抖阴社区

Chapter 2: Ayi's Hate List

Magsimula sa umpisa
                                    

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumungo sa study room ni Papa. Diyan kasi siya agad dumidiretso pagkauwi. Woooh, excited na talaga ako!

---

Pagkarating ko sa tapat ng office niya eh dire-diretso akong pumasok sa loob, "Hi, Pa! Good evening po!"

Nakita ko agad si Papa na nakaupo sa table niya. Haist. Pagkagaling sa trabaho, trabaho ulit.

"Ayi naman, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kapag pumapasok ka sa isang kwarto, eh kumatok ka muna? Napapagod na talaga ako sa kakapaalala sa'yo."

Kita mo 'yan? First move ko pa lang, palpak na. Eh kasi naman, yan talaga ang sakit ko-nakakalimutan kong kumatok. Ewan ko nga eh. Sounds funny, but true.

"Ay, sorry po, Pa."

Napayuko na lang ako kasi nakakasawa na talaga makinig sa mga sermon ni Papa.

"Tsk, ayan na naman tayo, Ayi. Oh, anong kailangan mo?"

Napaka-intimidating talaga niya. Ni hindi manlang napatingin sakin, abala sa mga hawak niyang papers.

"Uhm... kasi po, Pa, 'yung tungkol sa OJT ko..."

"Ahh, your Tito Henry and I already talked about that."

"Waah, talaga, Pa?! So it means...?"

"It means you'll be having your internship there. Sa marketing branch natin sa Cavite."

Pagkarinig ko niyan, biglang na lang nagbago ang aking facial expressions. Yun tipong nadama ko talaga na nawala ang excitement ko sana sa internship.

"ANO PO?! SA CAVITE?! Pa, bakit dun?! Bakit hindi na lang sa inyo?!"

Sunod-sunod kong tanong.

Ito na sana ang paraan ko para maipakita kay papa na kaya ko ring gumawa ng mga bagay na ikaka-proud nila sa akin.

"Alam mo na kung bakit, Ayi, kaya sundin mo na lang ako."

Pagkasabi niya niyan, mas lalo pang sumikip ang dibdib ko. Dahil ano? Kinakahiya niya ako? Kaya dun niya ako itatapon sa lumang branch namin?!

Grabe! Oo alam ko hindi ako matalino pero sana kung bibigyan niya lang ako ng chance to prove myself baka sakaling magbago ang tingin niya sakin.

Kaya ko naman siguro pero wala eh, nakatatak na para sa kaniya na wala akong kwentang anak.

"O-okay po. Uhm, excuse me."

Dahil wala na akong nagawa, lumabas na lang ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Napahigpit ang paghawak ko sa dulo ng aking t-shirt.

Kahit kailan talaga, wala siyang tiwala sa'kin, sa'kin na ANAK niya!

"Oh ate, anong nangyari, ba't ka umiiyak?!"

Napahinto si Liling nang magkasalubong kami at parang kakauwi lang.

Tinignan ko lang siya, pero iniwas ko rin ang aking tingin at dali-daling pumasok sa kwarto.

Umupo ako sa kama habang umiiyak. Siguro nga ito talaga ang tingin sa'kin ni papa- walang kwenta at bobo! Bakit naman kasi hindi na lang ako naging katulad ni Liling!

Hindi ko naman hiniling na ipagmalaki niya ako araw-araw, pero kahit kaunting tiwala lang sana...

Napansin ko ang laptop sa kama kaya binuksan ko ito.

Ngayon alam ko na ang idadagdag sa buong listahan!

Habang nagta-type, hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko.

8. Manhid
Dapat minsan, kailangang isipin muna niya ang mararamdaman ko bago gumawa ng isang bagay!

9. Pa-ASA
Dapat huwag niya akong paasahin sa bagay na alam niyang gusto ko.

10. Ikakahiya ako.
Dapat tanggap niya kung sino at ano ako.

Sa madaling salita, hindi dapat ako ma-in-love sa tulad ni PAPA.

Enter

Tapos prinint ko siya at pinirmahan sa ilalim.

"Pinapangako ko na hindi ako ma-iinlove sa tulad niya!"

Sabi ko sa prinint ko na hate list sabay pahid ng mga luha ko.

tok tok tok

Nang may narinig akong kumatok, agad kong tinago ang hate list sa drawer.

Tumungo ako sa pintuan para buksan ito. Ni-lock ko kasi kanina.

At si mama nga. Wala naman ibang mag-aalala sa'kin dito kundi siya lang.

"Nak, sabi ng kapatid mo, umiiyak ka raw? A-anong problema? Sabihin mo sa'kin." Hinawakan niya ng marahan ang mga pisnge ko.

"Wala po, ma. Okay lang po ako."

Pilit na lang ako na ngumiti para hindi na magtanong pa si mama.

"Nak, magtapat ka nga sa'kin. Pinagalitan ka na naman ba ng papa mo?"

Natawa ako ng pilit. "Hahaha, wala po, ma. At saka sanay na naman po ako kay papa kaya okay lang po 'yon."

Pero sa totoo lang, hindi talaga ako okay. Ayoko lang mag-alala si mama.

"Sigurado ka ba?"

"Opo, ma. Kayo naman." Ngumiti na lang din ako.

Bumuntong hininga siya. "Okay, sige ha. Ay teka, ano nga ba yung ibabalita mo sa'kin, nak?"

"Ahh, 'yon po? Uhm, yung tungkol po sa OJT ko, ma. Next week na po 'yon."

Biglang lumiwanag ang mukha niya. "Talaga, nak? Nako, excited ako para sa'yo, nak. Excited akong makita ka na naka-OJT uniform."

Yung ngiti ni mama, may halong pagka-proud sa akin.

Kahit papaano talaga, may karamay pa rin ako. Nandito si mama.

"Salamat po, ma, ha? Ikaw lang talaga yung may tiwala sa'kin."

"Wag mong sabihin 'yan, nak. Nandiyan din ang papa mo."

Pagkarinig ko niyan muntik na akong umirap sa harapan ni mama. Buti na lang at na control ko pa ang sarili ko.

"Ahhh, ma, napag-isip-isip ko po na kumuha ng apartment sa Cavite."

Iniba ko na lang ang usapan. Palagi kasing sinasabi ni mama na proud sa'kin si papa tapos mahal ako, eh alam ko naman na hindi totoo.

"Ano, pero bakit?" Naguluhan naman si mama. Sigurado ako na ang nasaisip niya ay sa main branch ako.

Well, akala ko rin, ma.

"Sabi ni papa, dun daw ako mag-internship kay Tito Henry. Eh malayo 'yon, ma, kaya naman kailangan ko na 'dun tumira."

Mukhang namang nalungkot si mama sa sinabi ko. Gustuhin ko man na hindi mapalayo sa inyo, ma, pero kailangan.

Ginusto ni papa 'to, at saka mas mabuti na rin 'to para mas maging independent ako. Para makapagpalipas na rin ng sama ng loob.

Pumayag naman si mama na mag-apartment ako, pero yun nga, mamimiss niya raw ako.

Di ko naman hinangad 'to, eh! At saka wala na naman kaming magagawa. Si papa na ang nagsabi!

Oo na, siguro sinadya niya tong mapalayo ako para hindi na niya ako makita rito!

Beyond the Hate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon