Henry, agad niya itong kinuha at sinagot.
"Hello, Estella."
...
"ANO!? Sang hospital!?"
...
"Sige, pupunta na kami diyan!"
End of call
"Bakit, anong nangyari boss?"
"Nagtatanong ka pa?! GGRRRRR."
Nanggigigil siya, at kitang-kita ang tensyon. Gusto niyang suntukin si Raychan, pero pinipigilan niya ang sarili.
Hospital
ESTELLA'S POV
Buti at madali lang kausapin si Miss Ayi! At mabuti nalang napadaan ako dun sa eskinita! Trip ko lang kasing maglakad papunta sa bahay ko at dun yong alam kong shortcut.
Alam ko na wala ako sa lugar para makialam o pigilan manlang siya na sumama pero mas makakabuti yon para sa kanya. Kasi pag sumama siya rito siguradong marami siyang malalaman tungkol kay boss at kay RAYCHAN na hindi niya ikakatuwa.
"KAMUSTA ANG ANAK KO?!"
Nagulat ako nang biglang pumasok si boss at pabalibag niya pang sinarhan ang pinto.

BINABASA MO ANG
Beyond the Hate List
RomanceTo protect her heart from falling for the wrong person, Ayi created a hate list-a reminder to never fall too easily. But when a boy who checks every box on that list is always within her range - her rules start to crumble. *** There's more than what...
Chapter 12: Men Behind
Magsimula sa umpisa